Chapter 12
Eijaz's POV
Hindi na nawala ang ngiti ko nang makabalik sa classroom. Nawala din nang makitang natutulog lang si Vriene sa upuan niya, isang bagay na hindi niya gawain. Sinulyapan ko ang upuan ni Clienna ay wala pa din siya doon. Nang tignan ko naman si Mikelle ay nakaearphone lang siya at nakatingin sa labas ng bintana.
Naupo ako sa upuan ko nang nagtataka. Tinignan ko naman si Aiden na nakatingin sakin saka nag iwas ng tingin. Dumating ang panghapong guro namin. Sunod sunod ang pagdating kaya wala akong pagkakataon para kausapin si Vriene.
"Vriene! Teka!" Pagtawag ko sakanya dahil palabas na siya ng classroom samantalang nililigpit ko palang ang gamit ko.
"Emergency, nagmamadali ako" walang emosyon niyang sagot.
"Pero.." hindi ko tlaga maintindihan ang kinikilos niya ngayon. Kinakabahan ako sa pinapakita niya. Bestfriend ko na siya mula pa lang ng mag grade 7 kami kaya kilalang kilala ko na ang kilos niya.
"Okay lang" saka siya ngumiti na nakapag paginhawa sakin. Hinayaan ko na siyang mauna.
"Are you done? Let's go?" Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Aiden. Masaya kaming bumaba. Nang makarating sa parking lot ay ganon nalang ang excitement ko.
"Oh! I forgot my books sa locker. May sasagutan tayo don, kunin ko lang, okay ka lang dito?"
"Mm oo, antayin nalang kita dito." Kahit ata bukas ka na bumalik masaya pa din ako. Nang makaalis siya ay panay pa din ang ngiti ko kung saan saan. Parang sa sobrang saya ko ata ay kaya kong bilangin ang buhok ko.
Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita si Mikelle. Kumaway kaway ako sakanya pero parang hindi niya ko nakita. Kaya pinuntahan ko na siya.
"Hi!!" Masayang bati ko pero ni hindi man lang niya ko tinignan. "Lah! Oy mikelle" pagkalabit ko sakanya pero sinagi niya pa ang kamay ko. "Mi...koy....." pang aasar ko sakanya. "Ayy may dalaw si mikoy hahahaha" pero inirapan lang niya ko. Daig pa ko ah.
"Parang tanga nako ah! Bahala ka dan!" Pagkatalikod ko ay saka siya nagsalita.
"May usapan tayo ngayon di ba? Bat sinabi mong free ka! At sasama ka pa talaga" agad nangibabaw ang inis sa tono niya.
"Bat ka ba nagagalit? Tsaka wala ka namang sinabi na may usapan tayo! At kanina lang tayo naging magkaibigan ah!" Hindi ako nagpatalo sa inis niya.
"Ilang linggo ba dapat? Ilang buwan? Taon? Ilan? Ilan ang kailangan? Dapat ba sobrang tagal na? Tas pag matagal na pwede nang magalit pag di ka tumupad? At hindi tayo magkaibigan!"
"Eh ano ba?" Hindi ko siya maintindihan. Masyado siyang malabo. Magsasalita pa sana ako pero sumakay na siya sa sasakyan niya. At pinaandar yon.
"What are doing here? Andon yung sasakyan ko" pagturo niya sa pwesto namin kanina. Sumakit ang ulo ko kakaisip.
"Are you alright? Maputla ka" nag aalala niyang usal.
"Pwede bang next time nalang?" Nanghihingi ng unawang sabi ko.
"Sure, pero ayos ka lang ba?" Hindi pa rin nawawala ang pag aalala.
"Oum"
"Hatid na kita" pinikit ko lang ang mata ko habang nagmamaneho si Aiden. Hindi kami magkaibigan pero komportable na kami sa isa't isa? Kapag naman hindi namin natutupad ang usapan namin ni Vriene ay hindi kami nagagalit. Palaisipan ang ginawa niya ang kinikilos niya. Tsaka wala naman talaga kaming usapan sya lang ang nag iinsist. Samantalang ang sabi lang naman niya ay MAMAYA AH, anong malay ko sa ibig niyang sabihin.

YOU ARE READING
I am your Shadow
RomanceThis story is about a girl who suffering a braincancer at the young age. Experiencing different trials at a one time. She's also in broken family. She experience being fooled by her father in almost 16 years. Her mother died while thinking about her...