Chapter 27

2 0 0
                                        

Chapter 27

Eijaz's POV

Likod lamang ni Mikelle ang nakikita ko habang naglalakad kami palabas. Pinagtitinginan din kami dahil sa pinturang nabuhos sakin.

Im so upset when i enter the room. They all silent. Then chloe stand in front of me.

"I heard na nilalandi mo si Aiden? Pero dumidikit ka din kay Mikelle!" Nakangisi nitong sabi. Lalong uminit ang ulo dahil sinasabayan niya ang nangyari kanina. Magsasalita na sana ako pero nagsalita muli siya.

"At gusto din ni Vriene si Aiden pero palihim na lumalandi kay Mikelle" kumunot ang noo ko sa sinabi niya napansin niya yon kaya ngumiti siyang nagtatagumpay. "Mag bestfriend nga kayo, parehong nasa loob ang landi!"

"Kung marami kang oras sakin, ako walang oras sayo" tinulak ko siya para makaupo sa upuan ko.

"Manang mana ka siguro sa nanay mo, pareho kayong malandi. Parehong kabit- agh!" Sigaw niya nang hablutin ko ang buhok niya.

"Yang pagiging tsismosa at palengkera mo ilugar mo! Ikaw lang ang kilala kong mayaman pero pang iskwater ang ugali." Nabitawan ko ang buhok niya ng may humawak sa dalwang braso ko. Panay ang gatong ng mga lalaki sa likod at ang ibang babae naman ay nanonood lang. Takot na madamay.

"Itigil nyo na yan!" Dinig kong saway ni Clienna.

"Oh?? Magkasundo na ba kayo?. Magandang combination kayong dalawa! Isang kabit at isang wallet human! Hahahaha" tawanan pa nila. "Oh! Isama mo na rin tong makati mong bestfriend Mireille!" Baling niya kay Vriene na kakapasok lang. At tumalikod agad. Kakaibang sakit ang dinulot ng pagtalikod niya. Kung magkasama sana kami ay kaya naming patahimikin ang mga ito. Panlulumo ang naramdaman ko.

"Friendship over na pala kayo! Ang hirap niyo din kaseng ispellengin eh!"

"Kung pwede lang pumatay ng hayop! Pinaglalamayan ka na. Ang kaso bawal. Animal abuse kase-" napatigil ako ng ibuhos niya ang isang timbang pinturang itim. Agad akong napapikit ng madama iyon sa muka ko.

"Bagay! Maitim kase ang budhi mo. Ang mga kabit na katulad niyo ay dapat nang mawala-"

"Kami ang kabit" natahimik ang lahat ng magsalita si Clienna. "Nauna lang nabuntis ang mommy ko pero sila talaga ang tunay na pamilya. Constancia ang surname ni daddy at trinidad naman si Mommy kaya tigilan niyo na ang pagsabing kabit sila-"

"Loser ka talagang bruha ka" baling ni Chloe sakanya.

"Binibigyan ko lang naman kayo ng pera dahil naaawa ako sainyo." Ngising sabi ni Clienna na kinainis ni Chloe akma niyang lalapitan si Clienna nang magsalita si Edward.

"Subukan mong idikit kahit dulo ng daliri mo. Puputulin ko yan" masamang tingin nalang ang nagawa ni Chloe. Nang biglang pumasok si Mikelle.

Now he's holding my hand. Inalalayan niya ko papasok sa sasakyan niya. Abala sa pagkabit ng seatbelt. He's only focusing on me. Not paying attention in others. I look in his eyes and saw a sincerity. Umikot siya para sumakay sa driver seat. Muli ko siyang natitigan. I adore him. I like him. Kelan pa?.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now