Chapter 24

9 0 0
                                        

Chapter 24

Mikelle's POV

Beautiful. Unang salitang nabuo sa isip ko ng makita ko siya. I can't stop smiling while driving. The thought of being with her the whole night makes me crazy. A happy crazy Man. Nasira lang ang gabi ko ng yayain siyang sumayaw ni Aiden.

Tahimik ko siyang sinusundan. I feel useless seeing her sad like this. It's make me crazy. A sad crazy Man. Nahinto siya nang maupo sa gilid ng kalsada. Madaling araw na kaya wala nang dumadaang sasakyan. Tumabi ako sakanya.

"Knock knock" mahina kong usal. Inaasahan kong hahampasin niya ko at mapipikon siya pero nang lingunin ko ay nakayuko lang at nakatingin sa stilettos niyang suot at kinukutkot iyon. "Knock knock" ulit ko.

"W-Who's there" basag nang boses niya.

"Ugly"

"Ugly-" sumisinghot pa siya "u-ugly who?"

"Mask up my pain. Hold back my tears. Im goin insane. Nobody knows" pagkanta ko. Pinigilan kong tumawa ng marahas niyang ilingon ang ulo niya. Kunot na ang noo.

"Asan ang ugly don?!" Sineryoso ko ang muka ko saka tumingin sakanya.

"Sa muka mo" painosente kong tugon. Ngumiwi ako nang laksan niya ang pag iyak niya. "Shhh shhh sorry na. Sorry" pag aalo ko at niyakap siya. Nang hampasin niya ang dibdib.

"Badtrip!" Saka siya umiyak ulit. May pagkaabnoy din pala to. Tumayo ako sa harap niya at iniabot ang kamay ko.Tinignan  niya lang ito kaya sinenyas kong abutin niya. Hindi siya kumilos kaya ako na ang kumuha non.

"Hindi kita nasayaw kanina" itinayo ko siya at nilagay ang kamay niya sa balikat ko at hinapit ko ang bewang niya. Saka ko siya bahagyang sinayaw. Natawa ako ng humikbi pa siya.

"Ampanget walang tugtog!" Umiirap niya pang sabi.

🎶 I know your eyes in the morning sun. I feel you touch me in the pouring rain🎶 kanta ko na kinatigil ng pag iyak niya.

🎶And the moment that you wander far from me,  I wanna feel you in my arms again🎶 nakangiti kong pagkanta. Nahihinto ako sa pagkanta ng isandal niya ang ulo sa balikat ko.

"Tsk" singhal niya. Masaya kong tinuloy ang pagkanta.

🎶And you come to me on a summer breeze, keep me warm in your love. Then your softly leave, And it's me you need to show. How deep is your love?🎶

Nakangiti kaming bumitaw sa isa't isa.

"Thanks" bulong niya. Nang biglang bumuhos ang ulan. Agad kong hinila ang kamay niya ngunit hindi siya nagpatianod. Kunot noo ko siyang tinignan. Mabilis kaming nabasa. Nawala ang pagkunot ng noo ko ng makita siyang nakatingala at masayang sinasalubong ang pagpatak ng ulan. Nakangiti ko na rin siyang ginaya. Ginulo ko ang buhok ko dahilan para tumama ang ilang tubig sa muka niya. Nagtawanan kami. Nagtatalon siya hindi iniinda ang tubig galing sa lupa na dumidikit sa damit at balat niya. Masaya kaming nagsasasayaw ng kung ano ano habang nilalaro ang tubig.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now