Epilouge

11 1 0
                                        

Raymond De Guzman POV

"3.2.1 Tooooot tooot toot." maingay na tunog ng machine na nagpapatunay na wala nang buhay ang anak ko. Lumuluha ko siyang sinilip mula sa loob... kitang kita ng dalawa kong mata kung panong dumiretso ang linya... wala na ang anak ko.... bakit ngayon... Isang taon lang ang binigay saking panahon para iparamdam sakanyang mahal ko siya.

"Excuse me sir. Eto po ang ilan sa nakuhang gamit sa sasakyan ng anak niyo. Im sorry po." Nanginginig ang kamay kong inabot ang mga iyon. Dahan dahang naupo sa mga upuan doon. Saka isa isang tinignan iyon.

Isang sira sirang bungkos ng bulaklak.

"Dad!! Anniversary namin ni Mikay! Aalis na po ako!"

Luhaan ko iyong tinitigan.

"Ang akala ko ay dadalawin mo lang siya. Hindi mo man lang sinabi na susundan mo na pala!. Pasaway ka talaga!" Umiiyak kong pag kausap sa sarili umaasang sana ay naririnig niya ko.

Sunod kong tinignan ang Phone niya. Muka nilang dalawa ng namayapa niyang kasintahan.... isang taon lang ay sumunod agad. Hindi man lang nagtapos ng pag aaral. Ang natira ay isang sobre. Napapikit ako ng may bakas pa iyon ng dugo. Tahimik akong umiiyak ng buksan iyon at basahin....

Mireille,

Happy anniversary Baby Mikay!!! 3 years na tayo!!! Alam mo ba kung anong dala ko??? Tadaaaaaa. Flowers for you!!! Oh wag ka nang magtaray. Hindi na nga cheesy eh flowers nalang... Miss Miss na kita!!! I miss youuuu and I love youuuu... I-hi mo naman ako kay tita miss ko na din yun eh! Ayyy hehehe Hi tita magkatabi lang pala kayo... haysss kelan mo kaya ako susunduin hahahah charot magdodoctor pako para sayo... May goodnews nga pala ako sayo!. Kami ni daddy? Okay na okay na kami as in walang halong kaplastikan! Solid nga eh hindi liquid... matagal na kaming okay. Ngayon ko lang sinabi. Regalo ko kase anniversary natin ayaw mo kase ng mga cheesy! Kaya nagdala akong sili para hot! Hot kase ako! Charot wala akong dalang sili... Nga pala si Edward at Clienna na stay strong nga sila eh... ang papa mo naman nagbabakasyon kasama ang tita mo na mommy ni Clienna para malinaw di ba...Naalala ko tuloy yung nang iwan ere ka!!! Iwan ere ka! Hmmmp!!! Oh tignan mo na... iniwan mo kase ako yan tuloy hindi mo makitang inirapan kita! Nung gabing yun... ang bigat mo... binuhat kita kase iwan ere ka... pero yung gabi ding yon ay ayaw kitang bitawan... sabi ko I Am Your Shadow... kala mo mag susuicide ako no! Syempre ayoko baka maging grim reaper ako! Tas mareincarnate ka tas ibang lalaki makatuluyan mo! Nakooo!!! De charot sabi mo kase ay ikaw naman ang magiging shadow ko lagi kang andan kahit sa madilim na parte... akala ko talaga magmumulto ka!! Hahahahaha... I miss you... Bakit may pakiramdam ako na malapit nako sayo!!! Oh kamatayan layuan mo ako!!!! Hahahha... si feith nga pala ay faithful na! Natatakot yata baka multuhin mo siya... si aiden naman pala ay kinacareer ang pagiging psychiatrist. Samantalang si Vriene ay hindi ko alam.. hahahah sayo lang talaga ko may pake... andami kong drama dinaig ko pa ang babae. Heheheh otw na nga pla ko papunta sayo....

Otw na ako papunta na sayo hintayin mo ako nagpagas lang ako medyo traffic pa pero okay lang sintaa..

Oh timo iniwan mo kase ko di mo tuloy alam na kanta yan!.

How how you like that!

Oh! Sumasayaw din ako tsk iwan ere ka!

Hehehehe I miss you!! I love you!

You know what's the happiest moment with you?... when you're in my arms.

But you know what is the most painful moment with you?... when you die in my arms...

Mikoy

Nangingiti ngunit lumuluha ko iyong tinupi... kahit kailan ay maloko ang batang iyon.... Mahal kita Anak...bakit naman kase ikaw pa ang nakasalubong ng lasing na driver na yon.

"Sir, ayon po sa imbestigasyon ay lasing po ang driver ng Van na nakabangga sa minamaneho na sasakyan ng anak ninyo. Pasenya na po pero maging ang Driver ay binawian din ng buhay."

=======================================

=======================================

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I am your ShadowWhere stories live. Discover now