Mikelle's POV
🎶 Tan... tan..tan taaan... tan tanan.🎶 awit ng isang nagtatapos.
"Eijaz Mireille Constancia. Bachelor of Medicine.... Congratulations!!" Anunsyo ng emcee na kinuha ni tito sa espesyal na araw kay Mireille. Masaya silang umakyat ni tito sa stage. Nakakabingin palakpakan ang namutawi sa buong Court ng University. Hindi masukat na tuwa ang naramdaman ko. Ang payat na niya... pero lalong nakapagpaganda sakanya ang ganda ng kanyang ngiti...
"Congrats!"
"Congratulations!" Sa mga hindi kilalang tao pero kakaiba ang epekto.
"Iba talaga pag Constancia! Di pa nakakatapos ng isang Sem graduate na!" Biro ko sakanya nang makalapit siya... nagpahanda pala si tito sa university. Sinabi kong tutulong ako pero tumanggi lamang ito. Alauna na ng hapon dahil tanghali na nasimulan dahil tinanghali siya ng gising. Pinili niyang tumambay sa mga benches sa field.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka sumandal sa balikat ko.
"Hindi ko alam na magyayari ang bagay nato" panimula niya "sobrang saya ko... sobra!!" Itinaas niya pa ang kamay na inaakto kung gaano siya kasaya. Masaya ko siyang pinanood.
"Pero pag iniisip ko kung gano napagod si papa kakaasikaso nito ay nalukungkot ako" aniya saka humarap sakin. Dinampian niya ng halik ang labi ko. Nangilid ang luha niya.
"Ang sabi mo ay mag iistargazing tayo paggraduate natin" nakanguso niyang saad.
"Ikaw lang naman ang grumaduate at hindi ako"
"Edi sasabihin ko kay papa!" Natawa ako sakanya. Saka tumango.
"Mamayang gabi mag iistargazing tayo" masaya niyang niwagayway ang mga kamay niya. "Mag stargazing kame.! Stargazing! Stargazing! Pag sigaw sigaw niya pa. Nanatili lang kaming tahimik.. narinig ko nalang ang malalim niyang pag hinga tanda na nakatulog siya... sobrang bilis niyang mapagod.. hindi ko ininda ang ngalay sa tagal niya sa ganoong pwesto. Hindi ko namalayang alaskwatro na. Kung hindi pa kami hanapin ni tito.
"Ibalik na natin siya sa hospital sigurado akong sobrang napagod siya" ani tito na tinulungan ako para mabuhat siya ng ayos. Nasa kalagitnaan si tito ng pagmamaneho ng maalimpungatan si Mireille... halatang halata ang pagod sa muka maging sa mata..
"M-mag stargazing pa kami!!" Naihinto ni tito ang sasakyan sa biglaang salita ni Mireille. "Mag stargazing pa kami Pa"
"Pagod ka na mireille. Ipagpabukas ko nalang.. kailangan mo nang magpahinga.."
"Kailangan sa graduation ko! Pa! Please" nakikiusap nitong usal. Walang nagawa si tito kundi ihatid kami sa pinakamalapit na lugar na pwede kaming mag stargazing papalubog palang ang araw. Parang bata siyang tumingin doon. Ang ganda ng sunset... Naupo siya sa damuhan saka ko siya tinabihan... Tahimik ngunit nagkakaunawaan naming pinanood ang paglubog ng araw at unti unti pag dilim. Nag ilawan ang mga pampailaw.
May lumapit saming ilang tao para iset ang gagamitin. Maya maya lang ay naiwan na kami.. masaya naming tinignan kung gaano kaganda ang mga butiun... magaganda itong kumikinang. Ngunit wala nang mas gaganda sa kinang ng mata niya... sobrang ganda ng ngiti niya. Animong iyon na ang pinakamaganda niyang nakita hindi ko makita ang kahit na anong sakit at pag hihirap doon. Bagay na sobrang namiss kong makita... binitawan niya gamit saka muling naupo agad ko din siyang tinabihan.
"Mamimiss ko to" hindi pa din nawawala ang ganda ng ngiti.
"Pwede nating ulit ulitin" sagot ko sakanya.
"Ano sa tingin mo ang mangyayari bukas? Sa isang araw?" Inosente niyang tanong saka tumingala.
"Gagaling ka na.. tas hindi na talaga babalik" tumango tango siya.
"Oh!!!" Pagturo niya sa shooting star... hinagip niya pa iyon na animong totoong naikulong siya sa palad niya saka nilapit sa bibig ko..
"Iwish mo dali!!" Natatawa ko kunwaring binulungan iyon pero sa isip isip ay iba't ibang hiling na ang nasabi..
"Magpray ka pag may gusto ka uling hilingin. Hmmp!" Pang iirap niya sakin. Bagay na iknatawa ko...
Sumandal siya sakin... halos dama ko ang buong bigat niya...
"Pano pag umalis ako?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya..
"Susundan kita"
"Kahit saan?"
"Oum! Kahit saan" sigurado kong sagot sakanya. Hindi ko na narinig ang sagot niya. Kaya bahagya ko siyang sinilip... naluluha ko siyang hinalikan sa noo. Pikit mata siyang umiiyak..
"Ayoko san mikelle"
"Shhh"
"Pero kailangan na"
"Shhhhhh. Stop it... shut up!" Umiiyak kong bulong habang yakap siya.
"Gusto kong sumaya ka. Kahit dahil sa iba-"
"Shh... I am your shadow... without you I am nothing... without you I am useless.." lumuluha kong saad. Hindi kinakaya ang nangyayari.
"I am your shadow... kahit nasan ka ay nandon ako. Kahit nasan ka ay kasunod moko...
"I am your shadow... and im sorry for not being there in the darkest part of your life."
"I am your shadow pag iniwan moko ay kulang ka"
"I am your shadow. I maybe useless but i would never leave you alone."
"I am your shadow... please don't... don't leave me. I am nothing without you..." walang humpay kong paghagulhol sakanya nagmamakaawa. Konti pa... laksan niya pa ang loob niya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko
"You've done enough. You did a great job. Mikoy" marahan niyang dinampian ng halik ang noo ko
"Let me be your shadow now. But this time i will be there. Even in the darkest part." Bulong niya sa tainga ko saka muling sumandal sakin pilit sinisiksik ang sarili. Walang tigil pa din ang luha ko.
"Pwede mo na ba akong ihatid?" Mahinang tanong niya. Tumango ako.
"Baka hinahanap ka na din ni tito-"
"Hindi sa hospital. Sa bahay" kunot noo ko siyang nilingon.
"Hindi pwede-"
"Sa tunay kong bahay" natitigilan ko siyang nilingon.
"Pwede mo na ba akong ihatid?" Nanlalambot ko siyang tinitigan
"S-saan?"
"Sa mama ko"

YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...