Chapter 31

2 0 0
                                        

Chapter 31

Eijaz's POV

Napatayo ako nang marinig si Mikelle na may kausap sa cellphone niya. Nanlalabo ang paningin kong tinignan si Mikelle na nagmamadaling umalis matapos magpaalam. Pagkalabas niya ay agad akong nahilo. Sobrang sakit ng ulo ko. Nahihirapan nakong balansehin ang katawan ko. Narinig ko ang tawag ni Clienna sakin pero nanghihina nako para tignan pa siya. Naramdaman ko nalang nang may nagbuhat sakin at isakay sa sasakyan.

Nagising nalang ako sa isang puting kwarto.

"Mr. Constancia Im sorry pero magdadalawang taon na ang Braincancer ng anak ninyo."

"Braincancer? How? P-pano siya nagkaroon non?" Bakas ang pag alala sa boses ni papa.

"Dad, panong magkakaroon siya non. Lagi naman siyang okay pag magkasama kami."

"Base sa pagkakacheck namin. Halos dalawang taon na ang brain tumor. Siguro ay maliit palang iyon kaya hindi masyadong nararamdaman. Wala po ba siyang nababanggit sainyo? May iniinda ba siyang sakit?"

"Wala naman siyang nababanggit sakin. Hindi ko kase siya kasama sa bahay" gustong gusto ko nang imulat ang mata ko at harapin sila. Tuloy tuloy ang daloy ng luha ko ng mapatunayan ang agam agam dati.

"A brain tumor is a mass or growth of abnormal cells in the brain. Many different types of brain tumors exist. Some brain tumors are noncancerous or benign and some brain tumors are cancerous or malignant. And based of the examination. Mireille's case is a cancerous one." I slowly open my eyes. Agad silang napabaling sakin.

"Anak! Kanina ka pa ba gising?"

"I know dad." Agad lumambot ang kanyang muka ng matukoy kung anong sinasabi ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" Lumuluha nitong saad saka ako niyakap. Lumapit din si Clienna at yumakap din. Kumalas din nang magsalita uli ang doctor.

"Don't stress too much hija. Hindi maganda sayo."

"Maooperahan po ba ako?" Umaasa kong tanong.

"Sa ngayon ay hindi pa pwede. Masyadong delikado dahil malapit ito sa mga sensitive parts ng utak mo. Kailangan pa natin mag intay saka ichecheck kung pwedeng operahin pero satingin ko'y matatagalan pa. Let her rest. Mauna ako." Muli akong binalingan nila papa.

"Wag niyong sasabihin kay mama."

"Kailangan niyang malaman anak."

"Ayoko siyang mag alala. Gagaling naman ako di ba?" Malungkot akong ngumiti. Kailangan kong gumaling.

"Kanina ko pa tinatawagan si Mikelle pero hindi siya sumasagot"

"Mikelle?"

"Boyfriend ni mireille dad."

"Don't tell him." Tinawagan ko din si mama na mag oovernight ako kila Clienna. Pumayag naman siya. Nang tumawag si mikelle.

~Mikoy's calling~

"Hello?"

"M-mikay?" Basag ang boses niyang pagtawag. Ganon nalang ang pag ahon ko  sa pagkakahiga ng marinig ko siyang humikbi.

"Mikoy? Baket? What happen?" Sunod sunod kong tanong dahil sa labis na pag aalala.

"W-wlaa na... wala na... si lola mikay" saka siya humagulhol. Madali akong tumayo saka inalis ang swero sa kamay. Nagising si Clienna na natutulog sa sofa dahil sa ingay ko.

"Where are you going?" Napapatayo niya ring tanong. Sumenyas lang ako na kailangan kong umalis at tinuro ang phone ko. "Wait!"

"May kailangan akong puntahan" saka ako tumakbo mabuti nalang at hindi ako pinalitan ng damit. Naka school uniform pa din ako.

"Baby?" Pagtawag ko kay mikelle na patuloy lang sa pag iyak. Agad akong sumakay ng bus. Nang makarating ay dali daling pumasok. Marami ng tao sakanila. Tuloy tuloy agad ako. Naririnig ko pa din ang iyak niya sa kabilang linya. Nagkatinginan kami ng tinawag ni mikelle na nanay dati. At tinuro niya ang taas. Tinakbo ko ito at binuksan lahat ng pinto. Nahinto lang ng mabuksan ang isang kwarto kung saan umiiyak si mikelle.

"Para akong mababaliw na marinig kang umiiyak sa kabilang linya. Pero mas nakakabaliw pala kapag harapan na." Bulong ko sa cellphone ko na nasa tenga ko. Saka siya lumingon at halos madurog rin ako ng makita siya sa ganong sitwasyon. Gulo gulo ang buhok. Pulang pula ang muka. Maging ang mata. Namumungay ang mata sa sobrang pag iyak at antok. Nilapitan ko siya saka niyakap.

"Ampanget mo umiyak!" Humihikbi ko na ring usal sakanya.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now