Chapter 45
Mikelle's POV
Paikot ikot ako sa labas ng operation room. The doctor said the operation will takes 3-4 hours. Wala pang isang oras ngunit inip na inip nako.
"Lumiban ka na sa klase kahapon. Liliban ka ulit ngayon. Baka maapektuhan ang pag aaral mo" pagkausap sakin ni tito.
"Dito po muna ako"
"Ang sabi ng Doctor ay 3 o 4 na oras ang aabutin ng operasyon. Napag usapan din namin na hahayaan na muna siyang makapagpahinga. Baka bukas ay hindi pa din siya gising." Umiling iling lang ako. Ayaw man umalis ni Clienna ngunit napilit din ni tito dahil baka maapektuhan na din ang pag aaral nito. Si Aiden naman ay pinayagan dahil wala naman daw itong gagawin.
Sabay sabay kaming tumayo ng lumabas na ang ilang doctor.
"The operation is success." Nakangiting balita nito. Kasunod non ay inilabas narin si Mireille. Balot ang ulo at mahimbing na natutulog.
"Hindi namin inalis lahat ng buhok niya dahil ayaw niya. It will takes an hour before she wake up or more than that. Pwedeng day ang kailangan niya."
"Thank you doc." Nagpaalam na sila bago kami pumunta sa private room ni Mireille. Nang lapitan ko siya ay nangilid ang luha ko. May kung ano anong nakakonekta sakanya. Sa taas ng dibdib may ilang nakakonekta. Sakit agad ang unang kong naramdaman. Kahit natutulog ay kita ang panlalambot sakanya.
"Kumain muna kayo" wika ni tito na may dalang pagkain. "Maiwan ko muna kayo. Dadaan lang ako sa bahay namin." Tumango lamang ako.
"Take care tito" usal ni Aiden. Sabay kaming kumain.
"Im happy dahil kayo pa rin hanggang ngayon" napatunghay ako nang magsalita siya. "Liligawan ko na dapat siya ng panahong iyon ngunit nakita kong nagkakamabutihan kayo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya
"Plano mong ligawan pero nakikipaghalikan ka sa bestfriend niya?"
"Ex ko si Vriene" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Nagbreak kami dahil gusto ko si Jaz at gusto niya rin ako-" nahinto siya ng kwelyuhan ko siya.
"Ginamit mo pa talaga si Mireille sa pagiging gago mo?" Galit kong usal.
"Easy Bro!" Paghawi niya sa kamay ko. "Im supporting whatever Jaz want"
"Hindi naman mahalaga ang opinyon mo" pagkatapos non ay wala nang nagsalita samin. Dumating sila Clienna at tito na wala pa ding nagsalita samin. Madaling araw na ngunit walang nag abalang matulog samin. Lahat kami ay tulala at malalim ang iniisip. Ngunit ganon nalang ang sabay sabay naming pagtayo ng idilat ni Mireille ang mga mata. Walang naglakas ng loob na lumapit sakanya lahat kami ay nakikiramdam. Kitang kita ang pagod at pang hihina.
"Dad?" Mahinang usal nito. Naiiyak ngunit natatawang sumagot si tito.
"Anak." Niyakap niya ito unti unti nadin kaming lumapit.
"Why im here-" kusa siyang nahinto may natanto sa sarili "brain tumor. I-inoperahan ba ako?" Tumango si tito dito. Lumipad ang tingin niya kay Aiden. "Aiden" saka siya ngumiti dito. "Can you come here?" Nagtataka kaming tumingin sakanya maging si Aiden ay kunot noong lumapit. Naupo siya sa may paanan ni Mireille. Ngumiti siya dito. Saka napangiti ng masulyapan ako. Nakahinga ako ng kaunti ng ngitian niya ko. "Mikelle!. Hindi ko alam na andito ka! Dati lang ay inaasar moko-" muling paghinto niya ng matignan si Clienna
"What are you doing here?" Kunot noong tanong nito.
"Mireille-"
"What is she doing here dad!"
"Anak what?" Naguguluhan nitong usal.
"What that witch doing here?"
"What are you saying mireille. Okay na tayo" naguguluhang nahinto si mireille.
"Where's my Mom?" Doon ay nakumpirma ko. Nalimutan niya ang ilan sa alaala niya.

YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...