Chapter 37
Mikelle's POV
"Pano na yung group activity natin"
"Pupunta tayo sakanila" walang emosyon kong tugon.
"San ba yun?" Iniwan ko siya don pero agad din siyang sumunod.
"Sakay" nalito pa siya nang una pero nang tignan ko siya ng masama sa sobrang kabadtripan ay sumakay na siya saka ko pinaharurot ang sasakyan.
Nagpark ako sa labas ng bahay nila. Alas kwatro kami nakarating. Isang oras na kaming nag aantay. Lalo akong nababadtrip sa pag iinarte ni Feith.
"Bat naman ang tagal niya. Tsaka sino ba yun hindi ba at girlfriend mo siya eh bakit kung kani kanino sumasama."
"Kung itigil mo kaya yang bibig mo."
"Fine." Matagal pa kaming nag antay. Hindi ko alam kung pano ko natagalan ang tumulala at mag isip. Naputol lang nang makarinig ako ng papalapit na sasakyan. Agad akong bumaba. At niluwa ng pintuan ng sasakyan si Mireille gulat na gulat akong nakita.
"Mauna nako Jaz" paalam pa ni Aiden.
"Mikelle" lumabas si Feith sa sasakyan. Napansin ko agad ang pag iiba niya ng ekspresyon.
"Finally! Kanina pa kami nag aantay sayo no. Sino ba kase yung kasama mo!" Maarteng saad ni feith. Nakita ko rin ang pagkabahala sa mata ni Mireille.
"N-nagkita lang kami dun sa cafe naunang lang niyang naihatid si Clienna." Nakatingin niyang paliwanag sakin. "Ba-bakit pala kayo magkasama." Pilit siyang ngumiti. Nananatili pa din akong tahimik. Hindi naniniwala sa mga sinasabi niya.
"Hello! Para sa activity natin."
"Sa cafe nalang siguro tayo gumawa" saka siya tumingin sakin at ngumiti "Mikelle sa cafe nalang?" Hindi ako sumagot at basta nalang sumakay. Nanlaki ang mata ko ng maupo si Feith sa tabi ko. Agad ko namang nilingon si Mireille na nag aalangan pang sumakay sa likod.
"Dito ka"
"Oh my sorry!" Bababa na sana si feith nang magsalita si Mireille.
"Ayos lang." Pilit siyang ngumiti. Bumaba ako at binuksan ang pinto ng passenger seat.
"Baba" napapahiyang bumaba si Feith. Pumunta naman ako sa likod at binuksan ang pinto non.
"Ayos lang-" hindi ko na siya pinatapos at hinila na pababa. Nakita ko ang pagngiwi niua dahilan ng pag luwang ko sa pagkakahawak. Pinasok ko siya sa passenger seat saka umikot.
"Sorry talaga" tahimik kaming nakarating sa napiling coffee shop. Basta nalang ako naupo. Si Feith ang nagpaliwanag. Sa tingin ko'y siya lang din ang nakakaintindi. Wala akong ginawa kundi ang titigan si Mireille nakakabadtrip talaga siya. Bakit yung Aiden pa na yun. May past sila!.
"Cr lang ako." Paalam ni Mireille.
"Break na ba kayo?" Hindi ko siya kinibo. Wala talaga ako sa mood para makipag usap tanging si mireille lang ang gusto kong makausap. "Alam mo okay lang yan. Hindi naman siya kagandahan-"
"Nagsalita ang mukang Sawa." Nanlalaki ang mata ni feith na napatingala. Maging ako ay nagulat na nandon siya. "At hindi kami nagbreak" saka siya tumingin sakin. Napatayo ako nang makita sa mata niya ang sakit at lungkot.
"Bakit hindi mo tinanggi? Bakit break ba tayo-"
"Ofcourse not!" Ngumiti lang siya na lalo kong pinag alala.
"Cr lang ako. Naiwan ko kase tong bag ko" tinalikuran na niya kami. Nanatili lang tahimik si Feith hanggang makabalik si Mireille.
"San na ba tayo?" Parang walang nangyaring tanong niya.
"Mmm actually tapos na."
"Tapos na pala eh" tumayo agad siya na daglian ko ring pagtayo.
"Ahh mireille. Actually may boyfriend ako." Peke siyang ngumiti. Hinawakan ko sa baywang si Mireille dahil may pakiramdam akong napipikon siya.
"Tinatanong ko ba?" Pag irap nito.
"Baka kase iniisip mong gusto ko si mikelle"
"Baket hindi ba?"
"H-hindi naman" peke siyang tumawa.
"Ano namang connect ng boyfriend mo sa sinasabi mong hindi ako kagandahan?"
"Wala naman. Baka kase nagseselos ka-"
"Stop it" pagpapatigil ko sakanila.
"Ikaw lang ang kilala kong FEITH na hindi faithful" saka niya kami tinalikuran.

YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...