Chapter 8
Mikelle's POV
Kahit ano atang gawin ko ay hindi ko mapapatawa si Eijaz. Kitang kita ang pag ngiwi niya sa ginagawa ko hahaha! Ginawa ko pamandin yun para makita ang reaction nya pero wala pa den!..
Kaya nang matapos ay tumapat sakanya at ginulo ang buhok niya. Nanlaki na naman ang bilog na bilog niyang mata. Dahil nga nakatingala siya sakin pakiramdam ko'y tatama na sa mata niya ang bangs nya kaya hahawiin ko sana nang hampasin niya ang kamay ko. Brutal pa!
Nginitian ko siya ng napagkatamis tamis bago naupo sa upuan. Hindi pa din natatapos ang kasiyahan dahil nag sasasayaw pa ang iba.
"Listen!!! So, kitang kita naman na nag enjoy kayong lahat. Kilalanin nyo pa ang isa't isa. Antayin nyo nalang ang susunod na teacher." Nagsigawan at nagkantahan pa uli sila pag kaalis ni Ma'am.
"Bro! Angas naten ah hahahah" lapit ng tatlong lalaki sakin na umakbay pa.
"Kita ko magaling ka ding sumayaw" sagot ko.
"Bihira ganan uh hahahah baka may gusto ka aminin, hindi kami mang huhusga hahahah" tawanan nila. Tsk iniisip ba nilang bakla ako? Hahahah
"Hindi tayo talo! Hahahah Pare minsan kung sino pa yung nagpapanggap na astig sila pa yung may tinatago"
"Okay okay hahahha" tawanan padin nila patungo sa pwesto nila.
Nang humarap ay nakita kong nakatingin na si Eijaz na agad ding nang irap.
Dumating na din naman ang ilan pang sumunod na subject. Wala namang kakaiba dito maliban na lang siguro kay Eijaz. Napansin kong pana'y ang tingin nung lalaki sakanya. Sa pag kakatanda ko ay Aiden ang pangalan. Dahil nakatingin nga ako sakanya napansin niya siguro kaya nagkatinginan kami. Agad siyang nag iwas ng tingin.
Nang masulyapan naman si Eijaz, Kunot noo at masama ang tingin niya kay Clienna samantalang si clienna ay ngiting ngiti sakanya. Nang biglang tumayo si Eijaz at may sinabi sakanya na halatang bulong lang. Pero nakita ko ang pagbuka ng bibig niya at sinasabing 'Roof'
Nagmadali agad ako para mauna sa kanila. Hingal na hingal ako naupo sa dulo na hindi nila makikita.
Nang madinig ang pag bukas ng pinto ay nagpanggap akong natutulog.
"Annyeonghaseyo!! Neol bwaseo gippeo!"
"Tsk.. Nasa pilipinas ka baka sipain kita pabalik sa korea!" Sungit pa den! Pero magkakilala sila?
"Sorry, But im so happy kase nakita na kita!. Gustong gusto ko talaga ng kapatid!" Magkapatid sila?
"Ayokong may makaalam na magkakilala tayo!"
"Waeyo? I mean why? Magkapatid tayo"
"Hindi mo ba talaga naiintindihan? Ayoko!"
"Hindi ko din naman ginusto to pero hindi ako nagalit sayo!"
"Dahil hindi naman kayo ang niloko!"
"Hindi ko alam na may ibang pamilya si daddy"
"Pero alam ng nanay mo! Kabit kayo!! Kaya bakit parang proud na proud ka pa!"
Narinig kong nag simula nang umiyak si Clienna. Kabit lang pero mag kasing edad sila?.
"Tingin mo ba okay sakin!?" Umiiyak niyang saad.
"Ikaw pa ang umiiyak ngayon samantalang ako ni hindi pa pinapanganak naloko na! Hindi pa nga ata ako nagagawa niloko na!"
Nang makarinig ng pagbagsak ng pinto ay tumayo nako pero ganon nalang ang gulat ko ng makita si Eijaz na umiiyak. Pero mas nagulat siya ng makita ako!.
A/N
Annyeonghaseyo Neol bwaseo gippeo - kumusta, masaya ako at nakita na kita.
Im not sure about this, Translator lang.SHOULD I SAY? SALAMAT TRANSLATOR? kidding.

YOU ARE READING
I am your Shadow
DragosteThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...