Chapter 43

1 1 0
                                        

Chapter 43

Eijaz's POV

Nagising ako sa pamilyar na lugar. Hospital. Pinakiramdaman ko ang paligid.

"Mr. Constancia pwede na siyang maoperahan kung hindi pa din siya gigising sa ikalimang araw. Baka kase kumalat ang cancer nang hindi natin nalalaman." Rinig kong usal ni Doctor Aguilar.

"Hindi muna ba pwede siyang makausap. Baka gumising na siya. Nihindi niya pa alam ang tungkol sa mama-" nahinto si papa sa daglian kong pagbangon sa pagkakahiga.

"Anak-"

"Si mama?" Nag aalala kong usal.

"Mireille." Umiiyak na tawag ni Clienna. Nagsimula nakong mangamba naalala ang mga sinabi ng babae sa kabilang linya. Nagsimula na din mangilid ang luha ko.

"Asan ang mama ko?" Mahina kong tanong

"Mauna na muna ako Mr. Constancia." Paalam ng doctor.

"Mireille anak-"

"Asan ang mama ko?"

"May masakit pa ba sayo-"

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Si Mikelle? Siya ang tatanungin ko. Hindi yun magsisinungaling"

"Im sorry anak"

"Asan ang mama ko!"

"She's not here Mikay." Agad akong napalingon nang magsalita si Mikelle na kakapasok lang. Agad lumapit sakin at niyakap ako.

"Mikelle hijo. Ikaw nang bahalang magsabi. Lalabas muna kami." Paalam ni papa na inakay si Clienna.

"Asan ang mama ko mikelle?"

"Bakit hindi mo sinabi?" Nagtataka ko siyang tinignan at nanlaki ang mata ng marealize kung anong tinutukoy niya.

"Bakit hindi mo ko binigyan ng pagkakataon para alagaan ka?" Mahina niyang usal. Ngunit nakatakas ang mahinang hikbi.

"Im sorry" umiiyak ko ding tugon. "I want ti see my mom"

"The night you've got into accident she's already died." Umiiling kong pag iyak

"Cremated. Nabangga ang sasakyan ni tita. Wala agad nakarescue kaya sumabog ang sinasakyan niya-"

"Stop. You're lying" agad niya kong niyakap sabay kaming umiyak sa balikat ng isa't isa. Bumitaw lamang kami ng pumasok muli si papa at si Clienna. Kitang kita ang pamumugto ng mata ni Clienna. Ganon nalang ang pagtitig ko sakanya ng maalala kong magkasama sila ng gabing iyon na aalis sila.

"Clienna" lumapit agad siya sakin at niyakap ako.

"Im sorry" hagulhol niya.

"Hindi ba kayo magkasama sa isang sasakyan ni mama? Hindi ba't magkasama kayo"

"Mireille" tawag ni papa.

"Im not blaming her. Im asking her."

"M-magkasama kami ni tita sa tagaytay. Pero nag paalam siyang magccr. Tumawag si papa at may sinabi tungkol sa check up sayo. Hindi ko alam na narinig pala ni tita. Tinanong niya ko kung anong check up yon. Napressure ako dahil nagagalit na siya. Wala akong nagawa kundi sabihin sakanya. Nagmadali siyang umalis at naiwan ako doon. Nalaman ko nalang na naaksidente siya-"

"Dapat ay hindi mo sinabi!" Sigaw ko. "Bakit kailangan sakin lahat! Bakit kailangan ako lahat?! Ang sakit sakit na eh!" Umiiyak kong usal.

"Sobrang sakit ng lahat sakin. Naaksidente ako. Namatay ang mama ko ng dahil sakin!"

"No stop blaming yourself" wika ni papa.

"Magigising ako na ganto. Hindi ko man lang nayakap si mama kahit..  kahit abo niya wala." Walang tigil ang luha ko. "Kailangan ko ng operahan di ba?" Tumango si papa.
"Posibleng mawala ang ilan sa alaala ko di ba?" Kunot ang noo nilang napatingin sakin.

"Magpapaopera nako. I want to forget. I want to forget the pain"

I am your ShadowWhere stories live. Discover now