CHAPTER 12

585 65 0
                                    


FENRIZ'S POV

"Sa wakas!" Matagumpay kong usal. "Nahabol din kita! Mei Mei!"

Matamis na ngiti ang binigay ko kay Mei habang napangiwi naman ang kaniyang labi. Napapailing siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad at agad akong sumunod.

"Bakit mo naman ako iniwan? Sabi ko sabay na tayong mag-dinner, 'di ba? Akala ko ba pumayag ka!" Nangungulit kong anas.

"Hmm..." Padaing naman niyang tugon.

"..."

Isang linggong pangungulit kay Mei at hindi pa nag-iimprove ang bond namin! Tuwing kausap ko siya para lang akong kumakausap sa hangin. Mas okay pa ngang kausapin ang sarili ko dahil ako tumutugon sa sarili ko, siya hindi!

Napanguso ako habang sumasabay sa mabagal niyang paglalakad. "Dahil iniwan mo 'ko kanina, may baliw na babae ang umatake sa'kin! Tingnan mo ang uniform ko---nalukot! T'saka ang sakit ng likod ko dahil hinampas niya ako sa pader--!!"

Kusa akong natigilan nang hawakan niya ang magkabila kong braso at agresibong pinaharap sa kaniya! Nagulat ako sa kakaibang lakas niya! Para lang akong stuff toy na kinontrol niya ng gano'n-gano'n lang!

Napaubo naman ako at bahagya kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Mataas ang tangkad ko kay Mei, halos hanggang balikat ko lang siya kahit pa may katangkaran din siya para sa isang babae. Sa tuwing kakausapin ko ay kinakailangan kong yumuko para hindi na siya mahirapang tumingala.

Inusisa niya ang katawan ko at napakalamig na sinalubong ang mga mata ko. Gano'n na lang kadilim ang mga mata niya na para bang aatake kahit ilang segundo!

"Sino?" Kasing-lamig ng boses niya ang itsura niya ngayon!

"M-Mei Mei..." Hindi ko maiwasang panindigan ng mga balahibo.

"Sinong may gawa?"

Sunod-sunod akong napalunok at natatarantang nagpaliwanag. "B-Babae hindi ko kilala! K-Kasing-tangkad mo... may pagka-mahaba ang buhok tapos medyo may hawig sa'yo pero 'yun mukhang mayabang sabi niya kilalanin ko raw siya! Ano pa---nakalukot 'yung mukha, may galit sa'kin kesyo sinusundan ko raw siya kahit hindi naman!" Hiningal ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang dumiin ang pagkakakapit niya sa magkabila kong braso.

"Mei Mei?" Agaw pansin ko nang hindi siya gumagalaw.

Sinamaan niya pa ako ng tingin! "Kung susunod ka lang din sa'kin, ayusin mo nang hindi ka nasasaktan!"

Natigilan ako at muling napalunok. Kahit mukha siyang galit ay bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Nag-aalala ba siya dahil kapag namatay ako, nadadamay siya... O nag-aalala siya dahil may gusto siya sa'kin?

Hindi maiwasang mag-init ang mga pisngi ko! AHH!

Nangunot ang noo niya. "Ayos ka lang? Bakit pinamumulahan ang mukha mo?"

"Ha!" Napatayo ako ng tuwid at kumawala sa dalawa niyang kamay sa magkabila kong braso. "Okay lang ako! M-Mainit kasi!"

Bumalik ang walang emosyon niyang mukha. "Mukha kang tanga."

"Hoy! Anong--"

"Kapag naulit pa na masaktan ka ng iba, hindi na kita poprotektahan sa katapusan." Banta niya pa!

Nanlaki ang butas ng ilong ko. "B-Bakit kasalanan ko pa?! Victim blaming! Ako na ngang nasaktan, ako pa ang may kasalanan?"

"Ang gusto kong sabihin ay huwag kang umaaktong madaling masaktan ng iba. Malalaman nila sa mga susunod na araw na kargo kita. Kung ipapakita mo 'yang pagiging lampa mo, ano na lang ang maaari nilang gawin sa'yo habang nakatalikod ako?"

Napatulala ako sa kaniya. Bibihira lang siya magsalita ng mahaba. Kaya naman alam kong importante ang mga sinasabi niya.

"Gagalingan ko, Mei! Hindi ako magiging pabigat! Promise na hindi na mauulit ang nangyari ngayon!" Buong loob kong tugon at napangiti ng malaki. "Alam mo ba kanina? Marami akong natutunan na mga moves sa klase ni Sir Dan! Sinabi kong bago lang ako kaya pinangako siyang tuturuan niya na akong gumamit ng kampilan bukas!..."

Nagsimula akong magkuwento sa kaniya kahit na buong araw naman kaming magkatabi sa klase at alam niya mga nangyayari sa'kin. Pero masarap sa feeling na tahimik lang siyang nakikinig habang nagdadaldal ako ng mga walang kakuwentang bagay at hindi niya ako pinipigilan o pinapatigil sa pagsasalita.

Lumaki ako sa mansyon na halos walang nakakausap kundi ang mga matatanda naming tagapag-silbi. Napaka-refreshing na may makausap akong tao na hindi nalalayo sa edad ko gaya ni Mei at Freon.

Nalaman kong si Mei ay matanda sa akin ng isang taon---seventeen ako at eighteen siya. Habang si Freon ay nineteen. Kung tutuusin ako ang bunso. Hehe!

Late na kaming pumunta ni Mei sa canteen para kunin ang afternoon snacks namin. Madalas ay three p.m. kumukuha ng snacks ang mga estudyante.

"Tomato juice." Bungad ni Mei sa counter na agarang binigay sa kaniya ng babae. Pinanood ko rin siyang kumuha ng isang balot ng mga cookies sa lagayan ng mga snacks.

Ginaya ko siya. Nag-utos din ako ng tomato juice na hindi ko pa natitikman sa tanang buhay ko at kumuha rin ako ng isang balot na cookies. Naghanap kami ng mapupwestuhan sa canteen. At mas pinili niyang umupo sa pinakasulok.

"Pansin ko lang na mahilig ka sa tomato juice?" Pansin ko at tahimik siyang tumango.

Pinanood ko siyang tusukin ang maliit na puting straw na nakadikit sa box ng juice sa maliit na butas. Dinikit niya ang kaniyang maninipis at kulay rosas na mga labi na at simulang sipsipin iyon.

Napalunok ako at nag-iwas ng paningin. Ginaya ko lang ang ginawa niya kanina at sinipsip ang sarili kong tomato juice. Pero wala pa sa kalagitnaan ay kaagad kong naluwa ang straw.

"Pwe! 'Di ko gusto ang lasa!" Nangasim ang mukha ko.

Napatingin siya sa akin at inilapag ang tomato juice niya sa lamesa nang nakapirat. "Akin na lang 'yan."

"Eh! Ubos mo na agad!" Hindi makapaniwala na inabot ko sa kaniya ang akin.

Napanganga pa ako nang kaagad niyang sipsipin ang straw na pinaggamitan ko!

'Yung laway ko...

Naramdaman ko ang kakaibang init sa dalawa kong pisngi at napapangusong nag-iwas ng paningin!

L-Laway lang naman... Not a big deal.

"Ayun 'yung sinasabi ko sa'yo!"

"Magkasama sila!"

"Pinoprotektahan ni Mei?"

Kaagad nabago ang reaksyon ko nang marinig ang isang grupo ng mga estudyante na kakapasok pa lang sa canteen ang malakas ang loob na pag-usapan kami ni Mei!

Hindi lang ito ang unang beses kundi nagsimula noong nakaraang araw pa. Maraming mga estudyante ang nagpaparinig sa amin. Kaya naman hindi ko maiwasang titigan sila ng masama! Kaagad silang nagsipagtigil. Pagkatapos kumuha ng snacks ay umupo sila sa table na malayo sa amin.

Saka ako muling bumaling kay Mei na mukha namang walang pakialam. Sa halip ay mukhang mas ene-enjoy niya pang pinag-uusapan siya ng gano'n.

Alam ko na ayaw halos lahat ng mga students kay Mei, maging si Freon. Alam ko rin na may kinalaman 'yon sa nangyari sa isang taon nang nakalipas. Pero ang hindi ko alam ay kung anong nangyari noon. At wala rin naman akong balak na alamin dahil labas na ako ro'n. Ang kailangan ko ay mag-focus sa goal! At ang kailangan ko ay si Mei!


Fritzyland | Thank you for reading!

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now