Chapter 47

3 1 0
                                        

Chapter 47

Mikelle's POV

"Tsk, totoo nga ang sinabi ni tito. Ansakit palang kalimutan" napansin kong hindi na siya nagsalita mula ng sabihin ko iyon. Tulala lang siya ngayon sa labas ng bintana. Halos pigilan kong maiyak dahil sa sobrang saya ko na nagising na siya. Hindi ko inaakalang maiiyak pala ako sa sakit. Sinabi niyang hindi nakakalimot ang puso. Kung ganon ay si Aiden ang mahal niya? Totoong mahal niya?"

"Hindi ba ako pwedeng maglakad lakad dan?" Turo niya sa labas ng bintana

"Pwede naman pero wag nalang-" nahinto ako ng tumayo siya at inaabot ang dextrose. Nagmamadali ko iyong kinuha.

"Gusto ko don" malungkot niyang usal na ikinatigil ko. Tumango ako at hinila ang lagayan ng dextrose. Tahimik kaming naglakad lakad.

"Hindi din ba tayo pareho ng university?" Tanong niya na nakatingin parin sa paligid.

"Same school. May same class din tayo" napalingon siya sakin.

"Talaga?" Tumango ako sakanya.

"Wala ka bang pasok?"

"Meron"

"Bakit ka nandito?"

"Dahil nandito ka" kumunot ang noo niya.

"B-boyfriend ba kita?"

"Sagutin mo pag naalala mo"

"Hindi ko maalala."

"Alalahanin mo. Gamit to" turo ko sa kaliwang dibdib ko.

"Gamit muscle?"

"Tsk eto!"

"Oo nga muscles yan eh" parang bata niyang usal. Natahimik siya ng bahayga kong ituro ang taas ng dibdib niya kung nasaan ang puso.

"Dan. Gamit ang puso hindi ang isip" natatawa ko siyang tinignan

"T-tsansing ka lang eh!" Sigaw niya sakin. Saka kami nagtawanan.

"Balik na tayo. Parang sumasakit ang ulo ko" agad ko siyang inalalayan pabalik.

Andon na sila tito ng bumalik kami. Nahiga agad si Mireille hindi nag abalang batiin si tito. Maya maya lang ay nakatulog na siya.

"Mikelle" tawag sakin ni tito.

"Po?"

"Ilang araw ka nang umaabsent baka maibagsak mo ang sem na ito. May exam din daw kayo next week."

"Hindi ko naman po pinapabayaan ang pag aaral ko"

"Kahit na hijo mahihirapan ka. Pwede naman akong hindi muna magtrabaho"

"Hindi po naaalala ni mireille na okay na kayo." Bumuntong hininga siya.

"Iniisip ko lang na baka pati ikaw ay maapektuhan ang pag aaral. Nakausap ko na ang eskwelahan ni Mireille. Sinabi kong sa susunod na taon nalang siya mag aaral. Uulit siya."

"Hindi po ba magagawan ng paraan?"

"Gusto ko din siyang makapagpahinga" tumango lamang ako.

"Bukas ay pumasok kana. Ako na muna kay Mireille"

Inabot na ng gabi ngunit tulog pa din si Mireille.

"Mauna na po ako tito bukas ng hapon po ako babalik"

"Sige mag iingat ka hijo ako nalang ang magsasabi kay mireille kapag hinanap ka niya.

Tumango na lamang ako saka umalis. Dumiretso agad ako sa pag higa at natulog. Maaga rin akong nagising pumasok sa eskwelahan ngunit panay ang isip sa hospital. Maraming sermon ang inabot ko sa ilang professors. Hapon na ng matapos ang klase. Nagmadali akong nagmaneho. Dahan dahang bumaba ng mapansing sasakyan ni Aiden ang katapat na sasakyan. Nasa loob siya. Lakad takbo na ang ginawa ko paakyat.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now