Chapter 32

2 1 0
                                    

Chapter 32

Eijaz's POV

I was holding his hand while walking. He's not talking to much. Nakahawak ang isang kamay niya sa sinasakyan ng katawan ni lola. 1 week na pinaglamayan si lola. Kaya mahigit isang linggo ring hindi maayos si Mikelle. Si mama ang pumapalit sa pagsama kay mikelle para lang makumbinsi akong pumasok. Panay din ang pagbantay sakin ni Clienna dahil sa takot na baka tinatago ko na naman kung may masakit sakin.

"Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at Espiritu Santo." Pagtatapos ng pari saka lumapit ang ilang lalaki para ibaba ang kabaong. May ilang iyakan akong narinig. Nasulyapan ko ang daddy ni mikelle. Halata rin sakanya ang labis na kalungkutan itinatago niya lamang. Nauna rin siyang umalis ng matapos. Naiwan si Nanay na nag aalala pa din kay Mikelle. Tinanguan ko nalang ito. Saka kami iniwan. Nauna na rin si Mama at si Clienna.

Muli kong narinig ang impit na iyak ni Mikelle bagay na kinaluha ko rin. Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko.

"Tell me a lie" pumipiyok ko pang sabi. Ngunit mas lalo lang siyang umiyak. "T-tell me a l-lie" ulit ko na pakiramdam ko ay mas malakas pa ang paghikbi ko kaysa sakanya.

"H-hindi ko namimiss si lola. Ka-kaya k-kong mabuhay ng w-wala siya" utal utal niyang tugon dahil sa pag iyak. Niyakap ko lamang siya at binigyan siya ng katahimikan. "Tell me a lie" sabi niya na kinatunghay ko. Tumingin na siya sakin ngunit nangingilid pa din ang luha.

"Masaya akong makita kang ganyan" malungkot akong ngumiti sakanya. "Hindi ako nasasaktan kung hahayaan mong ganyan ang buhay mo" doon tumulo na naman ang luha ko. Siya naman ang yumakap sakin. Kinalimutan kong nasasaktan din ako para hindi siya lalong masaktan. Kinalimutan kong kailangan ko siya dahil mas kailangan niya ko. Kinalimutan kong dapat pareho naming inaalagaan ang isa't isa at mas inaalalang mas aalagaan ko siya. Kinalimutan kong dapat kong intindihin ang sarili ko at mas tinatak sa isip na mas kailangan ko siyang intindihin. Binaliwala ko ang sakit emosyonal at pisikal dahil ayokong dagdagan yung sakit na meron siya ngayon. Masayahin siyang tao. Kaya isang dagok ang makita ngayon siyang ganito.

"Im sorry" bulong niya sakin. Iniiyak ko sa balikat niya lahat ng sakit at sama ng loob na naipon ko sa mahigit isang linggo niyang pagiging ganoon.

"Kaduwagan ang ginawa ko. At nakakahiyang ganto ako kahina sa harap mo." Hindi nakatakas ang lungkot at pait sa tono niya.

"Hindi masamang ipakitang mahina ka minsan. Pero sana wag kang magbigay ng dahilan para humina din ang mga taong handang magpalakas sayo." Gusto kong sabihin sayong mahinang mahina ako ngayon pero gusto kong ako ang maging lakas mo.

"Mahal kita...pero kung patuloy kang ganto. Nakakapagod maging Ako." Kitang kita ko ang sakit na dumaan sakanyang mga mata. "So please don't be like this. It's okay to mourn but don't let sadness ruin your life." Tumango tango siya saka ako niyakap.

"I love you... " bulong niya at tiningala ko siya. "God gave me you" saka niya ginaya si Alden richard. Nangiti na lamang ako.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now