Chapter 5

9 1 0
                                        

Chapter 5

Mikelle's POV

Nang makarating sa Room ay pumwesto agad ako sa dulo. Iba't ibang usapan ang naririnig ko. Mukang mag eenjoy ako dito!. Malayo kay Dad! Malayo sa School na pag mamay ari namin. Ibig sabihin? MALAYA!.

"Sis Jaz!!" Sigaw ng babaeng kararating lang. Medyo may hawig silang dalwa mas maputi nga lang yung babaeng sumigaw. May pagkasingkit ang isa samantalang bilugan nga ang mata nung babae sa milktea shop at bus stop.

"Ay kaloka kilala mo ba yan?" Isang babaeng morena na sumisigaw sa pula ang labi.

"Hindi" napasulyap ako sa nagsabi non at ang tadhana nga naman. Kaya pala kaboses.

"Clienna sis!" Ngiting ngiting sabi ng kararating lang na babae.

Hanggang dito ay nakasimangot pa rin sya kunot na kunot ang noo. At umiikot pa rin ang mata. Ganon nalang ang pag ngisi ko ng maisip na araw araw kong makikita ang bilugan nyang mata na umiikot ikot sa sobrang pagtataray.

Nang mapasulyap sakin ay ganon na lang ang lalong pag kunot ng noo nya. Hahaha para talagang pinaglihi sa sama ng loob. Nang makitang tumayo sya ay tuwid akong umupo handang handa sa bulyaw nya.

Pero hindi pa naihahakbang ang paa at saktong dating ng Teacher kaya agad syang naupo.

"Goodmorning everyone. Im Mrs. Evangelista. And i will be your homeroom teacher. As for now. Magpapakilala kayo at bakit ito ang pinili nyong strand. At hindi mawawala kung anong talent nyo."

"Aghhh Ma'am naman!"

"Wag na ma'am"

"Oo nga Ma'am kilala na namin ang isa't isa high school palang" mga reklamo nila. Sinulyapan ko si sis jaz at nakitang halatang ayaw nya rin sa ideya ng teacher.

" May ilang transferree kaya gawin nyo nalang."

"Ma'am pano pag walang talent"

"Oo nga Ma'am wala akong talent" patuloy nilang reklamo.

"Kung ituro mo kaya sakanila pano iapply yang pagkakapal kapal mong kolorete sa muka."

"Ma'am naman di na mabiro." Napipilitang tawa ng babae.

"Kung ayaw nyo talaga. Ispell nyo ang pangalan nyo gamit ang nguso." "Mag start tayo sayo." Turo nya sa nasa unahan.

"Annyeong! Im Clienna . I take STEM strand because Im sure I will be a doctor someday. And this Strand will help me sa college. Hihi and im half korean." Kaya pala sobrang puti at singkit.

"Ohh!"

"Nice"

"Naol"

"Ahm wala akong talent eh. Nakakahiya. Ispell ko nalang name ko hihi."

Gusto ko nalang matulog sa sobrang boring ng ginagawa. Pero nang mapansing tumayo na si Sis jaz ay napatuwid ako ng upo.

"Hi-" halatang nahihiya siya. Marunong pala siyang mahiya eh ang taray.

"Go sis!" Sigaw nung babaeng kanina nya pa kasama.

"Ahh, Im Eijaz Mireille Constancia. I will taking Medicine in college and that's under of STEM and i will sing?"  Oh? Kakanta?. Mas okay sigurong ispell nalang nya pangalan nya hindi sya mahihirapan dahil lagi na syang nakanguso kakasimagot.

"Go ahead"

I am your ShadowWhere stories live. Discover now