Chapter 11
Eijaz's POV
Nang bumalik kami sa classroom ay wala ng tao. Kaya natawa nalang kami ni mikelle nang marealize na nakapag cut na kami.
"Tell me a lie, tell me a lie pa kase eh!" Biro ko sakanya.
"Nagsalita ang hindi nag enjoy" pang aasar niya.
"Whatever! Blackpink in your area!"
Tumuloy kami sa canteen dahil paniguradong andon na lahat dahil lunch time na.
"Sis Jaz! San ka naman galing, first day of school nag cutting agad. Nagalit nga yung isa sa teacher kanina eh tatlo daw agad nag cutting" sunod sunod niyang sabi. Nagkatinginan kami ni Mikelle.
"Tatlo?"
"Oo, ikaw tas etong si mikelle, by the way HI!!!" ngiting ngiti niyang bati kay mikelle saka nilapitan at hinila ang braso. "Sabay ka na samin!"
"Ahh okay lang ba?" Kunwari pang nahiya ang kupal.
"Oo naman no! Bat ka pala nag cutting magkasama ba kayo netong si Eijaz?"
"Ahh kumusta pla yung sayaw ko! Pwede na ba akong bagong member ng blackpink?" Pag iiba niya sa usapan.
"Eh? Don't tell me?" Nanliliit na mata ni Vriene mukang naisip din na bakla si Mikelle.
"Tss magkaibigan talaga kayo! Mga Isyu!" Sabay tayo niya. "Oy mikay!" Pagturo niya sakin. "Mamaya ah" at umalis na siya.
"Mikay?" Nagtatakang tanong ni Vriene. "Close agad kayo?"
"Hindi ah"
"Magkasama kayo kanina?" Nakakunot noo na niyang tanong.
"Nagkataon lang sa rooftop" pinipilit kong wag nang pahabain ang usapan.
"Si Clienna nga pla yung isa sa nag cut, nakita niyo ba siya?" Wlaa na ang kaninang masigla niyang boses.
"Ah hindi naman" nagulat ako ng tumayo na agad siya. "San ka pupunta?"
"Kanina pako dito, cr lang, deretso na din ako sa room" malamig niyang sabi.
Anong problema niya?
"Excuse me? Pwedeng makiupo?" Ganon nalang ang gulat at pagtataka ko nang maupo si Aiden sa tapat ko.
"Ahh hi" nahihiya ko pang usal.
"Free ka ba mamaya?" Matamis ang ngiti niyang sabi. Bakit lalo siyang gumagwapo pag nakangiti.
"Ahh oo? Bakit?" Nagtataka kong tanong dahil simula nang umiwas siya nung grade 10 palang kami ay hindi na uli kami nakapag usap.
"Hmm, foodtrip? Isaw?" Wala ng mas gaganda sa ngiti niya. Gosh inlove talaga ako sakanya sampung libo. Ganon nalang ang pagsibol ng kakaibang saya sakin ng maproseso na magkasama kami mamaya at kaming dalawa lang!.
"G!" sa sobrang saya ko ay naitaas ko pa ang dalwang kamay at agad naibaba nang mapansing nakakahiya ang ginawa ko.
Agad nag init ang pisngi ko nang tumawa si Aiden. At hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad. Tumayo din agad at ngumiti ng matamis.
"See you sa classroom. Then after class." Atsaka siya umalis. Kung ganon lang din ang kapalit ng pambabadtrip sakin ni Clienna. Gusto kong mabadtrip sakanya araw araw.
YOU ARE READING
I am your Shadow
RomantikThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...