CHAPTER 37

355 52 0
                                    


MEI'S POV

Napamulat ako ng mga mata nang makarinig ng ingay na nagmumula sa banyo ng aming kuwarto. Naputol ang tulog ko at agad akong napabangon. Deretso akong tumayo upang alamin kung ano ang nangyayari. Mula sa loob ng banyo ay umalingawngaw ang paghikbi ng pamilyar na boses. Sunod-sunod na pagsuka ang narinig ko at nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin ang nanghihinang si Wendy.

"Wendy." Agaw pansin ko sa kaniya.

Tiningala niya ako nang may nangungusap na mga mata. Sa puntong ito ay hindi ko mahuhulaan kung ano ang nangyayari sa kaniya.

"M-Mei..." Wala pa man ay nag-unahan nang tumulo ang kaniyang mga luha.

Hinakbang ko ang aking mga binti upang lapitan siya. Lumuhod ako upang magpantay kaming dalawa at hindi ko inaasahang sasalubungin niya ako ng mahigpit na yakap. Sa leeg ko ay panay ang iyak niya na parang nagsusumbong na bata.

"B-Bakit gano'n... bakit ganito ang nararamdaman ko? M-Mei... tulungan mo ako.. P-Pakiramdan ko may mali sa tiyan ko!! T-Tulungan mo 'ko..." Lumakas ang paghikbi niya sa akin. Ilang beses akong napakurap at kusang gumalaw ang aking mga braso upang ikulong siya sa aking mga bisig. "T-Tama ka... tama ka sa lahat, Mei.." Binaon niya ang sarili sa akin. "Alam ko kung paano gawin ni dad sa iba ang nangyari sa akin! N-Nasaksihan ko lahat ang kahayupang ginawa niya sa mga estudyanteng babae!!"

Kumalas siya at humarap sa akin. Halos natatabunan na ng maitim niyang mga mata ang kaayusan ng mukha niya. Ang laki ng binagsak ng katawan niya. "M-Mei.. h-hindi ko na alam ang gagawin ko.." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Wala akong matakbuhan... si d-dad... hindi ako makapagsumbong... dahil ganundin siya!!"

Nanginig ang mga labi niya at panay ang pagbuhos ng mga luha. Alam kong gustong-gusto niya pang magsumbong sa akin. Ngunit kada bukas niya ng labi ay wala na siyang maibahagi. Nauunahan siya ng hikbi at panginginig. Naghintay ako at hindi umimik hanggang sa muli siyang magsalita. "L-Lagi lang akong nagkukulong sa kuwarto ko..." aniya. "Natatakot ako na maulit ang nangyari sa akin. At g-galit ka rin sa akin, Mei.. Natatakot ako na baka may gawin ka sa akin..."

NAgdurugo na ang kaniyang leeg dahil sa labis niyangpagkalmot doon. Ang galit at sama ng loob ay bumabakas sa kaniyang itsura. "Hindi ko magawang sabihin kay dad ang nangyari sa akin. W-Wala na akong malapitan." Tumingin sa mga mata ko. "P-Patawarin mo ako, Mei... Patawarin mo ako."

Nag-iwas ako ng tingin at nanatiling walang imik. Hindi ko aakalaing mapapabilis ang pagtuklas niya sa katotohanan. "Isang araw.." Hinawakan niya ang kaniyang tiyan. "Lagi akong nagsusuka... patulog-tulog at ang sakit-sakit ng katawan ko..."

Napatingin ako sa mga tiyan niya at sinalubong ang nangungusap niyang mga mata. Gamit ang hinlalaking daliri ay pinunasan ko ang namumuong luha niya. "Hindi kaya'y buntis ka?"

Umiling-iling siya. "H-Hindi.. hindi pwede! Ayaw ko! Hindi pa ba sapat na nagalaw nila ako?! B-Bakit ganito... bakit?!!!" Mabilis ko siyang niyakap at hinayaan siyang umiyak ng umiyak sa aking balikat. "M-Mei.. tulungan mo 'ko.. hindi ko na kaya!"

Ilang minuto ang lumipas. Nakatulog nang umiiyak si Wendy sa mga bisig ko. Binuhat ko siya at maingat na hiniga sa kaniyang kama. Pinalitan ko ang basa niyang kasuotan at pinunasan ko ang marka ng luha sa kaniyang mukha. Pagkatapos siyang makumutan ay lumabas ako ng dorm.

Mula sa kalayuan ng pangalawang soccer field ay tanaw ko ang lalaking may pakana ng lahat. Walang lingon-lingon at malalaking hakbang akong naglakad patungo sa kanila. Akma niyang sisipain ang bola nang mabilis akong kumilos upang sipain ng malakas ang binti niya dahilan upang gulat siyang mapabaling sa akin.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now