Chapter 40

2 1 0
                                    

Chapter 40

Eijaz's POV

"Vriene! Wait!" Paghabol ko sakanya dahil agad siyang tumalikod at umalis. Nang maabutan ko siya ay agad kong hinila ang braso niya.

"Ano ba!" Sigaw niya sakin at inagaw ang braso niya. "Ano bang problema mo?! Nanahimik nako!"

"What? Ikaw ang may problema. Basta ka nalang nawala. Nihindi nga tayo nag away."

"Stop asking!" Irita niyang usal.

"I can't understand."

"Hindi mo naman talaga maiintindihan dahil puro ka nalang pasarap sa buhay!" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung ano sinasabi niya.

"What-"

"Maang maangan ang peg mo ngayon?" Maarte niyang usal saka ako bahagyang tinulak. "Mula noon! Ikaw nalang lagi ang pinagbibigyan ko!" Patuloy pa din siya sa pagtulak gamit ang daliri. "Niminsan hindi moko tinanong!"

"Ano bang sinasabi mo-"

"Ang sarap mong murahin! Mga tatlong libo!" Saka lumakas ang tulak niya.

"Ano bang nangyayari sayo Vriene. Maayos naman tayo noon-"

"Noon pero ngayon?" Umasa ka!" Naiiyak ko na siyang tinignan.

"Just tell me!"

"Gusto mo si Aiden nung high school tayo! Pero boyfriend ko siya!" Nanlalaki ang mata kong napatingin sakanya. "Walang gustong makipagkaibigan sakin maliban sayo! Kaya nang malaman kong gusto mo si Aiden ay kinausap ko siya na makipaglapit sayo!" Umiiling iling kong itinapat ang kamay sa harap namin.

"Hindi mo ba matanggap na isa kang walang kwentang kaibigan?!" Doon na bumuhos ang luha ko. "Nakita kitang sobrang saya! Kayong dalawa! Nasaktan ako pero yung katotohanang masaya yung dalawang taong mahal ko.. wlaa akong magawa kundi magparaya." Humihikbi na rin niyang usal

"Hindi ko hiningi sayo ang bagay na iyon. Sa ginawa mo pinapalabas mong kailangan ko ng tulong mo para mahalin ng iba. Pinapalabas mong utang na loob ko pa ang pagiging malapit-"

"Dahil totoo naman!"

"Hindi ko matanggap na. Ikaw lang pala ang dahilan kung bakit kami naging malapit! Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit mo ginawa ang bagay na iyon pagkatapos ay magkakaganito ka at manunumbat!" Hindi ko napigilang sumigaw.

"Dahil sa pangalawang pagkakataon. Na ikaw naman sana ang may kakayahang gawin ang bagay na yon pero hindi mo ginawa! Dahil matakaw ka! Matakaw ka sa pagmamahal! Matakaw ka sa atensyon! Matakaw ka!" Sunod sunod niyang sigaw. Hindi ko napigilang sampalin siya na ikinatigil niya. Yumuko siya at doon umiyak. Luhaan ko din siyang tinitignan.

"Mula pala non. Mula pala noon ay pinaplastik mo ako?"

"Hindi kita pinaplastik-"

"Eh anong tawag mo sa mga ginagawa at sinasabi mo ngayon?!"

"Nag move on ako!"

"Kung sana ay sinabi mong ganon. Hindi ko naman kukunin sayo si Aiden. Mas nadisappoint mo lang ako sa ginawa mo"

"Ikaw pa ang dissapointed satin ngayon? Kakaiba ka din eh! Si Mikelle. Si mikelle gusto ko siya! Pero ikaw ang gusto niya!" Muli akong nagulat sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata.

"Nagkapalit tayo ng sitwasyon pero hindi mo ginawa ang ginawa ko sayo noon!"

"Dahil hindi ko naman alam ang nararamdaman mo. Pero kung alam ko man o hindi. Hindi ko parin gagawin"

"Dahil nga matakaw ka-"

"Dahil nakakaawa ka! Papayag kang mabigyan ng atensyon kahit sa iba naman talaga iyon?. Ikaw ang may gusto ng ginawa mo noon! Magsama kayo ni Aiden. Pareho kayong pavictim"

"Yan ba ang isusukli mo sa lahat-"

"Anong gusto mo? Ibigay ko si Mikelle sayo? Gaya ng ginawa mo kay Aiden? Anong tingin mo sakanila? Laruan? Pwede ipasa kung kelan mo gusto?" Napayuko siya sa sinabi ko. "Gusto mo si Mikelle pero hinahalikan mo si Aiden? Bakit hindi ka makasagot?"

"Wala kang pinagkaiba sa nanay mo-" agad siyang natigil dahil sa lakas ng sampal ko sakanya. Maging ako ay nabigla. Agad niya kong tinalikuran. Tulala ako ng ilang minuto doon. Nang nagpasyang umalis na ay agad ding nahinto ng makita si Mikelle at Vriene.

"Can we talk?" Tanong ni Vriene sakanya

"About what? Mireille's waiting-" nahinto siya nang yakapin siya ni Vriene. Lalapit na sana ako nang magsalita uli si Vriene.

"Jaz slapped me. She hurt me." Nakita kong tinulak niyang bahagya si Vriene.

"Mikelle" sinukbit niya ang braso sa leeg ni mikelle at akma itong hahalikan. Nainis ako ng makita iyon palapit na ko ng maalala kong muli ang sinabi niya kanina.

Si Mikelle. Si mikelle gusto ko siya! Pero ikaw ang gusto niya!

Tumalikod ako at sa ibang direksyon dumaan.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now