CHAPTER 33

379 47 0
                                    

WENDY'S POV


"Fenriz?" Pagtawag ko sa pangalan niya. Nahinto siya sa ginagawa at saka tumayo mula sa kinauupuang damo para harapin ako.

"Hmm?" Ngunot noo niyang daing.

Sa kamay niya ay naroon ang maliit na kuting na kumakalmot sa itim niyang damit. Nilalaro-laro niya ang kuting gamit ang mga daliri. Nakagat ko ang ibabang labi. Pagkatapos ng klase ay humanap talaga ako ng pagkakataon na makausap siya. Saktong nagtungo siya sa likuran ng building para lamang laruin ang maliit na pusa. Kaya naman, ito na ang pagkakataon kong makausap si Fenriz!

"Pwede ba tayong mag-usap?" aktong kinakabahan kong tanong.

Napatango siya. "Ano'ng sasabihin mo, Wendy?"

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, lalo pa nang banggitin niya ang pangalan ko. Ang una kong gagawin ay aamin sa nararamdaman ko para sa kaniya!

"F-Fenriz... kasi..." napayuko ako. "Hindi ko alam kung kailan ko 'to unang naramdaman... Noong una ay humahanga talaga ako sa'yo! P-Pero habang tumatagal ay iba na ang nararamdaman ko..." Napalunok ako at nag-angat ng tingin.

"Ha?" Usal niya.

"Fenriz!" Napayuko ako at inilatag sa kaniya ang dalawa kong braso na hawak ang isang bote ng tomato juice na siyang hindi makikita rito sa loob ng Murim School. "M-Mahal kita, Fenriz! Simula pa nung una, ikaw na lagi ang nasa puso ko..."

Napataas ang dalawa niyang kilay at sandaling natigilan. Kumuyom ang kamao ko sa hawak na bote para panatilihing matatag ang mga binti ko mula sa panghihina. Subalit tumagal ang ang ilang segundo nang hindi ko narinig ang pagtugon niya. Unti-unti kong inangat ang paningin ko para tingnan siya. At ang nararamdaman kong 'yon ay hindi nagtagal nang makita ko ang sama ng reaksyon. Ito ang unang pagkakataon ko na makita siyang may ganoong ekspresyon sa mukha.

Nag-iwas siya ng paningin. "Naiiintindihan ko."

Ako naman ang naguluhan ngunit umasa. "K-Kung ganoon tinatanggap mo 'ko? Tayo na?"

Mas pumangit ang reaksyon niyang napatingin sa akin. "Alam mo naman siguro na bawal ang relasyon sa pagitan ng mga estudyante?"

Napaintag ako. "Kung 'yun ang problema, huwag kang mag-alala dahil hindi naman malalaman ng iba, at kahit isumbong nila tayo kay Dad, walang masamang mangyayari sa'tin! Isa pa, maraming estudyante ang may patagong relasyon sa loob gaya na lang nila Eunecia at---"

"Hindi kita gusto, Wendy." salubong na kilay niyang putol sa akin. Natigilan ako. "Wala akong pagtingin sa'yo. Kahit anino mo hindi ko kayang tingnan, kaya imposibleng may mamagitan sa'king dalawa."

Matagal na nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kahit na inaasahan ko ang hindi niya pagtanggap sa nararamdaman ko ay hindi ko naman aakalaing deretsahan niya iyong sasabihin sa akin. Hindi maiwasang manikip ng dibdib ko, dahil kahit na, siya lang ang lalaking nagustuhan ko sa tanang buhay ko.

"Meow~" Daing ng kuting, gumapang pa paakyat sa damit niya at nagpunta sa balikat niya. Hinawakan niya ang kuting pabalik sa tiyan niya at doon sinabit sa itim niyang damit gamit ang matutulis nitong kuko.

"Hindi mo ba naintindihan?" animo'y naiinip at sarkastiko niyang tanong sa akin at napabuntong hininga. "Meiriz," aniya. "Meiriz ang pangalan ni mingming---Alam mo kung anong ibig sabihin no'n?"

"H-Huh?"

"Pinagsamang pangalan namin ni Mei-Mei." lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. "Siya ang gusto ko, Wendy. Sa palagay ko, mas malinaw pa sa tubig ang katotohang 'yon kahit na hindi ko sabihin."

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now