Chapter 38

1 1 0
                                        

Chapter 38

Eijaz's POV

"Mireille!" Pagtawag sakin ni mikelle. Sumakay na agad ako sa sasakyan niya. Agad din naman siyang sumakay at pinaharurot ang sasakyan.

"Bat mo iniwan yung babaeng-"

"Pwede ba. Ako ang dapat na nagagalit hindi ikaw!"

"Hindi mo man lang tinanggi!"

"Bakit kasama mo yung Aiden na yun" natigilan ako sa tanong niya. Ngayon siya na ang galit.

"I told you nakita lang namin siya-" halos masubsob ako ng biglaan siyang nagpreno.

"Stop lying!. Nakita lang pero sinundo ka!" Nanlaki na ang mata ko.

"Kahit anong dahilan mo wala na! Hindi mo na malulusutan" namumula na niyang usal. "Mikay may past kayo! Muntik maging kayo!"

"Past ba ngayon? Present na!"

"Pero hindi mababago non ang katotohanang muntik nang maging kayo.!"

"Ihatid mo nako."

"Nag uusap pa tayo."

"Mag bebreak lang tayo " hindi nako makatingin sakanya.

"What-"

"Im tired"

"Tired of what!"

"Everything!" Nahinto siya. Saka muling binuhay ang makina at nagmaneho.

"Eversince i've been so loyal and faithful. I never did something that make's you jealous and insecure." Mahina niyang usal

"Insecure?"

"Hindi lang babae ang nakakaramdam non! Naiinggit ako sa Aiden na yon dahil hanggang ngayon ay nagkakasama pa din kayo."

"Are you crazy?"

"Maybe! Hindi naman kayo magkaibigan pero nagkikita pa din kayo! Pero ako kung hindi moko boyfriend ay baka nakalimutan mo nako."

"Anong klaseng mindset meron ka!" Sigaw ko na sakanya.

"I don't know! Parang andami dami mong tinatago!" Doon ako nahinto. Nangilid ang luha ko kaya binaling ko ang sarili sa bintana.

"I want a break. I want to rest." Hindi siya kumibo kaya nilingon ko siya. Ganon nalang ang awa ko nang makita siyang hirap sa pagpupunas ng sariling luha dahil nagpapatuloy sa pagmamaneho. Iniwas ko agad ang tingin. Walang kibo din akong bumaba at hindi na siya hinintay nagtuloy tuloy nako sa loob.

"Bakit ngayon ka lang Mireille?" Salubong sakin ni mama. "Ayos ka lang ba?"

"Opo. May activity po kaseng ginawa by group."

"Hinatid ka ba ni Mikelle?" Tumango lang ako at dumiretso na sa kwarto. Tinawagan ko agad si papa.

"Kumusta ang check up mo?" Bungad ni papa.

"Ayos lang. Kelan po ang next check up?"

"Wednesday why? Ah by the way si Aiden na lagi ang makakasama mo." Nangunot agad ang noo ko.

"What? Why?"

"Sobrang busy ni Clienna dahil masyado palang mataas ang expectation ng school na pinasukan niya kaya nagfofocus siya. Marami din akong inaasikaso dahil sa bago naming project."

"Hindi ba nag aaral rin si Aiden?"

"His dad told me na sa states pa rin daw pag aaralin si Aiden next month pa ang pasukan doon."

"Hindi pwede. Hindi okay kay mikelle na sumasama ako kay Aiden"

"Then tell mikelle about your condition para siya ang sumasama sayo. Why nagtalo ba kayo?"

"No."

"Stop overthinking. Go to rest" saka niya binaba amg tawag. Tinext ko agad si Aiden.

~ Aiden~

Aiden we need to talk. Tommorrow 4:30. Wag kang pumunta sa school.

Sent.

It took 3 mins before i finally received a message.

From: Mikelle

Do i look like that bastard?!

Nanlalaki ang mata kong chineck. Sunod sunod kase ang text ni mikelle kaya doon ko naitext ang para kay Aiden. Now im wasted.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now