Eijaz's POV
Nagising ako sa pamilyar uling lugar. Hospital andito uli ako at hindi ko na alam kung makakaalis pa ba ako dito. Sumulyap ako kung saan nakarinig ako ng impit na iyak. Doon ay nakita ko si papa tahimik na umiiyak ng dahil din sakin. Si clienna na tulala lang at si Mikelle na natutulog habang nakatungo sa gilid ng hospital bed.
Naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang lahat ang may kasalanan nito. Pinapahirapan ko silang lahat. Ansarap sarap lumaban. Pero hindi naman habang buhay kang may lakas para lumaban. Maging ang mga taong kinukuhanan mo ng lakas ay napapagod na din. Gusto ko pang umasa na magiging normal ang buhay ko. Gusto ko pang mangarap na balang araw magiging sobrang lakas ko. Kahit anong pag iyak ko ay hindi ko na mababago. Naramdaman ko na naman ang dati kong naramdaman Nakakapagod.. sobrang nakakapagod.
Nakakapagod maging Ako... nakakapagod sa sitwasyon ko.
Agad akong nagpunas ng luha ng tumunghay si Mikelle. Pagod na ngumiti sakin. Nanlambot muli ang lahat sakin. Pagod na pagod nakong umiyak pero yun lang ang kaya kong gawin.
"Nakatulog ka... dito na kita dinala." Anito. Naawa ako sa sarili ko. Pero mas naaawa ako sakanila. Sana ay mag isa nalang pala ako. Sana ay hindi ko na sila napapahirapan.
"Mireille" banggit ni papa sa pangalan ko saka lumapit at nakangiti akong pinagmasdan. Ganon nalang ang awa ko kay papa. Ako ang may sakit pero parang siya ang namayat kakatrabaho at kakaasikaso sakin. Nakakahiya na dapat ang ang nag aalaga sakanya pero kahit malaki nako ay alagain pa din ako.
"Sis" usal ni Clienna. Hindi napigilang maluha. Naalala ko kung ganon ako kagalit sakanya. Sana pala ay hindi nalang ako pumayag na maging okay kami. Sana ay hindi ko makikita ngayon ang mapupungay at mugto niyang mata.
Sa kabila pala ng purong sakit na dinanas ko ay binigyan Niya ko ng gantong klase ng pamilya. Naalala ko si mama. Kaya siguro siya nauna para hindi na siya mahirapan sakin. Puro sakit nalang pala ang dinala niya. Buti nalang pala wala siya dito. Dahil mas hindi ko kayang makita siya sa isa sa mga taong napapahirapan ko. Gusto ko pang lumaban pero kung palaging ganto ay gusto ko nalang kusang sumuko. Yung imbis na sunduin o hilahin ay kusa nang lalakad at magkukusa.
"Tadaaaa" masiglang sigaw ni Clienna bagamat halatang pilit dahil pumiyok pa. Iniharap niya sakin ang isang standee. Muka ko iyon. Magandang maganda ang pagkakangiti. Naalala ko ang litratong iyon. Litrato ko iyon ng nagdebut ako. Simpleng kainan lang iyon dahil ayokong gumastos ng malaki si mama. Ngiting ngit ako doon. Nasa likod ko ang dalawang kamay Nahihiya dahil si mikelle ang kumuha ng litrato. Doon sa standee ay may dalawang malalaking braso ako may malalaking muscles. Bahagyang nakataas animong pinapalabas pa ang mga muscles. Natawa ako ng marealize na parang braso iyon ni Mikelle.
Sumulyap ako kay Mikelle ng nagpipigil ng tayo. Masyado pala akong payat kumpara sakanya. Sabay sabay na kaming nagtawanan.
"Alam mo ba ang ibig sabihin nan sis?" Ani Clieanna. Nakangisi akong umiling. "Ibig sabihin nan ay kami ang magiging lakas mo! Braso lang ni Mikelle yan pero pinagsanib namin ang lahat ng lakas namin dan!" Maligayang kwento nito. Masaya ko silang pinagmasdan natigil ang tingin ko kay papa.
"Si tita?" Tanong ko dito dahil niminsan ay hindi ko pa nakita si ang mommy ni Clienna mula ng maospital ako.
"Nagstay muna siya sa Korea. Siya rin ang nag aasikaso sa business kaya hindi siya nakakapasyal dito" tumango ako sakanya.
"Si tito?" Baling ko kay Mikelle pagtutukoy ko sa daddy niya. Kunot ano noo siyang sumagot.
"Buntis ang asawa niya ngayon"
"Clienna" agad naman itong tumingin. "Nanliligaw ba sayo si edward?" Nanlaki ang mga mata nito. Naalala ko lang kasi nung high school kami. At minsan niya itong naikwento.
"Sinong edward yon?" Salubong ang kilay ni papa nang tanungin iyon. Natawa na lamang ako. Napansin kong wala na si Mikelle sa dati niyang pwesto. Napatingin naman ako kay Clienna ng nagpatugtug siya ng masiglang kanta.
Walang mapaglagyan ang saya ko nang pumasok si mikelle ng nakaMascot. Isang napacute na teddy bear. Parang baliw na nagsasayaw. Lalo akong natawa ng kanta uli ng blackpink ang sayawin niya. Wala kaming ibang ginawa kundi magsaya sa araw na iyon.
Kinabukasan ay damang dama ko ang sakit ng ulo. Paikot ikot nako sa higaan. Walang magawa sila papa. Si mikelle ay pinilit lang naming pumasok ngayon. Papasok na sana sa University si Clienna ng magising ako sa sakit ng ulo. Nagising din si papa dahil hindi ko na kinayanan ang tahimik na indahin iyon.
"M-mikelle. H-hindi ko alam. Basta nagising.. sige.." rinig ko pa din ang pagtawag ni Clienna. May kung anong nilagay sa dextrose na nakakabit sakin. Ilang minuto ang lumipas ay unti unting nabawasan ang sakit nito ngunit ramdam ko pa din. Hingal akong napaayos ng higa. Maya maya din ang mabilis na pumasok si mikelle. Malabo na ang paningin ko nang sulyapan ko siya.
"May Kailangan lang po kaming ikabit sakanya. Ibabalik din po namin siya dito." Usal ng isa sa nurses. Naramdaman kong inilipat nila ako sa stretcher. At pinasok sa hindi ko kilalang lugar. Pikit na ang mata ko. May itinurok saakin. Nararamdaman kong may mga kinakabit sakin. Sa may bandang taas ng dibdib.
Nagising na lamang ako na nasa dati nang kwarto. May mga nakakabit. Agad nagtayuan sila papa.
"Akala ko ay iiwan mo na ang papa mo" lumuluha nitong usal. Pinigilan kong sabayan ang pagluha niya. Tinapik ko ang likod niya.
"Pa, clienna" tawag ko sakanila saka naman sinulyapan si mikelle. "Mikelle. Wag kayong masyadong mag alala sakin. Realize what to prioritize" saad ko. Hindi lang dapat ako ang pinaprioritize. May iba pa silang mga buhay.
YOU ARE READING
I am your Shadow
Storie d'amoreThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...
