Chapter 4
Mikelle's POV
"Alis nako Lola." Sigaw ko at humalik kay lola 'Manang si lola bantayan nyo ah'
"Opo sir"
First day of school. I wonder kung anong klaseng buhay naman kaya ang mangyayari sakin dito. Boring kong minamaneho ang sasakyan ko ng mag STOP light at napatingin sa may Bus Stop. Nakita kong may nakaupong babae. Nakakatawa lang dahil halatang halata ang pagkakasimangot nya kahit nasa malayo.
"Parang nakita ko na sya" panay ang pag isip ko kung san ko sya nakita. " ahhh bwhahahaha. Oo sa milktea shop." Pag kausap ko sa sarili ng maalalang sya yung babaeng nabangga ko at mabasa. Agaw pansin lang talaga ang pimple nya sa pisngi na normal namn talagang tumutubo pag nagdadalaga.
"Bwhahahaha pero muka syang bata!" Lalong nakapagpabata sa muka nya ang bangs nyang natatakpan na ang kilay. Bilugan ang mata at matangos ang ilong at ang labi nya... Pouty lips. Kaya laging nakasimangot!.
Nang mag GO signal ay naghanap ako kung san pwede mag park. Nang makahanap ay agad akong nagpark at naupo sa tabi nung babae. Napansin kong naagaw ko agad ang atensyon nya.
Ganon nalang ang pagpipigil ko ng tawa ng nanlaki ang mata nya at ituro ang muka ko. Wala na din ang pimple na nandon lang kahapon. Mukang may ginamit para itago. Pinanlakihan ko rin sya ng mata para mas mapigil ang tawa ko. Hindi ko talaga kaya pigilan.
Nagsuot ako ng Earphone para maiwasan ko kahit papano. Nang maramdamang nakatingin sya ay nagkunwari akong naiinis sa pagtingin nya. At sobrang Epic talaga ng muka nya pag nagugulat at nanlalaki ang mata.
"B-baket?"
"Baket moko tinititigan?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Hindi ah" depensa nya at nang irap na naman. Sunget.
Ganon nalang ang pagtawa ko sa loob loob ko ng umakma ang kantang pinapakinggan ko sa sakanya.
"Pfft haha"
🎶 Nakasimangot ka nalang palagi, Parang ikaw lang ang nag mamay ari ng lahat ng sama ng loob 🎶
Nakangisi ko syang sinulyapan at nagtuloy sa pag kanta.
🎶 Pag mumuka mo ay hindi maipinta! Nakalimutan mo na bang tumawa eh sumasayad na ang nguso mo sa lupa 🎶. Hahahaha
Nang mapansin kong sobrang sama ng tingin nya ay pumikit uli ako at kumanta ulit bwhahahahaha
🎶 kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pag kabigo, ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro 🎶.
Nang mapansin ko na may paparating ng bus ay tumayo nako.

YOU ARE READING
I am your Shadow
Roman d'amourThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...