CHAPTER 1

2.2K 125 23
                                    

MEI'S POV

"'Attention! Attention to all students! Please look out for Mei Yezidi! I repeat! Please look out for Mei---!'"

"M-M... Mei?"

Nanlalaking mga mata ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lamang sa classroom. Nakakabinging katahimikan ang namayani habang lahat sila ay natitigilang tumitig sa akin. Tila ba panandalian silang nawala sa reyalidad, hindi makapaniwala sa nakikita.

Unti-unting tumaas ang sulok ng aking labi. Walang ibang maririnig kundi ang yapak ng aking marurungiIs na sapatos sa makailang hakbang ko papasok sa loob ng silid.

"S-Si Mei..." Nanginginig na mga tuhod at kamay akong tinuro ni Wendy na siya pa mismong nagbukas ng pintuan pagkakatok ko kanina.

Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa gulat, ang kaniyang mga labi ay tinakasan ng dugo sa pamumutla.

"Hm?" Nakalolokong ngisi ang pinakawalan ko habang may naglalarong tingin ko siyang tinitigan.

Walang umimik, walang nakapagsalita, wala maski paghinga ang naririnig. Lahat sila ay hindi nakabawi sa gulat at pagkabigla. Subalit para lamang dinaanan ng anghel, makalipas ang ilang segundo ay nakakabinging sigawan ang sumakop sa buong silid at tila ba'y sabay-sabay silang tinakasan ng bait.

"Aaaaaaaaah!!"

"M-Mei! Si Mei! Nakikita ko si Mei!!!"

"Tangina?! A-Anong..."

"B-Buhay... buhay... buhay siya?!!"

Humangin nang pagkalakas-lakas na tinangay ang puting kurtina sa kinakalawang na bintana. Bumagsak si Wendy sa maalikabok na sahig habang nanlalaki pa rin ang mga matang nakatingala sa akin. Kitang-kita ko ang panginginig niya, maging ang panlalamig niya ay nararamdaman ko.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nagkakagulo ang aking mga kaklase, ang iba'y tumakbo sa pinakadulo ng classroom at doon nagsiksikan. Habang ang iba nama'y gustong lumabas ng silid, subalit iisa lamang ang pintuan na kung saan ako naroroon. Nakaloloko akong ngumisi at tinadyakan ang pinto upang sumara. Lalo silang nagsipag-sigawan sa takot.

"T-Tawagin ninyo si Dead Chicago!!"

"Aaaaaaaaaaaaaah!!!"

"Imposible! H-Hindi 'to pwedeng mangyari! M-Matagal na siyang... patay!"

Dahan-dahan kong nilapitan si Wendy na hindi na nakagalaw pa sa kaniyang kinalalagyan. Nilahad ko ang aking kanang kamay para sana siya'y tulungang makatayo.

"Tumayo ka..." Ngumiti ako sa kaniya. "Wendy."

Namula ang kaniyang mga mata, kasabay niyon ang pangigilid ng kaniyang mga luha. Mabilis na kumibot-kibot ang kaniyang labi at sa wakas ay malakas siyang napahagulgol.

Naitabingi ko ang ulo. "Wendy?"

Paatras siyang gumapang sa sahig sa halip na abutin ang aking kamay. Nanginginig, takot na takot at pabilis nang pabilis niyang iniling-iling ang kaniyang ulo. Unti-unting nawala ang aking ngiti sa pabilis na pabilis niyang paggapang papalayo sa akin hanggang sa mauntog ang katawan niya sa pader.

"AAAHHH!!!" Sumabunot siya sa sariling buhok habang pasigaw na humahagulgol.

"--?"

Lumakad ako sa sentro ng classroom at pinagmasdan ang lahat. Walang pinagbago, sila-sila parin, magmula noon hanggang ngayon. Walang nabawas, walang dumagdag... at wala paring namamatay.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now