Chapter 52

3 1 0
                                        


Eijaz's POV

Masaya kong nilibot ang paningin sa mga paligid. Bata pa ko nang huli akong makapunta dito. Ansarap sa pakiramdam na nagagawa mo ang mga bagay na sobrang magpapasaya sayo. Kasama pa ang taong mahal mo. Sinamantala ko ang sandaling iyon. Kinalimutan ko na may malaki uli akong problema. Kinalimutan kong pwedeng hindi ko na kayanin. Hinayaan kong masulit ko ang bawat oras na meron ako.

"Nahilo ako don ah!!!" Tumatawa kong usal. Natawa naman ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad at nilingon ako.

"May masakit sayo? Ayos ka lang ba?" Nag aalala niyang tanong.

"Hahahah yeahhh. Don pa tayo!" Turo ko sa space shuttle. Excited akong tumakbo papunta doon.

"Woahhhhhh!!!!"

"Yeahhhh"

"Ohmyghad!!!!! Hahahah" sari saring tilian ang maririnig sa kasabayan naming nakasakay. Hindi mapawi ang ngiti ko hanggang makababa kami.

"Grand carousel!!!" Parang bata kong turo doon. Magkahawak kamay kaming pumunta doon.

"Upo ka don dali!!!" Nagtataka ko siyang tinignan. "Gagayahin nga natin yung sa Stairway to heaven!" Tumatawa niyang usal. Hindi ko alam kung pano ko natagalan ang ngumiti ng ganong katagal.

"Nangalay ang panga ko kakatawa" wika niya habang inaabot ang hotdog at juice.

"Thanks" nakangiti ko pa ding usal sakanya. Tinitigan ko siyang mabuti. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagsasawa sa itsura niya.

"Anong oras pala tayo uuwi? Magggabi na" saad ko ng makapagpahinga kami.

"Pinagpaalam kita kay tito." Tumango ako saka muling iginala ang paningin.

"Tara na" kunot noo akong napasulyap sakanya.

"Akala ko nagpaalam ka"

"May pupuntahan lang tayo." Tahimik ngunit nakangiti siyang nagmaneho. Ramdam ko na ang pagod. Hininto niya ang sasakyan sa isang park. Ilan lamang ang tao.

"Tara" inalalayan niya ko pababa. Naupo siya damuhan. Dinaluhan ko naman siya at tumabi saka sumandal sa balikat niya.

"Eto na talaga." Nakatingala niyang usal.

"Alin?" Nagtataka kong tingin.

*Boogsh*

Gulat akong napatingala. Napalitan din ng tuwa ng makita kung gaano kaganda ang fireworks.

"Happy anniversary" bulong niya. Naluluha ko siyang niyakap. Nakakatakot. Baka hindi na maulit. Baka huli nang anniversary.

🎶Nang makita kita napangiti mo na ako🎶 bulong ko sakanya nang nakangiti.

🎶At nang lumapit ka sinabi mo na gusto mo rin ako🎶 natatawa niyang sinilip ang muka ko saka siya ang nagtuloy.

🎶At ngayon gusto kong sabihin sa'yo
Ang nararamdaman kong ito🎶

🎶 Na ikaw ang nilalaman ng aking puso🎶

🎶Baliw na baliw ako sa sa'yo, aking sinta
Oh, Mikay aking prinsesa🎶 pag iiba niya dito. Ako naman ang nanggaya kay Maymay entrata. Ilang oras kaming nagtagal doon. Tahimik lang ngunit nagkakaunawaan. Naalala ko ang sinabi niya. Hindi ko siya hinayaang alagaan ako. Pero ayokong maging alagain niya. Mas gusto ko siyang makitang may iba kaysa mahirapan siya ng dahil sakin.

"Tell me a lie" biglang usal ko.

"Mmm hindi ikaw ang babaeng makakasama ko habangbuhay." Aniya

"Pano pag wala nang buhay?"

"Edi hanggang kamatayan!" Natatawa niya pang usal. "Ikaw. Tell me a lie"

"Wala nakong sakit" nakatingala ko iyong sinabi. Wala din naman akong magagawa kundi sabihin. Alam kong sa mga oras na to ay alam na nila papa ang totoo.

"Tsk hindi naman yan lie. Wala ka na naman talagang sakit. Maayos ka na. Magaling ka na." Sigurado niyang wika na kinaluha ko. Sana nga. Sana nga ay wala na lang. Marami pakong gustong gawin. Maranasan. Gusto ko pang magtapos. Magdoctor. Makasama si Mikelle.

Umiiyak akong yumakap sakanya.

"Mikelle... b-bumalik daw" humihikbi kong usal. "Hindi ko alam kung bakit ako.... kung bakit puro ako nalang... gusto ko ng normal na buhay.... yung hindi ko kailangang matakot... yung hindi ko kailangang magtiis sa sakit." Sunod sunod kong usal. Nang tignan ko siya ay nakatulala lang siya sakin. Nangingilid din ang luha. Naalarma ako ng bigla siyang tumayo. Tinalikuran ako. At nagtatakbo. Mabilis ko siyang sinundan. Hingal na hingal sa pagtakbo.

"Mikelle!. Mikelle!" Nahinto lamang siya ng bumuhos ang malakas na ulan. Napaluhod ako sa kinakatayuan.

"Ha!!!!!" Malakas na sigaw niya sinundan ng hagulhol niya. Wala akong nagawa kundi ang umiyak din. Lumapit siya sakin saka ako niyakap. "Im sorry. Im so sorry" umiiyak nitong wika. Basang basa kami. Tumayo ako at kinuha ang kamay niya saka nilagay sa baywang ko.

"Balikan natin yung panahong wala tayong iniisip" wika kong lumuluha.

🎶I k-know your eyes in the m-morning sun.🎶 putol putol kong pagkanta.

🎶I feel you t-touch m-me in the p-pouring rain🎶 hindi ko na kinayanan pa. Humagulhol ako na parang walang bukas.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now