CHAPTER 8

664 63 0
                                    

FENRIZ'S POV

She saved me.

She saved me.

She saved me.

Can I trust her?

Tinakpan ko ang aking tainga gamit ang dalawa kong kamay para hindi marinig ang mga nakakatindig-balahibong sigawan. Hindi parin kumakalma ang pintig ng puso ko kahit na nakatago ako sa likod ng malaking bato. Pakiramdam ko kahit anong oras ay may aatake sa akin.

Niyakap ko na lamang ang sarili ko at pinikit ang mga mata ko. Gusto ko nang umuwi. Sana hindi na lang ako naglayas. Hinahanap na kaya ako ni Dad? Makakabalik pa kaya ako ng buhay?

Nanatili ako sa ganoong posisyon sa loob ng isang oras. Hanggang sa muli akong makarinig ng kalampag ng kampana mula sa malayo. Unti-unti nang nawala ang mga sigawan. Napaangat ako ng ulo at dahan-dahang napatayo. Muling bumalik sa pandinig ako ang kaninang sinabi ni Mei na kapag tumunog na muli ang kampana ay ligtas nang lumabas.

May pag-aalinlangaan man ay paisa-isa akong humakbang habang alterto parin sa paligid. Subalit nakaalis na ako sa gubat ay wala na akong narinig na kaguluhan. Parang ang lahat ay kumalma na.

Mei... Nasa'n na siya?

Nanghihina parin akong naglakad pabalik sa campus at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Maraming bangkay ang nakakalat sa sahig. Ang mga dugong nagkalat ay gano'n na lang katapang ang amoy.

Muli na namang bumilis at bumigat ang paghinga ko. May mga guwardiya ang siyang kumukuha sa mga bangkay at meron ding mga naglilinis ng mga nagkalat na dugo na para bang wala lang iyon sa kanila. Pakiramdam ko ay binabangungot lang ako ngayon. Sa sobrang daming nangyari ay hindi ako makapaniwala na totoo ito!

Habang naglalakad ng sobrang bagal ay napanood ko ang mga buhay na estudyante na nakikipag-usap sa mga kagrupo nila na may nagmamalaking mga itsura. May mga hawak silang iba't-ibang ID na batid kong galing sa mga estudyanteng bangkay na, gaya na lang ng nakita ko kanina. Binibilang pa nila iyon na para bang nagpaparamihan!

"Fenriz?" Pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Freon na may nanlalaking mga mata, kasama ang pinsan niya na si Eunecia. "Buhay ka pa? Paanong... nakaligtas ka?"

"F-Freon..." Nagmamadali akong pumunta sa kaniya at yumakap! Naramdaman kong natigilan siya. "Muntik na 'kong mamatay!"

"..."

Sandali siyang hindi tumugon at narinig ko ang buntong-hininga. Hinawakan niya ang dalawa kong braso para ilayo sa kaniya. Dahil mas matangkad ako sa kaniya ay kinailangan niya akong tingalain. "Normal lang 'yun! Ang inaasahan ko nga ay patay ka na. Kaya bakit buhay ka pa? Anong nangyari sa'yo paglabas mo sa classroom?"

Nangulubot ang baba ko sa naging tugon niya sabay napahikbi. Anong normal na muntik na 'kong mamatay? At talaga bang inaasahan niya ang kamatayan ko ngayon?

"'Wag mong masamain, Fenriz. Bago ka lang dito, wala pang training! Kaya alam ko nang mamamatay ka. Isa pa, hindi mo binasa ang student handbook na binigay sa'yo kaya wala kang alam sa nangyayari ngayon." Muli siyang napabuntong-hininga. "Bumalik na tayo sa dormitoryo para gamutin ang mga galos mo sa katawan."

Saka ko lang napagtanto na dumudugo ang mga maliliit na galos sa dalawa kong braso. Kinapa ko rin ang mukha ko at nakaramdam ng hapdi. Malamang ay nakuha ko 'to sa mga sanga at matutulis na mga dahon na nakakasalubong ko sa pagtakbo kanina.

Hinatid namin si Eunecia sa kwarto niya bago kami pumasok sa amin. Mayroong first aid kit na kinuha si Freon sa cabinet niya. Hinugasan ko muna ang mga sugat ko bago gamutin ang aking sarili. Ang makinis kong mukha ay ngayon ay puno na ng hiwa. Magpepeklat kaya 'to?

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now