Chapter 7

9 2 0
                                        

Chapter 7

Eijaz's POV

Agad akong naupo nang putulin ko na ang kanta. Purong kalokohan na ang ginawa ng ilang lalaki sa likod. Yung iba'y ginuhit ang pangalan sa hangin at kinikibot kibot pa ang labi na akala mo nang aakit. Ang iba naman ay nagkakanta. Ganon nalang ang tawanan ng may isang kumanta na may bastos na lyrics. Galit na galit si Ma'am.

"Myghad! Ang gwapo niya."

"Sya na yung magpapakilala!!"

Dinig kong usapan ng mga babae sa unahan ko na nakatingin sa likod. Nang lumingon ako  nakita kong tumayo yung lalaki at tumingin sakin nang nakangisi. Nang tumapat sya sa upuan ko ay kumindat pa at pinataas ang buhok na dati na namang mataas. Pabida.

Nang nasa unahan na ay iba't ibang uri ng tili ang narinig ko. Harot. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Watsap madlang pipol!" Sigaw niya na naging dahilan para mag sigawan din.  Maski ang dimples sa dalwang pisngi ay nagsusumigaw. Makapal din ang mga pilikmata. Namula agad ang tenga dahil sa pag sigaw.

"Quiet!" Si Mrs. Evangelista na kanina pa naiinis sa mga lalaki sa likod "Ayusin mo yan!"

"Sorry Ma'am! Hehehe" tawa nya na kumamot pa sa ulo. Parang kulang kulang.

"Hi guys! Im Ray Mikelle De guzman. Pinili ko ang strand nato. Obviously! dahil magdodoctor ako sa college! Pero kung hindi  papalarin! Magiging bebe mo nalang! Hahaha" tawa niya na akala mo may nakakatawa sa sinabi niya.

Pero ganon nalang ang tawanan ng mga kaklase ko. Bentang benta ang biro niya samantalang ni hindi man lang nga gumalaw ang labi ko para ngumiti man lang.

"Eto talent ko! Bagong bago. Wala pang nakakagawa hahahaha! Ready na ba kayo guys!!!"

Ganon nalang ang sigawan ng mga kaklase ko kahit hindi pa sya nagsisimula.

"BLACKPINK IN YOUR AREA!!"

Lalong lumalakas ang sigawan ng isigaw niya yon. Blackpink...Iyon ang sikat na sikat na kpop group ngayon.

🎶Boran deushi muneojeosseo Badageul ttulko jeo jihalkkaji Ot kkeutjarak japgettago Jeo nopi du soneul ppeodeobwado .🎶

🎶 Dashi kamkamhan igose Light up the sky Ni du nuneul bomyeo I'll kiss you goodbye.🎶

At iba't ibang ingay na ang narinig nang simulan niyang kumanta at sumayaw. Sobrang lakas ng hiyawan dahil sa ginagawa niya. Nangingibabaw si Clienna nagmamalaking naiintindihan ang ibig sabihin ng kanta.

🎶How you like that that that that that That that that that.🎶

🎶 Now look at you now look at me ugh🎶

🎶Look at you now look at me ugh!  Look at you now look at me🎶

🎶How you like that!! Now look at you now look at me Look at you now look at me Look at you now look at me How you like that🎶

Ganon nalang ang pag ngiwi ko nang ikembot kembot pa niya ang pwitan niya na akala mo talaga isang babae. At pinipilantik din ang kamay na animong ginagaya talaga ang steps ng sayaw. Ginagalaw galaw niya rin ang ulo. Pero hindi ko na napigilan ang pag tawa.Feel na feel. Bakla talaga.

"Woahhhhh!!!"

"Yoahhhhh"

"How you like that!"

"Blackpink in your area!"

Nakakarinding palakpakan ang narinig ko nang matapos siya at naglalakad na nang tumapat sa upuan ko ay pinatong niya ang kamay sa buhok ko at ginulo iyon! 

I am your ShadowWhere stories live. Discover now