Chapter 22

7 0 0
                                        

Chapter 22

Eijaz's POV

"Next time nalang." Pampalubag loob ko sakanya. "Sa susunod pag hindi mo alam sabihin mo nalang. Hindi yung paimpressed ka pa." Nasa tapat na kami ng bahay namin matapos niya ko ihatid. "See you tommorrow!" Pumasok nako sa loob nang makita si mama na nag iimpake sa isang maliit na bagahe.

"Ma? Para san yan?"

"Kailangan kong lumuwas ng maynila. Sa lunes ang balik ko. Ayos ka lang ba mag isa dito?" Hindi makatingin niyang saad dahil sa pagmamadali.

"Mmm yeah. Bukas po pala debut ng kaklase ko. Pupunta ako." May ideya na si mama na kaklase ko si Clienna pero hindi niya alam na sya ang magdedebut baka hindi niya ko payagan.

"Sige. Kasama ba si mikelle?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Yes, why?"

"Bukod kay Vriene ay wala nakong pinagkakatiwalaan para sayo. Sakanya ka sumama ha! Sige na aalis nako, may mga groceries dan. Ikaw nang bahala huh." Nagmadali na siyang umalis.

Hindi ako makatulog kaya minabuti kong lumabas muna kahit disoras na ng gabi. Halos atakihin ako sa puso ng makita si Mikelle na nakaupo sa gilid ng gate namin! At pikit na! Lumapit agad ako sakanya at ginising siya.

"Anong ginagawa mo dan?!" Biglang tayo niya ng magising.

"W-wala namn" akma ko siyang aambahan ng suntok ng magsalita siya.

"Hindi pako nakakalis dito nung lumabas si tita at sinabing aalis siya at sa lunes ang balik. Wala kang kasama kaya umuwi muna ako para kunin ang susuotin ko bukas at dito na magpalipas ng gabi." Pahina ng pahina niyang sabi.

"Nasan yung dala mo?" Naiirita kong tanong sakanya. Nakanguso niyang tinuro ang sasakyan niya. "Oh eh bat di ka don umupo?"

"Baka makatulog ako!"

"Ano pupunta kang sabog bukas?!" Nakayuko lang siya halatang hindi din alam ang gagawin. "Tsk, pasok!"

"D-dito ako tutulog?"

"Ayaw mo ba?" Maarte kong tugon.

"Pwede ba?"

"Ano ba kaseng iniisip mo?"

"Wala naman" tuloy tuloy siyang pumasok pero bumalik din para kunin ang tuxedo niya.

"Dan ka sa sofa. Tutulog nako-"

"Hindi pa ko nakain" nakanguso niyang sabi habang nakayuko. Bwiset! Agad akong napangiwi sakanya.

"Ako talaga! Doon sa kusina! Kumain ka ng gusto mo! Mag bebeauty rest pako!" Padabog akong umakyat sa kwarto.

Laking pasasalamat ko ng hindi sumakit ang ulo ko. Nagising ako nang tumama ang sikat ng araw sa muka ko galing sa labas ng bintana. Nagmadali akong bumaba nang maalala kong dito natulog si mikelle. At nagdahan dahan ng malapit na sa baba. Ngunit hindi ko siya nakita doon. Isang maliit na sticky notes ang nakita ko.

"Morning! I'll pick you up later."

I am your ShadowWhere stories live. Discover now