Chapter 44
Mikelle's POV
"I want to forget. I want forget the pain." Malungkot kong hinawakan ang kamay niya. Pati ako ay baka nakalimutan mo.
"Pero anak pagkatapos ng operasyon mo ay hahanapin mo din naman ang mama mo imposibleng makalimutan mo siya." Nagpapaunawang usal ni tito.
"Pag isipan mo muna" bulong ko sakanya.
"Kahit saglit lang." Nagkatinginan kami ni tito. Hindi din alam ang gagawin. "Kahit saglit lang gusto kong kalimutan."
"Alright." Pagsuko nito.
"I want to visit my mom."
"Kailangan mo pang magpahinga-"
"I want to my Mom"
"Sasamahan ko po siya tito." Walang nagawa di tito kundi ang tumango. Agad tumayo si Mireille. Lumabas si tito at pagbalik ay may kasama nang nurse. Inalis ang dextrose. Alalay ko siya ng sumakay sa sasakyan. Walang nagsasalita samin. Hindi ko kinayanan ang katahimikan.
"Pati ako ay makakalimutan mo." Sinulyapan ko siya ngunit tulala lang siya sa labas ng bintana. "Pati ang atin ay gusto mong kalimutan"
"Hindi nakakalimot ang puso" yun lang ang tugon niya at hindi na muling nagsalita. Nakarating kami sa crematorium kung san nandon si tita. Dahan dahan siyang lumapit doon at hinawakan ang salamin nito. Dinig na ang impit na pag iyak.
"Ma.." nilapitan ko siya nangangambang baka kung anong mangyari sakanya.
"Sana pala ay ako na ang sumama sayo. Bakit kailangan mong mang iwan" gustong gusto siyang damayan ngunit minsan ay kailangan nating bigyan siya ng panahon para mag isang harapin ang sakit na nararamdaman niya. Pwedeng alam ko ang sakit dahil nasaktan din ako sa pagkawala ni tita. Pero kung gano kasakit ang kanya ay hindi ko malalaman dahil hindi naman ako siya.
Umiiyak lang siya ng umiiyak habang nakaupo na sa sahig. Tinabihan ko siya saka pinasandal ang ulo sa balikat ko.
"When lola's died akala ko susunod agad ako sakanya." Pilit kong pinapasaya ang tono ko. Nanatili siyang tahimik. Maggagabi na nang tumayo siya saka inabot sakin ang kamay niya.
"Let's go" nakangiti niyang usal inabot ko naman ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming nag lakad papuntang sasakyan. Tulala muli siya. Dinaan ko sa bridge na dati naming napuntahan. Nagtataka siyang tumingin sakin.
"Saglit lang tayo." Saka ko siya inalalayan pababa. Tumayo lang ako nang makarating sa mismong bridge. Napasulyap ako sakanya ng maghagis siya ng barya. Saka pumikit.
"Miss ko nang tumambay dito" wika niya. Tinitigan ko lang siya kaya napasulyap siya sakin.
"Baket?" Tanong niya dahil hindi ko inaalis ang paningin ko sakanya. "Ano" kunot noo niyang usal. Saka ako inirapan.
"Yonnnn!" Gulat niyang naibalik ang paningin sakin. "Yun ang namiss ko!" Natawa siya saka pairap na inalis ang tingin sakin. Kinuha ko ang kwintas sa bulsa ko saka pumwesto sa likod niya at kinabit iyon.
"Ano yan-"
"Bagay." Ngiti ko sakanya. Hinawakan niya iyon saka ngumiti kasabay ng pagbagsak ng luha. "Wag mokong kakalimutan. Humanda ka sakin!" Nakangiti lang siyang tumango tango.
Ilang minuto lang ay umalis nadin kami. At naiconfine na ulit siya. Ipinilit niyang bukas na agad ang operasyon. Pinauwi ako ni tito maging si Mireille ay pinauwi muna ako at bumalik nalang bukas. Hindi ako halos makatulog ngunit maaga ding nagising.
Nagmadali agad akong mag ayos at mabilis na nagmaneho papuntang hospital. Nang pumasok ako ay inaayos na agad ang paglipat kay Mireille. Nakuha ko agad ang atensyon niya. Ngumiti siya sakin inakbayan naman ako ni tito. Si Clienna naman ay pilit na ngumingiti kahit mugto na ang mata. Napansin ko ding nandon si Aiden walang emosyong nakatingin kay Mireille.
"Excuse me" banggit ng isa sa nurse dahil dadalhin na sa operation room. Sabay sabay din kaming lumabas saka sumunod sakanila.
"Fighting sis!" Habol ni Clienna
"God is with you. I love you honey" usal ni tito.
"You can do it Jaz" nginitian niya lang ang mga ito saka sumulyap sakin.
"Saglit lang ako" ngiti niya. "Wag kang lalapit sa hindi faithful na feith na yun." Biro niya na kinaluha ko pa. Unti unti na siyang pinasok.
"I love you" bulong ko na alam kong naunawaan niya dahil nakita ko rin ang paggalaw ng labi niya. I love you more.

YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...