Chapter 48
Eijaz's POV
"Ikaw na munang bahala sakanya. Pasensya na Aiden si mikelle kase ay pinauwi ko kagabi para makapasok ngayon"
"Ayos lang naman po tito" dinig kong sagot ni Aiden.
"Sige na at aalis nako." Nagmulat lang ako ng marinig na ang pagsara mg pinto.
"Gising ka na pala" tumango ako dito.
"Hindi ka ba pumapasok?"
"Nakalimutan mo ba? Next month pa ang pasukan sa states"
"Sa states ka mag aaral?" Bakit hindi ko alam.
"Oo. Nag transfer ako nung 11th grade natin at doon nadin nag 12th grade." Lito kong inalala iyon. Biglang kong naalala ang panahong nabuhusan ako ng Pintura. Maging ang paghila ni Mikelle sakin. Bakit siya nandon?.
"Ahh" tango tango ko kahit hindi pa masyadong maalala.
"Boufriend mo si Mikelle mula nang 11th grade natin hanggang ngayon" nagugulat akong napatingin sakanya.
"P-pano?" Nagkibit balikat lang siya. "I-ikaw-"
"Hindi naging tayo Jaz." Putol niya sakin. "Alam kong mali kung pano tayo naging malapit nung high school tayo pero pinagpatuloy ko padin." Kunot noo ko siyang sinulyapan.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong usal sakanya.
"Girlfriend ko dati si Vriene nang sabihin niyang makipaglapit ako sayo dahil gusto moko. Nung una ay hindi ako pumayag pero ng nakita kita ay nabago din ang isip ko" nang sabihin niya yon ay naalala ko si Vriene. Kung pano mag react si Vriene nang pumasok siya dito. Naalala ko ang huli naming pag uusap. Kung saan sinabi niya rin lahat. Maging ang pagkakagusto niya kay Mikelle. Unti unti kong napapaniwala ang sarili na kami nga ni Mikelle.
"Pano kami nagkakilala ni Mikelle?"
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Balik niyang tanong sakin.
"Tulungan mo lang ako"
"Sumayaw lang naman siya ng blackpink" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nasasayaw pa ang blackpink?" Natatawa kong tanong.
"I mean is yung sikat na sayaw ng blackpink." Natatawa ko siyang tinignan ngunit nahinto ng maalala si Mikelle na parang baklang sumasayaw. Nakangiti ko iyong inalala. Blackpink in your area
"B-bakit ka nagtransfer?"
"Dahil hindi ako naging responsableng president sainyo."
"Dahil lang don?"
"Nag away away kayong mga babae non." Muli kong naalala ang nangyari nung high school. Ang pagkakabuking na may ibang pamilya si papa. "Ayaw ni dad ng dissapointment ginamit niya yung opportunity na yon para dalhin ako sa ibang bansa dahil gusto niyang doon ako mag aral. Nakita ko ring hindi talaga tayo pwede... kaya mas pinili kong lumayo muna." Napatitig ako sakanya. Hindi tayo pwede. Kusang nagbalik ang alaala ko nung panahong inlove ako sakanya. Bagay na talagang ipinagtaka ko dahil boyfriend ko daw si mikelle gayong si Aiden ang naaalala kong mahal ko.
"Nagkabalikan ba kayo ni Vriene?" Umiling siya sakin. "Nung araw na nakita mo kaming naghalikan ay siya lang ang may gawa non. Sinabi niyang gusto niya si Mikelle pero dahil ikaw ang gusto ni mikelle ay sinabi niyang bakuran na kita. Siya ang nakaharap sa may pintuan nang lilingon nako ay nasulyapan kita ngunit nawala din dahil agad niya kong hinalikan"
"Bakit niya ginawa yun kung si M-mikelle ang gusto niya?"
"Hindi ko alam" parang napuno bigla ang utak ko. Naalala ko si mama. I missed her.
"Si mikelle na ang kasama mo dati palang" usal niya. Napahawak ako sa dibdib ko at napadaan ang kamay sa may leeg. Kwintas. "Bagay"
Mabilis nangilid ang luha ko ng maalala ko kung kelan niya yun binigay. Kung kelan ko siya unang nakita. Lahat lahat ay naalala ko. Nakangiti ko iyong inaalala.
"Why?" Tanong ni Aiden sa biglaan kong pag iyak.
"Tulungan moko" kumunot ang noo niya. Napatingin ako sa dala niyang bag at nakita ang gitara roon.
"Just help me"
![](https://img.wattpad.com/cover/233089526-288-k828835.jpg)
YOU ARE READING
I am your Shadow
Storie d'amoreThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...