Chapter 21

6 0 0
                                        

Chapter 21

Eijaz's POV

Labag sa loob kong sumama pero wala nakong magagawa dahil nakiusap si Vriene. Isang linggo din syang absent kaya pagbibigyan ko na. Bukod don ay tumawag din si papa na pumunta ako. Namimiss ko na din siya kahit papano. Friday ngayon at nandito kami ni Vriene sa mall para bumili ng ireregalo. Pana'y ang tanong niya kung maganda ba o magugustuhan ni Vriene samantalang ako ay sumusunod lang sakanya.

"Hindi ka ba bibili?" She asked when she notice that im just staring.

"No gift No entry ba?" I just rolled my eyes. Being there is so annoying.

"Hindi naman" nakapili na siya ng bibilhin niya kaya nagyaya na siyang umuwi. Nabili niya ang isang set ng jewelries. Iba ang direksyon ng bahay namin ni Vriene kaya mag isa ako nako ngayon. When someone push me! Muntik nakong masubsob kung hindi niya nahawakan ang braso ko. Pinaghahampas ko si Mikelle na tuwang tuwa pa.

"Pfft! Sorry"

"Grabe punong puno ng sincerity. Bat ka ba nandito?"

"Foodtrip!" Nag isip pako bago sumama. Wala na din naman akong gagawin.

"Kwek kwek!" Kunot noo siyang sumulyap sakin.

"Kwek kwek?" Inosente niyang tanong.

"Sang bundok ka ba galing at hindi mo alam yon?" Napipikon kong tanong sakanya saka siya inirapan. "Napaka ignorante-"

"Sinong nagsabing hindi ko alam yon?! Alam ko yon!" Napangiwi nalang ako sakanya.

"M-marami samin non!" Pahabol niya pa ng mapansing hindi ako naniniwala. "Oo! Marami samin"

"Whatever"

"Sakay na don!" Pagturo niya sa sasakyan niya. Sumunod naman ako at napansing may tinawagan pa siya. Malaki na ang ngiti niya ng sumakay sa kotse.

"Madami samin non! Meron pa ngang f-fishball! Oo fishball tsaka ano.. yung ki.. ki.ki.." parang tanga niyang pag iisip.

"Kikiam! Pisti ka!"

"Yon!! Hahaha Oo kikiam!" Dumating kami sa kanila at hindi nawala ang ngiti niya hanggang makapasok kami.

"Nay? Si lola?"

"Natutulog hijo" sumulyap ito sakin na may nagtatakang  tingin.

"Ahh Nay si Mikay po. Kaibigan ko." Pakilala nito sakin.

"Goodevening po" tumango lang ito sakin saka kami tinalikuran.

"Tara sa kusina" nagpunta kaming kusina, ang laki ng bahay nila kusina palang ay sobrang lawak na. Nilibot ko ang paningin at humanga. Kumpara sa bahay namin. Ay triple ang laki nito.

"Andan sa ref yung kwek kwek!" Taas noo niya pang sabi sakin. Nang buksan ko ay natakam ako sa mga laman non. Iba't ibang pangmayamang pagkain. Hindi naman kami mahirap kaya lumaki akong nakakain at nakukuha ang lahat ng gusto. Nabago lang iyon ng maghiwalay si mama at papa. Sinanay ko ang sarili na matutong limitahan ang lahat ng bagay. Napansin ko din ang maraming balot ng kikiam at fishball. At maraming itlog ng pugo.

"Nice! Alam nga!" Pagpupuri ko sakanya na naging dahilan ng paglaki pa ng ngiti niya. Naputol lang ng may nagsalita.

"Ayy sir nandito napo pala kayo, andan na po yung pinabili niyong mga fishball! Nagulat nga po ako at alam nyo pala yun at kumakain pala kayo non!" Dere deretsong sabi nito. Nagkatinginan kami ni Mikelle. Gusto kong humagalpak sa tawa ng makita ang panlulumo sa muka niya. 

I am your ShadowWhere stories live. Discover now