Chapter 25
Eijaz's POV
Sit with the pain until it passes, and you will be calmer for the next one.
Naval Ravikant
Basa ko sa text ni Mikelle. Nang gabi ding yun ay hinatid niya ko. Siya yung taong hindi ko inakalang dadating sa buhay. Yung taong makakasama ko pag mag isa ako. Taong magpapatawa pag malungkot ako.
"Anak?"
"Ma!" Lumabas nako sa kwarto nang marinig ang tawag ni mama. Nakaayos nako pero nag dadalwang isip kung papasok.
"Bat nandito ka pa! Malelate ka! Lakad na. Bilis" pagtulak niya sakin. Ayokong pumasok pero wala akong nagawa. Nakita ko si Mikelle na nakasandal sa sasakyan niya.
"Malelate tayo Mikay! Bilis bilis!" Agad umikot ang mga mata ko. Seryoso siyang nagmamaneho nang magsalita siya. "Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba." Saka siya ngumiti.
Nakaramdam ako ng pagkahilo napansin ni mikelle ang pagbagal ng lakad ko kaya napahinto siya.
"Are you okay?" Nag aalala niyang usal. Tumango nalang ako at nanguna na sa paglalakad. Nang makarating sa pinto ay napalingon silang lahat at nagtahimikan. Ipinagtaka ko iyon lalo na nang magbulungan sila. Naalala ko ang nangyari nung sabado kung pano nila nalaman ang tungkol samin. Naalis lang ang tingin nila ng dumating si Mikelle na busangot na din ang muka ng makitang nakatingin silang lahat. Hinila ako ni Mikelle papasok at iniupo sa upuan ko. Saka pumunta sa upuan niya. Tahimik lang ang lahat habang nanonood samin. Nang tumayo si Vriene at lumapit sakin.
"Sorry sis! Umalis agad ako sa party ni clienna nung tumawag si Mommy." Ramdam ko namang sincere siya. Kaya ngumiti lang ako sakanya. Bumalik din naman siya sa upuan niya.
"Bakit naman hindi ka nagshare samin Mireille" maarteng pagkakasabi ni Chloe lumapit na sakin kasama ang ilan pang babae. Napatingin ako sa gawi ni Vriene at nakatingin lang siya sakin na agad din namng nag iwas ng tingin. Nang masulyapan ko naman si Clienna ay nakayuko lamang ito.
"Hindi ko alam na dapat ko palang ishare sayo?" Mas maarte kong tugon. Walang planong magpatalo.
"Pareho kayo ng Ama pero magkaiba ng Ina!" Tuwang tuwang sabi niya pa.
"Hindi ko alam na interesado ka na pala sa buhay ko ngayon." Nakangisi kong usal. Naramdaman ko nang tumayo si Mikelle dahil kita sa gilid ng mata ko.
"Pareng Mikelle! Wag tayong nakikialam sa away ng mga babae!" Dinig kong usal ng isa sa mga loko naming kaklase. Hindi ko magawang lumingon dahil nakaamba silang apat sa harap ko.
"Hahahaha hindi naman sa ganon Mireille pero di ba dapat alam naming magkapatid pala kayo nitong si Clienna?" Nakangisi niyang sabi habang iniikot ikot ang buhok ko. Nanlaki ang mata ni Chloe ng tampalin yon ni Mikelle.
"Don't touch her" malamig nitong sabi na kinatigil ni Chloe.
"Mikelle, di ba dapat naman talaga nating malaman?" Malanding usal nito na hinawakan pa sya sa braso. Na agad namang inalis ni Mikelle. Ngumiti lamang si Chloe saka sumulyap uli sakin.
"Sabi ni Clienna ayaw mo daw kaseng ipaalam. Baka namn kase kayo yung kabit." Plastik siyang ngumiti. Napatayo naman agad ako at handa nang hablutin ang buhok niya ng magsalita ulit siya.
"Baket affected ka? Kase totoo? Mas naunang nagdebut si Clienna sayo kaya kayo ang kabit!" Saka sila nagtawanan. Hawak na ni Mikelle ang braso ko handang umawat kung sakaling magtalo kami dito.
"Kabit naman pala kayo Mireille HAHAHAHA" tawanan ng lalaki sa likod. Agad nangilid ang luha ko at lalapitan sana sila pero nagulat ako ng naunang tumakbo si Mikelle at pinagsasapak si Edward. Nagtilian na ang ilan sa mga babae.
"Siraulo ka! Kalalaki mong tao!" Sumakit ng sobra ang ulo ko. Dagdag pa ang ingay galing sa tilian ng mga babae. Nanlabo ang paningin ko and everything turns black.
YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...