Chapter 46
Eijaz's POV
"Naaalala mo ba lahat?" Tanong ng doctor sakin. Kunot noo ko siyang tinignan. "Maaaring nakalimutan niya ang ilang tungkol sakanya. Maaaring previous memory at ilan ilan sa mga kasalukuyan niyang alaala" lalong nangunot ang noo ko.
"Ano bang sinasabi niyo?" Naiirita kong tanong dahil walang nag aabalang sumagot sakin. Natingin ako kay Mikelle na nakatingin sakin. I rolled my eyes kanina pa siya tingin ng tingin. Nang mapasulyap naman ako kay Aiden ay nahiya ako. Nginitian ko siya. Pilit naman siyang gumanti ng ngiti. Si Clienna naman ay malungkot na ngumiti sakin agad konring inirapan. Nang umalis ang doctor ay nanlaki ang mata ko ng pumasok si Vriene. Nahihiyang yumuko.
"Vriene!!!" Sigaw ko. Masaya dahil nakita siya. Kunot noo siyang tumingin sakin.
"H-hi"
"Halika dito!" Pagtapik ko sa gilid ng kama.
"Nakalimutan niya ang ilan sa mga alaala niya." Usal ni papa nagugulat na sumulyap si Vriene sakin. At nagpapacute akong tumango tango sakanya.
"Ilibre mo naman ako ng Milktea" nakanguso kong usal. Napipilitan naman siyang ngumiti.
"Papa! Kilala mo na ba itong si Vriene?" Sulyap ko kay papa "bestfriend ko siya. Tapos si Aiden naman" sulyap ko sa may pinto ng cr dahil nag cr ito. "Almost boyfriend ko Pa!" Humagikhik ko pang usal. Sabay sabay silang napasulyap kay Mikelle. Kumunot naman agad ang noo ko.
"Mikelle is your boyfriend Mireille" wika ni papa na ikinagulat ko. Nanlalaki ang mata kong sumulyap kay Mikelle. Malungkot itong ngumiti ngunit nag iwas din ng tingin. Nakita kong may bumagsak na luha sa pisngi niya. Naguguluhan ko siyang tinignan. Wala akong naaalalang boyfriend ko siya. Palagi lang siyang nang iinis sakin.
Pwede din ba kitang ibully? Lalong nangunot ang noo ko. Love bullying.
"Aalis po muna ako tito" dinig kong paalam ni Aiden. "Bye Jaz"
"Bye." Ngiti ko sakanya.
"Aalis na din ako. Mauna nako mireille"
"Kararating mo lang di ba?"
"M-may pasok pa kase ako." Nagtaka naman ako.
"Ako? Wala ba akong pasok?"
"College ka na hija." Mahinang wika ni papa. Kumunot agad ang noo ko. College?.
"Aalis nako Mireille"
"Mmm sige sabihin mo sa professor natin na nandito pako."
"Hindi tayo same school"
"Hindi?"
"Yeah. I have to go" tumango na lamang ako naguguluhan pa din.
"Si mama?"
"Wala na si tita mireille" nakayukong usal ni Clienna. Tumaas ang kilay ko .
"Kinakausap ba kita? Anong wala na si mama?"
"Wala na ang mama mo anak. Naaksidente siya bago ka operahan-"
Matunog akong tumawa.
"Baliw ka ba?"
"Anak"
Bakit kailangan mong mang iwan
Nangilid agad ang mga luha ko. Napapikit ako ng may Van na babangga sakin.
Mama
Humagulhol ako. Lumapit si papa at inalo ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumulala.
"Papa aalis nako. May kailangan akong gawin" dinig kong bulong ni Clienna. Mataas na ang sikat ng araw. "Pano ang trabaho mo Pa?" Napalingon ako sakinala. Galit ako kay papa at hanggang ngayon ay nagagalit ako sakanya.
"Kaya ko mag isa dito" usal ko
"Hindi na anak-"
"Ayoko ngang andito ka!" Nabigla siya sa sigaw ko. Unti unting umiling. Naiinis ko siyang tinignan.
"Ansakit palang kalimutan Mireille." Hindi ko napigilang irapan siya.
"Ako nalang po dito tito" napatingin ako kay mikelle. Sumulyap lang siya saglit at nakipag usap kay papa.
"Aalis nako anak babalik din ako" hindi ko siya kinibo. Lumapit si Mikelle na may dala nang tray ng pagkain. Masama ko siyang tinignan ng maupo siya sa gilid ng kama.
"Kumain ka na Mikay" hindi nawawala ang pagkakasimangot ko lalong nalukot ang muka sa narinig.
Mikay.
"Wag moko tignan ng ganyan."
"Ano!"
"Tsk, Totoo nga ang sinabi ni tito. Ansakit ngang kalimutan" usal niya na kinatigil ko.
Hindi nakakalimot ang puso.
Who are you?

YOU ARE READING
I am your Shadow
RomansaThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...