Chapter 26
Mikelle's POV
"How is she?"
"I suggest na sa hospital niyo siya dalhin para malaman talaga kung bakit siya hinimatay. Ang clinic ay para lamang sa mga natural na sakit na nararamdaman ng mga student. Sa tingin ko ay sa sobrang init. Pero ipacheck nyo na din. Pwede siyang mag stay dito hanggang maging okay siya. Pag nagising siya ay kailangan mo nang pumasok sa klase mo. May papalit sakin dito aalis nako" tumango lamang ako sakanya. Malakas talaga ang kutob kong hindi siya okay. Tuwid akong napaupo nang magmulat siya.
"Anong nararamdaman mo? H-huwag kang gumalaw" pagpapahinto ko sakanya nung mauupo siya.
"Sumakit lang ulo ko"
"Tsk! Mas masakit pag walang ulo" pagbibiro ko. Inirapan niya lang ako bago pinikit uli ang mata. "Okay ka na! Umiikot na uli yang mata mo!"
"Tabi nga!" Pagtulak niya sakin.
"San ka pupunta?" Tinaasan lang niya ko ng kilay at nagtuloy tuloy sa pagtayo. "Oy!"
"Itigil mo nga yang bibig mo! Sa Room!"
"Sandale. Hindi pa pwede!" Habol ko sakanya dahil nagtuloy tuloy siya.
"Pag hindi mo tinigil yang bibig mo hindi kita kakausapin!" Banta niya na kinatigil ko. Minsan nakakainis ang pagiging Bossy niya!.
Ilang oras din siyang natulog sa Clinic. Imposibleng okay na siya ngayon. Tingin ko'y lunchtime na kaya maraming dumadaan sa hallway. Napahinto ako sa paglalakad ng matanaw si Mikay na nakaharap lang sa may pinto at hindi pumapasok. Binilisan ko ang lakad. Pumwesto sa likod niya at nakita kong magkahalikan si Aiden at Vriene. Nahawakan ko agad si Mikay sa braso iniharap ko sakin. Wala akong mabasang kahit na ano sakanya. Hinila ko siya paakyat ng Rooftop.
Pinaupo ko siya sa mga upuan don at tinabihan. It's hurt to see her like this. Its cause me lot of pain to see her crying because of other man. But i think it's more painful if im the reason why she's crying. Without any words i hug her and let her cry in my shoulder. Agad din siyang bumitaw. Tumingin siya sakin ng nakangiti.
"Naluha ako... pero bat pakiramdam ko. Ok lang?" Natatawa niyang saad na kinalito ko. "Bakit pakiramdam ko dapat akong masaktan pero wala akong maramdaman. Alam kong gusto ko siya pero bakit ganto?" Lito niyang tanong. Maging ako ay nalilito.
"Jaz" pareho kaming lumingon ni Mikay ng may tumawag sakanya. Aiden . Muka kang punching bag. Sarap durugin. "Can i talk to you?" Saka lumingon sakin.
"Why?"
"Nakita mo?"
"Oo"
"Bakit-"
"Hindi ko alam, kalimutan nalang natin"
"Si Vriene lang ang-"
"Hindi ko tinatanong" walang emosyon niyang tugon bago kami tinalikuran. Akmang hahabol si Aiden pero hinarangan ko siya. Dahilan para itulak niya ko.
"Anong problema mo huh!" Hawak ko ang kwelyo niya pero nanatili pa rin siyang kalmado.
"Ikaw!" Saka ko siya sinapak. "Dalwa dalwa trip mo eh!" Sasapak na sana siya pero nailagan ko iyon at sinapak pa siya ng tatlong beses. "Apat! Para sapat!" Saka ko siya sinipa at tinalikuran. Ilang classroom pa ang dadaanan ngunit dinig na ang ingay sa classroom namin. Nagtatawanan. Naisip ko agad si Mikay kaya dali dali akong pumunta kahit hinihingal pa galing sa pagtakbo pababa. Ganon nalang ang pagmamadali kong makapasok ng makitang basang basa si Mikay ng kulay itim na sa tingin ko ay pintura. Pinunasan ko agad ang muka niya gamit ang manggas ng polo ko. Hindi na naisip na putian iyon. Dinig na naman ang bulungan ng ilan sakanila. Kelan ba sila magsasawa. Nang maalis ang ilan sa muka ni Mikay ay hinarap ko sila
"Sinong may gawa?" Mahinahon kong usal pero walang nagsalita. "Sinong may gawa!!" Sigaw ko na kinatili pa ng ilang babae.
"Ako, baket-" naputol na ang sasabihin niya ng hawakan ko ng mahigpit ang baba niya gamit ang may pintura kong kamay. "Hindi ako nanakit ng babae but once you touch my girl! I swear" nanggagalaiti kong usal bago hinila si Mikay at kinuha ang gamit namin.

YOU ARE READING
I am your Shadow
Storie d'amoreThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...