Chapter 19

3 0 0
                                        

Chapter 19

Mikelle's POV

"Uwi na po ako tita!"

"Mag iingat ka, ihatid mo si mikelle dan sa labas." Baling ni tita kay mireille.

"Thank you po tita" sabay kaming lumabas ni mirelle.

"Ingat" tatalikod na sana siya pero hinawakan ko siya. Nagtataka siyang lumingon sakin. "Baket?"

"Wala. Thank you" saka ko siya tinalikuran. Masaya akong nagmaneho pauwi.

"Pambihira naman Mama!!! Sana man lang magsabi ka!" Dinig kong sigaw ni papa. Nagmadali akong pumasok para puntahan si lola. Galit kong tinulak si papa palayo kay lola ng makitang umiiyak na ito sa paninigaw ni papa.

"Isa ka pa! Mga walang kwenta!!" Paninigaw niya pa bago umalis. Nilapitan ko agad si lola na tahimik na humihikbi.

"Ano bang nangyari?"

"Eh kasi sir. Si ma'am basta nalang umihi dito. Eh kararating lang ni sir at sya ang unang nakakita."

"Bakit mo iniwan si lola dito?" Malamig kong tanong sakanya.

"Ikukuha ko po sana siya ng gatas sir." Mahina niyang usal.

"I told you! Bantayan nyo si lola anong mahirap don!" Sigaw ko na parang dinig na hanggang sa labas ng bahay.

"Kahit sisantihen mo lahat yan. Wala ka nang magagawa sa matandang yan!" Pahabol pa ni papa bago lumabas. Hindi ko na napigilan na sugurin siya pero hinawakan ako ni nanay.

"Bitiwan moko manang" malumanay kong sabi pero sa loob loob ko ay sasabog na.

"Pabayaan mo na ijo kapag nag away kayo ay baka hindi na siya magbigay ng pera para sainyo"

"Responsibility nya to! Ang sabihin niyo ay makasarili siya!" Galit na galit kong sigaw. Kumalma lang ako ng marinig ang hikbi ni lola. Lumapit agad ako sakanya at inalo ito.

Umakyat lang ako sa kwarto ko ng masigurong tulog na si lola. Tuluyan lang nawala ang galit ko nang mabasa ang text ni Mireille.

~Mikay~

Thanks for today!

I replied

~To Mikay~

Goodnight...

Nakatulog nalang ako sa pag iintay sa reply niya. Wala man lang goodnight back. Maaga akong nagising at nag ayos dahil plano kong sumunod sa check up ni mikay. Hindi ko nga lang alam kung saan. Titignan ko nalang siguro ang nadaanang hospital. Sinilip ko si lola tulog pa siya kaya umalis na lang ako.

"Umuwi ba si papa kagabe?"

"Hindi po sir" sa tuwing may ganong pangyayari sa bahay ay umaalis siya at hindi umuuwi. Satingin ko ay may iba pa siyang bahay na tinutuluyan o may kinakasama.

Naubos ko na ang halos tatlong oras sa pagtatry ng mga pwede nilang puntahan na hospital pero wlaa sila don. Wala nakong nagawa kundi ang tawagan si Mikay.

~Ringing~

"Hello?"

"Ahh.."

"Hello? Mikelle?"

"San ba kayo nag pacheck up? Sa ibang bansa!"

"Huh?"

"Hinahanap ko kayo"

"Nasa bahay? Bakit?"

"Bahay? Akala ko magpapacheck up ka!"

"What? Don't tell me-"

"Pupunta ako sainyo!" Saka ko pinatay ang tawag. Tsk! Kanina pa ko paikot ikot nasa bahay lang pala nila!

I am your ShadowWhere stories live. Discover now