Chapter 17
Mikelle's POV
Gulat akong napatayo sa pagkakaupo ko sa labas ng bahay nila Mikay nang marinig ko ang sigaw ni tita. Agad akong pumasok hindi naisip na hindi pa naman ako pinapatuloy. Nakita kong nakaupo si tita sa sahig habang nakahiga naman si mikay. Agad akong lumapit at binuhat sya.
"Jusko! Ano bang nangyari sa batang to" sobrang pag aalala niya dito. Nilapag ko lang si Mikay sa may sofa "Tulungan mo ako hijo dalhin natin sa Hospital." Nang akma ko na siyang bubuhatin uli ay dumilat na siya.
"Salamat sa Diyos at nagising ka na!" Agad lumapit si tita. "Nahimatay ka!, anong nararamdaman mo?"
"Ayos lang po ako. Ano..sumama lang ang pakiramdam ko" halata pa din sa boses niya ang panghihina. "Anong ginagawa mo dito?" Nung masulyapan niya ko. Doon ko lang naalala yung ice cream!. Natapon na siguro yon..
"Hay nako. Bukas ay ipapacheck up kita ha? Magpahinga ka nalang ngayon" saad ni tita na dumiretso na sa kusina.
"Ano bat ka nandito?"
"Yung ano... yung ice cream wla na..."
"Oh wag kang iiyak"pang aasar niya sakin.
"Ano ba kaseng nangyari sayo, bat hindi ka nag iingat!" Galit galitan kong sabi.
"Sino kayang minadali ako?" Nanlaki ang mata ko ng marealize na baka ako ang may kasalanan. Hindi ko napigilang maguilty at makaramdam ng lungkot. Nakita ko namang lumambot ang ekspresyon niya nang mapansing hindi ako makatingin sakanya.
"Charot lang, hindi mo kasalanan" saka siya ngumiti sakin.
"Sorry"
"Bago yon ah"
"Sorry nga. Aalis nako" agad akong lumabas kahit tinatawag niya pako. Agad akong pumunta sa malapit na store at naghanap ng Ice cream. Nang may madaanang isawan. Naalala kong gusto niya yon kaya bumili din ako. At dali daling nagmaneho pabalik sakanila.
Paikot ikot lang ako sa labas ng bahay nila. Nang lumabas si tita. Nagulat siya nang makita ako.
"Oh! Hijo anong ginagawa mo dito? Kala ko ay umalis ka na"
"May dala po sana ako kay Mika- kay mireille."
"Pasok ka, tumuloy ka nalang dan. At samahan mo na din siya, mamimili kasi ako. Ayos lang ba?"
"Ayos lang naman po"
"Sige mauna nako" ganon pa din ang pwesto niya pagkapasok ko nanonood na lang ng tv. Agad siyang lumingon at nagtaas ng kilay. Nilapag ko sa maliit na lamesa sa sala ang mga dala.
"Isaw?" Tanong niya sakin. Naamoy siguro. "Andami nito!"
"May ice cream dan" nahiga ako sa kabilang sofa at nanood na din ng tv.
Pinagsaluhan namin ang dala ko. Sa kalagitnaan ng panonood ganon nalang ang pagkailang namin ng maghalikan ang dalawang bida sa palabas. Awkward!.

YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...