WENDY'S POV
Sumasalubong sa akin ang malakas na hampas ng hangin sa pagpapatuloy ko ng paglalakad. Ang makapal at maitim na ulap ay unti-unti nang tinatakluban ang araw kung kaya't ganito na lang kakulimlim ang panahon. Napahinto si Mei sa paglalakad at agaran naman akong natigilan sa pagsunod sa kaniya. Hinarap niya ako nang may talim na pagtitig dahilan upang sumiklab ang nerbyos sa dibdib ko.
"Bakit mo ako sinusundan?" Madiin niyang pagtatanong sa akin.
Napalunok ako at hindi magawang makatingin sa kaniya."K-Kasi Mei.. tungkol sa nangyari kanina.."
Nagpakawala siya ng hininga. "Tapos na, Wendy. Wala ka na dapat ikabahala pa. Patay na si Megan at susunod ang dapat na susunod."
Nakagat ko ang ibabang labi. "Hindi kay Megan. G-Gusto ko sanang..."
Lumalakas ang kaba ko! Hindi ko maituloy ang sasabihin. Gusto ko sanang pag-usapan ang nakita ni Fenriz. Pero natatakot ako sa kung anong isipin ni Mei at maaaring lumabas na salita sa bibig niya.
"Gusto mong ano?" Ngunot niyang tanong. "Gusto mong ikaw ang sumunod kay Megan?"
Natigilan ako at umiling-iling. "Mei! H-Hindi!"
Mariin kong nakagat ang ibabang labi habang pinagtaasan naman niya ako ng kilay.
"Kung gano'n, bakit ka sumusunod sa akin? Hindi pa bumababa ang kulo ng dugo ko, Wendy. Mabuting tumigil ka na sa pagsunod sa akin kung ayaw mong ituluyan na rin kita." Halatang ayaw niya naman ng kausap ngayon!
Napayuko ako at natuon ang atensyon sa maruming sahig na inaapakan namin. Katatapos ko lang na puntahan si Fenriz sa kanilang dorm matapos nang nangyari kanina. Subalit nang pilit ko siyang kausapin ay ayaw niya rin tumugon o magsalita man lang. Ang gusto niya raw muna ay magpahinga. Maaring hindi niya pa malaman ang nararamdaman niya dahil sa nakita. Nasaksihan niyang may nilabag na rules si Mei...
Natapos na ang kasiyahan kanina dahil sa pagkapanalo ng team nila sa soccer at bukas na agad ang panibago nilang laban para sa championship. Paniguradong mabigat na labanan iyon dahil ang team nila Rhett ang kanilang makakalaban!
Halos lahat ng estudyante ngayon ay nagpapahinga na dala ng pagod. Marahil ay wala silang kaalam-alam na mayroon na namang estudyante ang ngayon'y kinitilan ng buhay, kaya ganito kapayapa. Pero sa oras na matagpuan nila ang bangkay sa basement, simula na naman ng gulo. At alam kong hindi iyon magiging madali. Dahil ang kinalaban din namin ay si Rhett.
Mariin akong napapikit at nag-angat ng tingin kay Mei. Akma siyang tatalikod nang magsalita ako.
"Ipapaliwanag ko ang lahat kay Fenriz, Mei. S-Sasabihin ko sa kaniya ang lahat at naniniwala akong maiintindihan niya rin kung bakit humantong sa ganito. K-Kailangan lang niyang malinawanagan at--"
Nahinto ako sa pagsasalita nang walang anu-ano'y talikuran ako ni Mei na para bang balewala ang pagsasalita ko at mga sinasabi ko! Desedido ko siyang hinabol at mabilis na hinarang ang daan niya na nagpahinto rin sa kaniyang paghakbang.
"Mei naman! Pakinggan mo muna ako!" Nangungusap ko siyang tiningala. "Baka hindi niya maintindihan kung bakit mo 'yon ginawa! Tinulungan mo ako at gusto ko ring makatulong sa'yo ngayon!"
Deretso siyang tumitig sa akin. "Hindi ko kailangan ng tulong mo."
"P-Pero tungkol iyon kay Fenriz!"
Bumakas ang pagkairita niya. "Ano ngayon?"
"Mei---"
"Puwede bang tigil-tigilan mo na ang kakasunod kay Fenriz at pag-aalala sa kaniya na para bang may namamagitan sa inyong dalawa? Dahil hindi niyon mababago ang ginawa mo sa kaniya!"
YOU ARE READING
THE DEAD GIRL HAS COME ALIVE
Mystery / ThrillerMei Yezidi is one of the best students at Murim School. She was killed by her half-sister, Mal Yaotzin, a year ago, but suddenly appeared again at Murim School as a new student. Mei Yezidi wants revenge for what happened in the past. During the proc...