Chapter 23

7 0 0
                                        

Chapter 23

Eijaz's POV

Mabilis lumipas ang oras. Nag aayos nako ng buhok ng tumawag si Vriene.

"Hello sis. On the way nako kila Clienna! You?"

"Im not done yet."

"So mauna nako?"

"Sure" Im wearing a sleeveless red cock tail dress. It's above knee in front and slighty longer at the back and a black stilettos.  
Iniwan kong ladlad ang buhok pero kinulot ko ang dulo. I put light make up. I almost done when someone knock on the door. When i open it. Mikelle standing with his gorgeous body.

"Ready?" Tumango lang ako at lumabas na. Siya ang naglock ng pinto at inalalayan ako papasok sa sasakyan niya. As i expected. He's smiling the whole ride. Sinalubong agad kami ng mga kaklase.

"Kayo ah lagi kayong magkasama" nanunuksong asar ng iba. Mapanuksong tingin din ang binigay ng ilan pa. Magsasalita na sana ako ng dumating si Clienna. She look so elegant with her Red Long Gown. And look more gorgeous with her sweet smile.

"Hi! Im so glad na andito kayong lahat!" Nagkaroon lang ng konting usapan bago magkanya kanya. Mahigit dalwang oras na akong nakaupo dito hindi ko pa din nakikita si Vriene. Mikelle's busy talking to his friends. Kanina pa nagstart ang program. Natapos nalang ang 18 roses at iba pa pero hindi ko pa din nakikita si Vriene. May mga couple nang nagsasayaw. Napatingin ako kay Mikelle nang tumayo siya at lalapit sakin. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko nang lingunin ay nakita kong nakangiting nakatingin si Aiden sakin.

"Let's dance" matamis na ngiti niyang usal. Nang lingunin ko si mikelle ay nakaupo na ngunit nananatiling nakatingin sakin kinakausap siya sa katabi ngunit nasakin ang paningin. Naputol lamang ang tinginan ng bahagyang hilahin ni Aiden ang kamay ko. Huminto ang kanta. Puwesto kami sa gitna, he put my hand in his shoulder, and he slowly hold my waist. When the song play again. A sweet version.

🎶You know i want you, It's not a secret I tried to hide.🎶

🎶I know you want me, so don't keep saying our hands are tied🎶 nakatingin kami sa isa' t isa. Walang imikan habang nagsasayaw. I feel like it's awkward.

🎶You claim it's not in the card, fate is pulling you miles away. And out of reach from me, but you're here in my heart, So who can stop me if i decide that you're my destiny?🎶 unti unti siyang lumapit at pinatong ang baba sa balikat ko.

🎶What if we Rewrite the stars? Say you were made to be mine. Nothing could keep us apart. You'd be the one I was meant to find.🎶  bulong niyang sinasabayan  ang kanta. Natapos ang sayaw ng ganon ang ayos namin. Hinatid niya ako sa dati kong upuan ng hindi nagsasalita.

Hindi ko na talaga nakita si Vriene. Hindi na kami nakapag usap ni Mikelle pagkabalik ko matapos isayaw ni Aiden. Pauwi na kami ng napadaan sa pwesto nila Clienna na masayang nagtatawanan. Nagulat ako ng marinig ang boses ni papa.

"Mireille anak! Andito ka pala" sabay lapit at yakap sakin ni papa. Nanlalaki ang mata ko bahagya siyang naitulak. Ngunit hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko at nakangiting humalik sa pisngi ko. "Mabuti at pumunta ka!" Dinig ko na ang bulungan ng mga kaklase at ilang kakilala.

"Clienna sabi mo daddy mo siya? Pano siya naging daddy ni mireille?" Natatawa at nang uusisang tanong ni Chloe. Humarap si papa sakanila at inanunsyo ang pinakaayaw kong malaman ng iba.

"Anak ko silang pareho!" Masaya niya pang anunsyo. Agad dumami ang bulungan. Nangingilid ang luha kong tumalikod at napaharap kay Mikelle na may nang uunawang tingin. Tinalikuran ko silang lahat at nagmamadaling tumakbo.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now