Chapter 9

6 1 0
                                    

Chapter 9

Eijaz's POV

Pareho kaming gulat sa nangyari. Agad umurong ang luha ko ng marealize na nakikinig siya.

"Ahh ano." Nayuyuko niyang sabi.

"Nakikinig ka!!."

"Hoy! Hindi ko naman sinasadya no! Bat ba galit ka agad. Eh ako nga dapat ang galit. Natutulog ako nagising ako dahil a-ang ingay nyo no!"

"Wag mong sabihing nagising ka lang nung tapos na ang usapan namin." Kunot noo kong saad.

"Ambastos ko naman kung sasabat ako di ba? Hehe" kakamot kamot ulo niyang sabi.

"Tsismoso" naupo siya sa isa sa mga upuan don.

"Laro tayo! Tell me a lie."

"Tsk tigilan mo nga ko." I rolled my eyes. Kahit wala naman syang ginagawa ay naiinis ako.

"Dali na tell me a lie. Ako muna. Sabihin mo tell me a lie!" Nilalapit pa niya ang muka niya. Ang kulit.

"Nyenye"

"Aishhhhh!! Isa!"

"Dalwa" nang akma na siyang tatayo para umalis ay nagsalita nako.

"Bwiset naman eh TELL ME A LIE!!"

"Hahahah, Tanggap ako ng daddy ko at masaya kami ngayon. SOBRANG SAYA." Peke siyang ngumiti.

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Ikaw naman. Tell me a lie." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Napatawad ko na si papa" malungkot kong saad habang nakatingin sa malayo. Inaalala ang araw na nalaman namin ni mama ang totoo.

"Sabi ko na nga ba!!" Sigaw ni mama na halos marinig sa buong bahay. Kasunod ang pag hagulhol niya. Nagmadali ako papunta sa kwarto nila. Nung araw na yon nakumpirma ko sa sarili kong baka nga may sakit ako. Araw araw na pananakit ng ulo lalo na sa umaga. Hirap makatulog. At nakakaramdam ng seizures. At iba pa. Mag isa kong inalam. Nagbasa basa ako tungkol doon. Ayokong mag isip ng masama pero hindi ko mapigilan.

Nang makarating sa kwarto nila ay ganon nalang ang pagkahabag ko kay mama ng makita ko siyang halos lumuhod sa harap ni papa at humahagulhol. "Yung katotohanang sinira mo ang buhay ko mula palang ng nag uumpisa tayo ay hirap na hirap ko nang maatim. Yun pang pati ang anak ko ay sinasaktan mo!!"

"Ma! Anong nangyayari sainyo" lumapit agad ako para daluhan siya. "Pa" baling ko kay papa.

"Patawarin mo ako anak-" hindi naituloy ni papa ang sinasabi ng agad na tumayo si mama at pinaghahampas siya sa dibdib.

"Don't you dare! Wag mong sirain ang buhay ng anak ko tulad ng ginawa mo sa pamilya naten!"

"Ma, ano ba kase yon!" Tinalikuran na kami ni papa. Na agad ko din naman sanang hahabulin nang hawakan ako ni mama.

"Please"

"Why?" Umaasang sagot ko..

"He fooled us. He have other family. Meron siyang ibang anak. Sa ibang babae."

"Ma, baka nagkakamali lang kayo. Kilala ko si papa"

"Akala ko din kilala ko siya ng pinakasalan ko siya, naunang pinagbuntis ng babaeng yon ang anak nila. Parang tayo pa ang kabit" iyak niya na nagpasakit lalo ng ulo ko. Sa takot kong masaktan pa si mama binalewala ko ang agam agam tungkol sa nararamdaman ko.

"Mamatay na naiyak!" Sigaw niya.

"Huh?" Nagtataka kong tanong.

"Oh!" Tinapat niya ang braso niya. "Magpunas ka" sinenyas niyang ipamunas ko ang manggas ng polo niya.

"Kadiri! Malinis bato"

"Mas kadiri ka baka punasan mo ng sipon"

"Wala akong sipon no! Tss, so tell me a lie."

"Bakla ako" natatawa niyang sabi.

"Lie ba yon?"

"Bakit anong iniisip mo?" Tinataas taas niya pa ang makakapal niyang kilay.

"Wala"

"tell me a lie"

"Sobrang panget ko hmm"nakanguso ko pang sabi. Nagpapacute. ' hahahaha tell me a lie"

"I don't like you" saad niya na kinabigla ko.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now