CHAPTER 49

426 54 20
                                    

FREON'S POV



Nang mapagod ako sa paghahanap kina Eunecia at Wendy ay nagtungo na muna ako sa dormitoryo. Hindi ko sila matagpuan at halos mag-iisang oras na naman ang lilipas. Nahanap na kaya sila ni Mei? Baka naman magkasama na ang mga iyon ngayon?

Naagaw ang atensyon ko nang matagpuan ko si Fenriz na palabas nang dorm. Napahinga ako nang maluwag nang makitang wala siyang bitbit na kahit anong bag o maleta. Pero hindi pa rin panatag ang loob ko dahil alam kong aalis na siya!

Hinintay ko siyang makalapit sa akin at saka ako sumabay sa paglalakad niya. "Totoo na ba 'yan? Aalis ka na ba talaga? Wala nang atrasan 'yan?" Pangungulit kong tanong sa kaniya.

Nanlulumo siyang bumaling sa akin habang nasa kalagitnaan kami nang paglalakad palabas ng dorm. Parehong bagsak ang mga balikat namin at bakas ang lungkot sa itsura.

"Alam mo naman ang sagot diyan, Freon." Nakanguso niyang tugon sa akin.

Nagpakawala ako nang mabigat na hininga. "Kung gano'n... wala na akong makakasama?" Para akong maiiyak.

"Huwag kang mag-alala... kahit anong mangyari, makakalabas din kayo ng buhay dito ni Eunecia nang hindi niyo na kailangang maghintay ng ilang taon." Seryoso niya 'yong sinabi.

Napahinto akong bigla sa paglalakad at napalunok. "Dahil sa papa mo? M-Magagawa mo 'yun?!"

Nahinto rin siya sa paglalakad at ngunot noong tumitig sa akin. "Bakit hindi?"

"A-Ang lakas naman ng dugong nananalaytay sa inyo, Wolfie! Kaya pala minsan ay bigla-biglang lumalabas 'yang pagkahalimaw mo ay dahil nasa dugo niyo na ang pagiging halimaw."

Sumama ang mukha at walang salitang tinalikuran ako. May ngisi naman akong humabol sa kaniya at umakbay. Nagpatuloy kaming maglakad sa hall way. Sandaling nanaig ang katahimikan nang makita kong malalim ang iniisip niya.

"Huy!" Siniko ko siya sa tagiliran.

Pabuntong hininga siyang tumingala. "You know what? My dad killed hundreds of people. He can kill someone without blinking, without hesitations." Yumuko siya at ngumuso. "Gaya na lang nang nakita ko kay Mei noon."

Suminghal ako at huminto sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin siya. "Hindi lang rin naman 'yung tatay mo o si Mei ang gumagawa ng bagay na iyon, Wolfie. Halos lahat ng estudyante dito sa Moorim ay nakapatay na o hindi kaya'y papatay na. Maging ako, si Eunecia, at pati si Wendy." Paliwanag ko sa kaniya. "Kinakailangan namin iyon para maka survive."

"Tsk. Pero isang kasalanan ang kumitil nang buhay." Nagpakawala siya nng malalim na hininga.

Tinapik ko ang balikat niya nang makita kung gaano kalungkot ang mukha niya. Tipid akong ngumiti. "At darating din ang araw na ikaw naman ang kailangang pumatay, Wolfie. Para mailigtas ang sarili mo at mga taong mahalaga sa'yo."

Malungkot siyang ngumiti. "If that happens.. Magiging ibang tao na rin ba ako? Magiging halimaw gaya nang pamilyang pinagmulan ko? Kung papatay ako, hindi na ba ako, ako?"

Bahagya akong tumawa at ginulo-gulo ang buhok niya. "Syempre hindi. Gaya lang din ni Mei. Tanggap mo siya kahit gano'n ang gawin niya. Tanggapin mo rin ang sarili mo kung ayun din ang gagawin mo balang araw. Dahil kung anuman ang nagtutulak sa'yo para gawin ang isang bagay, hindi iyon basehan ng pagiging ikaw. Alam mo sa sarili mo kung sino ka. Kung ano ka talaga. At naniniwala ako na kahit na pumatay ka pa sa harapan ko.. ikaw pa rin 'yung asong lobo na nakilala ko."

Tipid siyang napangiti sa mahaba kong sinabi at unti-unti pang lumaki ang pagkakangiti sa labi. "Alam mo, Freon? Sa maikling panahon na kasama kita, ngayon lang ako nakarinig ng maganda mula sa'yo."

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now