CHAPTER 3

1.1K 90 4
                                    

MEI'S POV

Pinulot kong muli ang pala na nakakalat sa lupa. Nagsimula akong dumakot ng mga kumpol na mga lupa at ibinalik sila sa dating puwesto gamit ang pala na iyon.

Humangin ng pagkalakas-lakas at tanging ang kaliskisan lamang ng mga puno ang maririnig sa gubat. Sapagkat malalim na ang gabi at tirik na tirik na ang bilog na buwan ay ganoon na lamang kalamig ang panahon.

Pinalo-palo ko ang pala sa lupa upang pantayin ang pagkakaayos ng aking libingan. Saka ko muling binalingan si Sir Danilo na duguan ang leeg dahil kakabaon ko lamang ng pala roon. Halatang wala na siyang buhay na nakalatay sa lupa.

Napailing-iling ako. Sino ba kasi nagsabing pakialamanan niya ang hukay ko? Nang nag-iisa? Tuloy hindi na siya makakasigaw magmula ngayon.

Binaba ko ang pala nang makuntento. Sinabunutan ko ang buhok ni Sir Danilo saka siya kinaladkad sa lupa.

Maraming guwardiya ang nagiikot-ikot tuwing gabi dahil may karpiyo. Sa oras na may mahuling gumagala sa takdang oras na alas siete ay may kaakibat na parusa. Subalit ang mga guwardiya ay hindi umiikot sa kailaliman ng gubat sapagkat maraming mga hayop gaya ng ahas ang bigla-biglang sumasalubong sa iyo.

Nang matapos ko ang ginagawa ay kaagad akong bumalik sa sariling dormitoryo. Walang tunog kong binuksan ang pintuan at pinagmasdan ang lugar. Kakatawa na ibinigay nila sa akin ang kaparehong silid. Apat ang kama sa loob na taas-baba. Naramdaman ko ang nangingilabot na paghinga ng isang tao roon.

Bagamat nakapatay ang ilaw at nakatalukbong siya ng puting kumot ay batid kong gising na gising siya. Sino nga naman bang makakatulog kung ako ang kasama?

Eunecia.

Sandali akong nagtaka kung nasaan si Wendy? Subalit mabilis kong napagtanto na mayroon nga pala siyang sariling kwarto sa loob ng eskwelahan. Palibhasa'y anak ni Dean Chicago ay ligtas na nakakapagtago.

At malamang ang dati naming isang kasama ay patay na. Kung kaya't si Eunecia lamang ang nag-iisang tao sa loob maliban sa akin. Hmm...kaawa-awa.

Nahiga ako sa katapat niyang kama sa ibaba at pinikit ang aking mga mata.

KINABUKASAN, iminulat ko ang aking mga mata at kaagad na ginayak ang sarili. Suo-suot ang bagong huniporme na puting pambabaeng malaking polo na may mahabang manggas at itim na sayang pang-ibaba, matagal kong tinitigan ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay sinuot ko na ang itim na sapatos at lumabas sa dormitoryo.

"AAAAHHHH!!!"

Malakas na sigaw ang bumungad sa aking umaga. Tumaas ang sulok ng aking labi sa ganda ng tanawin. Nagkakagulo ang mga estudyante at sari-saring usapan ang siyang nangingibabaw.

Mula sa gusali ng silid-aralan ay nakasabit ang ulo ng isang tao sa pinakatuktok ng limang palapag. Lahat ay nakatingala upang usisain kung kaninoong ulo iyon bagamat burado na ang pagmumukha.

"Wala pang katapusan, pero may patay na agad!"

"Parusa ang katapat nito!"

"Tangina! Kaninong ulo naman kaya 'yan?!"

"Bantayan niyo ang mga kasama niyo kung may nawawala!"

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now