Chapter 28
Mikelle's POV
Sa bahay agad kami dumiretso wala naman si papa don kaya minabuti ko na lamang na doon kaysa sa bahay nila baka andon si tita. Pinahiram ko siya ng t shirt at short at pinagshower ko sa kwarto. Nang matapos siya ay niyaya ko agad siyang umalis.
"Iuuwi mo ba ako? Wag muna. Mag aalala si mama" paghila niya pabalik sa braso ko. Umiling agad ako.
"May pupuntahan tayo" inalalayan ko siya papasok ako sinuotan ng seatbelt. Nakatingin lang siya sakin habang ginagawa ko iyon. Bagay na bago sakin. Lagi siyang nag iiwas ng tingin satuwin nagkakatinginan kami. Nakarating kami sa bridge na lagibkong pinupuntahan at sinabi niyang lagi niya ding pinupuntahan. Suminghap agad siya ng hangin at pumikit nakangiti na ng dumilat.
"Hindi ko inakalang mangyayari lahat ng iyon sa loob ng isang araw. Kalahating araw lang pala."
"Ang tanda na nila para mang bully" nakasimangot kong tugon sakanya.
"Alam mo bang mas masakit ang salita kesa pisikal?" Lumingon lang ako sakanya "Ang pisikal na sakit kase pwede lagyan ng band aid. Ointment. Betadine. Pero yung sakit sa puso gamit yung masasakit na salita? Mahirap gamutin."
"Knock knock" ayokong dagdagan ang nararamdaman niya. Dahil mismong ako. Alam ang pakiramdam ng sinasabi niya.
"Who's there?"
"Who" kumunot ang noo niya. At binigyan ako ng nagdududang tingin.
"Who who?" Humagalpak ako ng tawa. Saka niya pinaghahampas ang braso ko. "Gorilla" she just rolled her eyes but she's smiling.
"Pwede din ba kitang ibully?" Seryoso kong tanong sakanya. Awtomatikong tumaas ang kilay niya.
"Love bullying" nakangisi kong sabi sakanya na kinangiwi niya din.
"Mananakit ka pa din. Ano yang Love na yan? Mapanakit?" Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi masundan ang unang biro. Pero ganon nalang ang pag lingon ko ng bumulong siya.
"I like you" nanlalaki ang mata kong tumingin sakanya.
"Huh?"
"Tsk wala na di na pwede ulitin" saka niya ako inirapan.
"Huh ? Ano nga?" Pangungulit ko sakanya.
"Mamaya may parada ng mga bingi. Sumama ka!" Natawa ako sa bilis niyang mapikon. Agad akong napaalalay sakanya ng umakyat siya at nilagay ang dalawang kamay sa bibig umaaktong sisigaw
"I LIKE YOU RAY MIKELLE!!! Nahila ko siya pababa saka niyakap. Kinabit ko sakanya ang kanina ko pang tinatagong kwintas. Isang magandang pagkakataon.
"Talagang isang masungit na mataray na bossy ang napaibig ko ha?" Mayabang kong saad sakanya. Tinulak niya agad ako.
"Cheesy neto! Kadiri" saka kami sabay na nagtawanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/233089526-288-k828835.jpg)
YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...