INTRO

3.2K 119 27
                                    


Nabibingi ako sa lakas ng mga sigawan habang pinapanood ang mga estudyanteng nagpapatayan.

Maging ang pagsirit ng dugo at pagliparan ng parte ng kanilang mga katawan sa ere ay kitang-kita ng dalawang mga mata ko.

Habang tumatagal ay pabagal nang pabagal ang oras. Para lamang may sariling pag-iisip ang aking katawan na siyang kumikilos upang makipagpatayan sa kapwa ko estudyante.

"Mamatay ka na, Mei!"

Sari-saring mga boses ang nagsusumigaw sa aking pangalan. Ngunit bago pa man nila ako magawang lapitan ay kaagad na silang bumabagsak sa lupa nang nahahati sa dalawa.

"Papatayin kita, Mei!!!"

Tila'y mababangis na hayop na nakawala sa bilangguan, at sabik na sabik sa aking dugo ang inaasal nila!

"Huwag niyo siyang buhayin!"

Marami na'ng katapusan na nagdaan. Subalit ito na yata ang pinakabrutal na patayan. Ang mga senior students ang labis kumitil ng buhay! At kahit na alam ko ang dahilan, hindi ko parin maintindihan kung bakit nila pinupuntirya ang junior student na gaya ko?!

Bakit ako? Bakit ako?!

"Aaaaaaaah!!" Naghihingalos kong tinaas sa ere ang aking kampilan upang laslasin hanggang sa malagutan ng hininga ang kung sinumang magtangka sa akin!

Bawat pagtalsik ng dugo sa aking mukha ay ang lalong pagdidilim ng paningin ko! Ganoon na rin lang ang pagkikiskisan ng aking mga ngipin sa sobrang panggigigil! Wala na ako sa kontrol na pati sarili ko ay nasusugatan ko na!

Nag-aagaw dilim na, karaniwan ay isang oras lamang nagtatagal ang katapusan, at kanina pa dapat ito tapos. Subalit gaya ng estado ng mga estudyante ngayon, si Dean Chicago ay walang pinagkaiba, sa halip ay siyang naging pasimuno sa walang tigil na patayan. Pinamumunuan niya ang pag wasak sa mga batas ng Murim school sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng eskwelahan.

"Aaaaaah!!" Sa tuwing bumabalik sa isipan ko, mas lalong nabubuhay ang pagka-uhaw ko sa dugo!

"M-Mei! 'Wag!"

Binaon ko ang aking kampilan sa lalamunan ng huling lalaking natitirang nakaharang sa daan ko. Kasabay ng paghugot ko ay ang paggulong niya sa lupa. Sa puntong ito ay nakatayo na ako sa tuktok ng bundok ng mga bangkay habang binabalutan ng mga dugo ang katawan ko.

"Hindi 'to maaari!!! Sa puntong 'to maraming estudyante ang mapapatay niya!!!" Dinig na dinig ko ang nangingibabaw na malaking boses ni sir Danilo mula sa malayo, kasama ang dalawa pang guro na nakikisali.

Nagsalubong ang mga mata naming dalawa at kitang-kita ko ang gulat niya. Bigla ay bumalatay sa mukha niya ang labis na takot. Napangisi ako nang nakakaloko.

Nasa batas ng katapusan at maging ng Murim School na hindi pwedeng mangialam ang mga guro, guwardya, dean at sino pa mang hindi estudyante. Ito ay labanan ng kapwa estudyante hanggang patayan. Kung sinuman ang mangialam, katumbas ay ang ulo na magiging palamuti sa gate ng Murim.

Pero para makita si sir Danilo na tinutulungan ang mga estudyante. Wasak na wasak na talaga ang mga batas sa eskwelahang ito. Para bang nawalan na ng saysay at kahalagahan ang noong itinuturong dignidad ng Murim school.

"Lahat kayo!!! Tapusin niyo na siya!!!" Muling nangibabaw ang tarantang boses ni sir Danilo.

"Aaaaaaaaaaah!!!!" Sapat na iyon para magkandarapang sumugod sa akin ang panibagong alon ng mga estudyante.

Halos mabingi ang pandinig ko. Natulala ako sa tanawing iyon. Ni minsan ay hindi ko naisip ang ganitong sitwasyon. Nakakatakot, nakakabaliw para sa labing-anim na taong tulad ko. Kakatawa na ang plano kong hindi maging pansinin o manghalina ng anumang atensyon habang nakakulong ako sa loob ng eskwelahan ay ang kabaliktaran sa nangyari.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now