Chapter 18

5 0 0
                                        

Chapter 18

Eijaz's POV

Nasamid na ako nang lumalim pa ang nangyari sa pinapanood. Nagpunta agad akong kusina at iniwan siya doon. Sumunod din naman agad siya.

"P-pinatay ko na yung tv" nauutal niya pang sinabi. "Papasok ka ba sa monday?"

"Oo naman. Okay nga ko ngayon, magluluto ako dito ka na maghapunan."

"Really?" A saw amusement in his eyes. Parang bata namn ngayon. Tumango lang ako at naglabas ng mga lulutuin.

"You need help? Pwede akong tumulong."

"Magsaing?" Agad kumunot ang noo niya.

"Saing?"

"Oo, hindi ka marunong-"

"Marunong! Marunong ako no! Asan ba?!" Agap niya.

"Pffft!, dun sa may bigasan" agad siyang pumunta sa tinuro ko na ikinatawa ko naman.

"What's funny?" Seryoso niyang usal.

"Seriously? Pupunta ka na don ng walang dalang kaldero? Ano sa palad mo ilalagay?" Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa kainosentehan niya.

"Eh san ba kase!" Sigaw na agad niya dahil napapahiya.

"Andon!!!" Mas malakas kong sigaw dahil sobrang pikon niya. Kumuha naman agad siya ng makita niya at pumunta sa tinuro ko kanina at bumulong bulong pa ng 'bigas' 'bigas' 'bigas'. Abnoy!. Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng bumalik siya at punong puno ng bigas ang kaldero na halos natatapon pa.

"Ano yan!"

"Bigas!" Taas noo pa niyang sinabi sakin.

"Alam kong bigas yan pero bat ganan?" Napipikon nako sa pinaggagawa niya. "Marunong ka ba talaga?"

"Badtrip! Ano ba kase?" Nakasimangot na siya habang nakayuko sa bigas.

"Ibalik mo don!" Ako na rin ang gumawa ng pagsasaing dahil halata namng hindi siya marunong. Naghihiwa nako ng gulay ng dumungaw uli sa tapat ko.

"Bat pala si tita wala pa?" Inosente siyang nanonood ng paghihiwa ng gulay.

"Minsan may pinupuntahan pa siya para sa trabaho niya."

"Madali ba yan?" Para siyang batang humahanga dahil sa paghihiwa.

"Hindi ka ba nagluluto sainyo?" Nagtataka kong tanong. Anlaki niya na ah!.

"N-nagluluto s-syempre! Hahaha" napipilitan pa siyang tumawa. Liar

"Tell me a lie" sinabi ko yun habang busy pa rin sa paghihiwa.

"Nag aaral pa lang ako magluto no!" Defensive niyang usal.

"Sinong nagluluto sainyo?" Curious kong tanong dahil hindi pa din siya marunong magluto.

"Si Nanay"

"Lola mo?"

"No. helpers"

"Rich kid"

"Si papa hindi ako" gulat akong napatingin sakanya nang hawakan niya ang magkabila kong balikat at sipatin ang muka ko. "B-bakit ka umiiyak?" Taka akong napatingin sakanya. Hindi ko na napigilang humagalpak sa pagtawa nang mapatingin sa sibuyas na hinihiwa.

"Ahh hahahahhah eto kase" turo ko sa sibuyas.

"Ako nga!" Kinuha niya sakin ang kutsilyo at nagsimulang maghiwa. Tuwang tuwa ko siyang pinanood. Hanggang sa magsimula na rin mangilid ang luha niya. Pabato niyang binitawan ang kutsilyo at pumuntang sala. Abnormal.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now