FENRIZ'S POV
"Wolfie, anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Freon nang makarating ako sa quadrangle.
Umamba akong sasagot nang dumating si Sir Dan at akbayan ako. "Kasapi na natin siya, Villa Gonza." Tugon nito sa kaniya.
Bumakas ang gulat sa mukha ni Freon."Huh? Pero... Bakit? Paano?" Napakamot sa batok si Freon.
"Anong problema? Mukhang namang ayos 'tong si De Calvacante. Magsisimula na ang ensayo, tingnan natin ang galing mo, ayos ba?" Tinapik-tapik niya ang likod ko.
"Yes, sir!" masunurin ko pang tugon.
Lumipat sa ibang mga estudyante si Sir Dan para kausapin sila. Sinundan ko siya ng tingin bago hinarap si Freon na hindi makapaniwala. "Pasaway ka talaga!" Asik niya at binatukan ako.
"Ano ba!"
"Gagoka! Hindi mo alam ang pinapasok mo, Wolfie! Gusto mo na bang mamatay?!"
"Maglalaro lang ako ng soccer!"
"Pero hindi 'to ordinaryong laro! Patayan 'to! Arrgh!" Pinagtulakan niya ako. "Umalis ka na habang maaga pa. Hindi ko masasalo ang pwet mo dito dahil kailangan ko ring bantayan ang pwet ko!"
"Ano bang!" Nagpumiglas ako. "Ano bang pinagsasabi mo! Alam ko naman, okay? Sinabi na sa'kin ni Mei kung ano ang meron dito."
Napahawak siya sa baywang. "Tapos? Bakit nandito ka pa rin?"
"Dahil gusto kong sumali at nag-usap na kami ni Mei tungkol dito!" Napanguso ako at bumulong. "Nag-away pa nga eh..."
Nasapo niya ang noo. "Hindi mo kasi naiintindihan, 'yung magiging mga kalaban natin ay--"
"HALINA KAYONG LAHAT!" Malakas na pagsigaw ni sir Dan na nagawang tabunan ang lahat ng boses ng mga kalalakihan. Lahat kami na nasa quadrangle ay napalingon sa kaniya. "Lapit na rito sa'kin! Lapit!"
Sinamaan ako ng tingin ni Freon at hinampas ang pwet ko. "Humanda ka!"
Napanguso ako at sumunod sa kaniya sa paglalakad patungo sa gitna. Lahat kami ay nakasuot ng kaswal na kasuotan. Nakahanda na rin ang maraming mga bola ng soccer na nagkalat sa damuhan.
Pumito siya at ginaya namin ang warm-up na ginagawa niya. Sunod naman ay pinatakbo niya kami sa buong field ng hindi mabilang ulit. Panay ang pagalit sa akin ni Freon at hindi ko na lang siya pinapansin. Hindi agad ako napapagod, nasanay na ang istamina ko tuwing may klase kami at pag-eensayo ng paggamit ng iba't-ibang armas, kaya naging magaan din ang pangangatawan ko sa mabibigat na gawain.
"Magandang sipa, De Calvacante! Isa pa!" Pumito siya. Mabilis at malakas akong bumwelo upang sipain ang kaharap na bola, deretso itong lumipad sa gitna ng net. "Isa pa!" Hirit niya ulit kasabay ng paghagis ng bola sa paanan ko.
Akma akong sisipa nang matigilan ako dahil nahagip ng paningin ko si Mei Mei mula sa malayo. Tinaas niya ang isang kamay at ginawang letter L ang daliri saka pinatong sa kaniyang ilong---Loser.
Napaintag ako sa pagkabila at hindi malaman kung anong mararamdaman ko. Nagkatampuhan kami pero inaasar niya ako ngayon!
Nag-iwas ako ng paningin at malakas na sinipa ang bola na muling pumasok sa net. Tumakbo ako sa likod na pila para naman sa kasunod kong sisipa at tiniis ang sarili na hindi pansinin si Mei.
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...