Eijaz's POV
Ilang linggo na ko dito sa Hospital. Bawat lipas ng araw ay pagdagdag ng Sakit. Nagpaplanong ngayong linggo na maoperahan dahil nacheck na kung hindi ba delikadong alisin. Busy sa laptop si Clienna samantalang si papa ay may mga inaayos na papeles. Si Mikelle naman ay abala rin. Sinabi niyang para sa Exam nila. Nabanggit ni papa na babalik ako ng unang taon sa kolehiyo dahil hindi ko naman natapos ang kahit na isang Sem.
"Pa" nananatili sa labas ang tingin ko.
"Hmm?" Aniyang abala pa din sa ginagawa.
"Gusto kong grumaduate" doon ay nakuha ko ang atensyon nila.
"Ha?" Nagtataka nitong tanong.
"Gusto kong grumaduate-"
"Pero bakit? Alam kong gagraduate ka pero ilang taon pa-"
"Hindi ko na kayang mag intay" natitigilan silang tumitig sakin. Naiiyak ko silang tinignan.
"Gusto kong makahawak ng diploma. Kahit peke lang Pa please. Mikelle. " nanghihingi ng tulong kong usal. Malungkot na ngumiti si papa saka tumango.
"Gagawan ko ng paraan" nung sandali ding iyon ay umalis si papa aniya'y aasikasuhin na ang hinihiling ko. Pinilit ko kasing bukas na ganapin. Si mikelle at Clienna nalang ang naiwan.
"Gusto kong puntahan si mama" usal ko na nakakuha sa atensyon nila.
"Pero kailangan mong magpahinga. Kailangan mong makaipon ng lakas para bukas" nag papaunawang tugon ni Clienna. Nilipat ko ang paningin kay mikelle
"Tama si-" hindi ko na siya pinatapos. Kusa akong tumayo at iniabot ang dextrose ng kunin iyon ni mikelle.
"Ako nalang ang sasama" tumango si clienna. Sumusuko din dahil hindi ako magpapatalo. Tahimik kaming nakarating doon.
"Hi Ma!. I miss you... and I....Love...You... Ng....Marami...." wala akong ibang nasabi. Umiyak lang ako ng umiyak doon. Nakaramdam din ng antok. Bago pako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko na ang pagbuhat sakin ni Mikelle.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Sobrang sarap sa pakiramdam ng ganito. Purong puti ang nakikita ko. Walang hanggang lakarin ang nasa harapan ko.
"Mireille" luminga linga ako dahil kilala ko ang tinig na iyon. Ma...
"Ma. Nasan ka? Ma"
"Mahal na mahal kita Anak ko"
"Ma!!" Sigaw ko.
"Mireille!"
"Mireille" sabay sabay silang lumapit sakin. Panaginip lang pala. "Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?"
"Ayos lang ako. Napanaginipan ko lang si mama"
"Mireille. Mangako ka sakin" seryosong usal ni papa. "Wag na wag mo kaming susukuan. Dahil kahit kailan ay hindi ka namin susukuan" nalilito ko siyang tinignan.
"Wag kayong sukuan?" Hinaplos niya ang buhok ko sa may batok. Takot na baka masaktan ang dati ko na namang naghilom na sugat galing sa unang operasyon.
"Ayoko lang na maging dahilan kami kung bakit ka susuko. Ikaw na ang nagsabi. Realize what to prioritize. Sarili mo ang intindihin mo wag mo kaming isipin."
"Oo nga sis! Fighting!" Binigyan niya pako ng finger heart.
"Let us be your strength...." seryoso ding ani mikelle. Isa isa ko silang tinitigan. Hindi ako magsasawang tignan ang bawat parte ng muka nila... Hindi ako aabot hanggang dito kung wala sila...
Tanghali na ng nagising ako. Napabalikwas ako ng bangon ng maalalang ngayon ang hiniling kong graduation.. lumapit sakin si Clienna... dala dala niya ang isang itim na toga. Inalalayan niya ko saka iyon sinuot sakin... siya rin ang humawak at naghila sa dextrose. Sa labas ng pinto ay nandon si Mikelle. Kinuha ang kamay ko kay Clienna saka siya umalalay sakin... ayos na ayos silang dalawa. Hinanap ko agad si papa.
Si mikelle ang nagmamaneho at ako naman ang nasa passenger seat si Clienna ang nasa back seat. Nakarating kami sa university. May ilan ilang tumitingin sakin ngunit hindi ko iyon binigyang pansin. Dumiretso kami sa Court ng University. Ipinagtaka ko iyon bakit doon. Nahinto ako sa pag iisip ng makita kung gaanong nabago ang Court. May mga upuan. Maraming estudyante na animong manonood... mga nakatoga rin.. si papa sa pinakaunahang upuan. At ilang admins ng school sa stage ng court... naluluha ko silang pinagmasdan... pano ito nagawa ni papa sa loob ng ilang sandali...
Lakad takbo akong lumapit kay papa. Hirap man dali may nakakabit na dextrose. Saka ko niyakap si papa ng sobrang higpit sa tingin ko'y iyon ang unang beses na nagawa ko ang bagay na iyon na aking pinagsisihan bakit ngayon ko lang nagawa ang gantong kasimpleng bagay...
YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...
