Chapter 30

2 0 0
                                    

Chapter 30

Mikelle's POV

Mabilis na lumipas ang araw. Nangangalahati na kami ng taon sa grade 12. Wala na akong hihilingin pa sa buhay ko. Si papa ay nakapag asawa na ng iba tanggap naman ako ng napangasawa nya pero hindi pa rin kami nagiging okay ni Daddy. Maayos at masaya kaming dalawa ni Mikay. Magkasundong magkasundo na ngayon si Mikay at Clienna. Nang isang araw nangyari ang hindi ko inaasahan.

"Sir! Si ma'am po?!" Nanginginig ang boses niya ng tumawag sakin. Kasalukuyan kaming nag iintay sa susunod na klase. Dali dali kong inayos ang gamit at lumapit kay Mikay.

"Mauuna nako. Si lola" hindi ko na naintay ang sagot niya. Halos mabangga ko na lahat ng nakakasalubong ko. Agad kong pinaharurot ang sasakyan.

"Asan si lola?"

"Andito po sir." Hirap man ay binuhat ko agad si lola at sinakay sa sasakyan. Nang makarating sa hospital ay agad siyang dinala sa emergency room.

"Ano pong nangyari sakanya?" Tanong ng nurse na sumalubong sakin.

"Hindi ko alam! Basta gamutin niyo!"

"Sir kailangan po naming malaman"

"Sir!" Paglapit ni aling melinda. "Umiinom lamg siya kanina ng gamot niya nang mawalan po siya ng malay."

"Hanggang dito nalang po kayo. Paantay nalang po ang sasabihin sainyo."

Kakaupo ko palang nang nagmadaling lumabas ang dalawang nurse galing sa emergency room. Agad akong napatayo. Nang bumalik ang dalawang nurse ay may kasama na. Sa tingin ko ay doctor. Halata din ang pagmamadali sakanila. Paikot ikot nako sa labas ng emergency room nang lumabas ang Doctor.

"Excuse me? Kaano ano kayo ng pasyente?" Pagkausap sakin nito.

"Apo po? Ano pong nangyari sakanya? Ayos naman ho siya di ba?" Naluluha ko ng tanong.

"Im sorry pero hindi na kinaya ng lola mo-" agad kong tinapat sakanya ang kamay ko. Tanda na hindi ko gusto ang sinasabi niya.

"Wala tayong magagawa. May edad na din siya. Hindi na kinaya ng katawan niya."

"Kalokohan" napabaling agad ako ng ilabas ang isang katawan galing sa emergency room may taklob na ng kumot. Agad ko iyong nilapitan at tinignan. Bumuhos ang luha ko ng mapatunayang si lola nga yon. Ang unang taong nagparamdaman sakin na mahalaga ako. Ang unang taong nagmahal sakin. Nasa harap ko ngunit wala ng buhay. Tulala lang ako habang nakaupo sa bench ng hospital. Dumating si daddy at siya ang umasikaso. Panay ang tunog ng phone ko pero hindi ko magawang sagutin. Gabi na ng matauhan ako.

"Sir hindi pa ba kayo uuwi? Kanina pa kayo dito." Tanong ng satingin ko'y janitor ng hospital. Tinalikuran ko lang siya at dumiretso sa sasakyan. May mga tao na sa garden ng mapadaan ako. Nilapitan ko agad ang kabaong ni lola. Para lang siyang natutulog. Umakyat din ako sa kwarto para makapag ayos. Nang masanggi ko ang isang picture frame. Walang gana ko iyong pinulot at kinabahan ng makitang picture namin ni Mikay yon. Hinalungkat ko ang bag para hanapin ang phone.

~48 missed calls~

~3 missed calls from Mikay~
~45 missed calls from Clienna~

I am your ShadowWhere stories live. Discover now