Chapter 50

3 1 0
                                        

Chapter 50

Eijaz's POV

Sabay kaming papasok ni Mikelle. Sunod sunod din kaming magkasama dahil halos pareho kami ng schedule. Nang magkita naman kami ni Feith ay nag apologize siya. Inamin niyang gusto niya si Mikelle pero hindi naman daw niya sinasadyang magkasira kami o may hindi kami pagkakaunawaan ni Mikelle at ayos na kami ngayon. Nakaalis na rin si Aiden dahil magsisimula na ang klase doon. Si Vriene naman ay nakausap ko na din. Nagkapatawaran na kami. Kala Papa nako nakatira dahil wala akong kasama sa bahay pero paminsan ay doon pa din naman ako tumutuloy. Isang buwan na ang lumipas mula ng operasyon naging maayos na ang lagay ko. Hindi na masyadong sumasakit ang ulo ko minsan nalang kapag sobrang pagod. Naghihilom na din ang sugat tanda ng operasyon. Naalala ko na din lahat.

"Ihahatid na kita sa bahay niyo" usal ni Mikelle.

"Dadaan pa muna sana ako kay mama" napasulyap siya sakin inaalam kung ayos lang ba ako. Natatawa na lamang ako sakanya. Alam na alam ko ang ganyang mga tingin niya. Masyadong nag aalala. Tumango ito nang mapansing ayos lang ako.

"Nakakahabol ka ba sa mga subjects mo?" Tanong niya.

"Oum medyo nahihirapan nga lang" hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko naman siyang inirapan. "Hirap ka bang humabol sa mga subject mo? Dahil sa mga absent mo?"

"Hindi naman".

Nang makarating kami ay agad akong lumapit sa pwesto ni mama.

"Hi Ma!. I miss you po! Nag aaral po akong mabuti. Promise. Sobrang magaling napo ako" naluluha kong usal gayong masaya lamang ako.

"Gagraduate ako para sainyo. Para sakin. Para sa Future ko. Stay strong kami ni mikelle hahaha" naramdaman kong niyakap ako ni Mikelle. "Kumusta dan? Maganda ba dan?." Naalala ko kung paano ako alagaam ni mama. Kung pano siya mag alala.. kung gano niya naipaparamdam na mahal niya ko. Nagpalipas lang kami ng ilang oras doon at umalis na din.

"Parang kaylan lang ay senior high school tayo" usal ni Mikelle. Totoong ang bilis ng panahon. Noon ay tinitiis ko ang sakit ngunit ngayon ay maayos na lahat. Patuloy parin ang treatment pero pinili kong tatlong beses nalang sa isang buwan. Ayaw ni papa ngunit wala silang magawa dahil iyon ang gusto ko.

Kinabukasan isa sa araw na ititreatment ako. Saktong nandon din si Dr. Aguilar. Chineck up niya ulit ako. Mag isa kong hinihintay ang result ng test ni Dr. Aguilar dahil ayokong umabsent na namn siya sa klase sinabi kong nauna nako sa School. Ngayon din kase ang Anniversary namin. Gusto siyang surpresahin. Ngunit ako pala ang masusurpresa.

"Ms. Constancia. Im sorry pero may nakita akong panibagong tumor sa utak mo." Usal nito na kinatigil ko.

"Pero successful ang operasyon"

"It's have a tendency talaga na bumalik ang brain tumor kahit na succesful ang surgery tinatawag itong recurrence."

"A-anong mangyayari sakin?"

"Titignan pa kung pwede ulit tong operahan." 

Tulala ako habang pauwi. Kanina ay nagtataka kung bakit walang tumatawag o naghahanap sakin ngayon ang gusto ko pang mag isa. Imbis na kila daddy tumuloy ay sa bahay ako umuwi. Bahay namin ni mama. Ganon nalang ang gulat ko nang makita si Mikelle na nakangiti habang may bitbit na bungkos ng bulaklak at may mga lobo na lumilipad. May isang cake at isang malaking teddy bear. Naluluha ko siyang tinignan.

Akala ko tapos na.

Akala ko happy ending na.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now