Chapter 14

7 1 0
                                        

Chapter 14

Eijaz's POV

Bumaba na agad ako kahit medyo malayo pa ang bahay namin. Ang pinakaayokong pakiramdam ay kapag naguguluhan ako.

"Are you sure? Pwede ko pa namang ipasok. Medyo malayo pa di ba?" Pagtataka niya ng sinabi kong bababa nako.

"Yeah, ah pupunta si Vriene dito" pagdadahilan ko para hindi na siya magtanong. Napansin ko namang naging balisa siya at umalis na.

Naglakad lakad muna ako. Pupunta ako sa lugar kung saan malaya akong mag isip. Nagulat ako ng makita si Mikelle.

"Mikoy" nag aalinlangan ko pang sabi dahil hindi ko naman talaga gusto ang endearment na yon. Kung endearment nga ba yung matatawag. Nakita ko ring nagulat siya at nagtaka sa presensya ko.

Tinignan niya lang ako kaya nilapitan ko na siya.

"Bat nandito ka?"

"Bawal ba ko dito?" Sarkastiko niyang usal.

"Lagi akong nandito pag gusto ko mapag isa at mag isip" nakatingala ako sa langit habang sinasabi yon. Palubog na ang araw. Mag sasunset na.

"Lagi?" Kunot noo niyang sabi.

"Oo, naghahagis nga ko ng coins dan eh" ganon nalang ang pagkainis ko ng tumawa siya.

"Ahh yung duling maghagis" natatawa pa din niyang saad.

"Ano?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Minsan akong nagkabukol dahil duling ang ilong mo hahahaha"  namula na naman ang muka at tenga niya. "Lagi din akong nandito, dun sa baba" turo niya sa may mga damuhan.

"Bat ka napunta dito?"

"Sumisigaw ako kung bat ako malungkot?"

"I like you MIKE AIDEN PANGILINAN!!!!!" sigaw ko at humagalpak ng tawa. Halatang nagulat siya at nagtingin tingin pa sa paligid.

"BUT YOU'RE CONFUSING ME!! MIKELLE'S CONFUSING ME!! HAHAHAHA" kita ko ang amusement sa mata niya.

"What?" Natatawa kong usal. "Uwi nako" usal ko at nagsimula ng maglakad. Nakaramdam na namn kase ng hilo. Tumabi siya sakin sa paglalakad.

"Sorry kanina" sabi niya ng hindi nakatingin sakin.

"Bakit ba kase?"

"Parang balewala kase ako sayo"

"So friends na nga tayo?"

"Whatever you want"

Nakarating kami sa amin ng wala ng ibang pinag usapan.

"Anak! Ano kaba anong oras na kanina pa kita inaantay-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang masulyapan si Mikelle.

"Ahh Ma si Mikelle pala kaibigan ko"

" tita!!!" Sigaw ni Mikelle at niyakap pa si mama.

"Oh?" Nagtatakang usal ni mama.

"Aalis nako tita! Dalaw ako minsan ah!" Masayang usal niya saka umalis.

"Ma, kaibigan ko lang yon, wag mo po kong tignan ng ganyan." Napansin ko kasi ang naghihinala niyang tingin.

Alauna na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog. Sumasakit din ang ulo ko.  Mag isa akong umiiyak habang iniinda ang sakit.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now