Chapter 33

3 1 0
                                    

Chapter 33

Mikelle's POV

Nasa harap ko ngayon ang pinakamagandang babae na naging dahilan para magpatuloy sa buhay. Unti unti naming aabutin ang aming pangarap ng magkasama.

"Ms. Eijaz Mireille Constacia!" Pag aanunsyo sa pangalan ni Mikay. Sabay silang umakyat ni tita. Maganda ang ngiti. Nang iabot sakanya ang Diploma ay niwagayway niya sakin. Saka ako inirapan ng nakangiti. Matapos ang gabing inilibing si lola ay nangako akong hindi ko na siya pababayaan. Nagpatuloy ako sa pag aaral at kasabay niyang magtatapos.

"Ray Mikelle De Guzman" kahit papano ay dumating si papa kanina para kasama kong kumuha ng diploma. Pag katanggap ko ay ginaya ko ang ginawa ni Mikay.

"To all Students Batch 2019-2020 Congratulations!!"

"Woahhh!!!"

"Yeahhh!"

"May salo salo samin! Para samin ni Mireille." Maligayang usal ni Clienna. Dun nga sila dumiretso. Umuwi naman ako para kuhanin ang sasakyan ko dahil sumabay lang ako kay daddy. Hapon nako nakapunta sakanila.

"Si tita?" Tanong ko agad kay Mikay ng makarating ako.

"Nauna nang umuwi bakit?"

"Pupunta tayong tagaytay!, ah! Tito isasama ko lang po sana si Mireille sa tagaytay"

"Anong gagawin nyo don?" Kunot noong tanong ni papa.

"Dad naman! Hayaan mo na nga sila! Syempre bebe time nila!" Natatawa ko silang tinignan. Si Mikay naman ay kita agad ang pang iirap.

"Aalis na kami Pa" saka nangunang umalis si Mikay.

"Thank you tito" agad akong sumunod kay Mikay. "Magpapaalam muna tayo kay tita"

"Naitext ko na"

"Hindi ka rin excited huh?" Nakangisi kong tugon. Inaatake na naman siya ng pag tataray. Pansin ko ang lagi niyang pamumutla pero pag sinasabi ko naman ay dinadahilan niyang may period siya kaya maputla. Sa pamamayat niya naman ay sinasabi niyang nag dadiet at exercise siya na agad ko ding tinutulan. Nagmamaneho ako ng mapasulyap sakanya.Mahimbing siyang natutulog. Dahil nakahinto pa naman ay tinitigan ko siyang mabuti. Anlaki talaga ng pinagbago niya. May pagkaitim nadin ang ilalim ng mga mata. Minsan pag basta nalang ako pumupunta sa bahay nila ay nagagalit siya at pansin kong sobrang lamya niya. Tinawagan ko agad ang isang kaibigan na nagtatrabaho sa isang restaurant kung saan may magandang view ng sunset. Ginising ko siya ng makarating kami. Nang idilat niya ang mata niya. Kitang kita ko ang panghihina agad akong nag alala.

"Are you alright? Are you tired? Pwede namang wag na tayong tumuloy-"

"Ayos lang ako no!" She rolled her eyes. "Tsaka andito na ata tayo. Andito na ba?" Tumango lang ako. Hindi naniniwalang ayos lang siya. Pero dahil pinangunahan niya na ang paglalakad ay sumunod nako.

"This way Ma'am" pilit kong tinatago ang pagdududa sa boses ko. Ngumiti lang siya saka tumungo sa sinabi ko. Nangiti naman ako ng una niyang puntahan ang isang veranda ng restaurant na katabi lang ng table na pinareserve ko. Kita sa mga mata niya ang saya pero nangingibabaw ang panghihina at sa tingin ko'y meron dong lungkot. Agad kong pinulot ang gitara. Pumwesto ako sa likod niya saka tinipa ang gitara.

🎶I'll hold the door🎶  agad siyang napatingin ng simulan ko ang pagkanta. 

🎶Please come in, And just sit here for a while🎶 kita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya. Nagingiti ko siyang tinignan

This is my 'Way of telling you I need you in my life🎶

🎶It's so cold
Without your touch
I've been dreaming way too much
Can we just
Turn this into reality🎶

Nakangiti siyang umiiyak. Parang baliw.

🎶'Cause I've been
Thinking 'bout you lately
Maybe you could save me
From this crazy world we live in
And I know we could happen 'Cause you know that I've been feeling you🎶

I am your ShadowWhere stories live. Discover now