CHAPTER 25

390 52 1
                                    

MEI'S POV

Naglakad ako patungo sa tagong punishment room. Ngunit malayo pa lamang ay tanaw ko na ang mga estudyanteng nakahilera sa gilid ng daanan. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang iba ay nakangisi, ang iba ay masama ang mukha. Deretso akong naglakad sa gitna nila. Walang pakialam at deretso ang tingin ko sa pulang pintuan ng punishment room. Ngunit hindi pa man ako nakakaabot doon ay mayroon nang humarang sa akin.

Malamig ko siyang tiningnan. Habang siya ay ngising-ngisi sa akin ng nakaloloko. Nilalaro ng isa niyang daliri ang dulo ng kanyang buhok. Hinarap ako ng malapitan, natutuwa akong tinitigan.

"How's hell, sister?" Ngisi niyang tanong.

"Mal." Malamig kong sambit sa kaniyang pangalan.

Nang-aasar ang kanyang mukha at walang pahintulot na hinaplos ang aking buhok. "Talaga nga namang napabilib mo ako sa ginawa mong 'to?" Ngisi niya, subalit siya ang mukhang naaasar. "Akalain mo 'yon? Nagagawa mo na ring mapaikot si Dean Chicago sa mga tricks mo. How great was that?! Hahaha!"

Tinabingi ko ang aking ulo. "Talaga bang si Dean Chicago lang ang napaikot ko?"

Malakas siyang humalakhak, gumaya ang mga estudyanteng nasa aming gilid at tutok na tutok sa aming pag-uusap. Muli niyang pinaglaruan ang dulo ng buhok niya, nakangisi at masama ang tingin sa akin. Pulang pula ang kanyang labi dahil sa kapal ng lipstick. Nababagay naman sa kaniya ang kulay, pero mukha siyang malandi.

"O, hindi ko na aaksayahin ang oras mo, Mei." Maarte niyang sabi saka tinuro ang pintuan ng punishment room. "Pumasok ka na. Naghihintay na sa'yo ang impyerno."

Hindi na ako tumugon sa kaniya. Akmang hahawakan ko na ang door knob ng pintuan nang hatakin ako ni Mal sa braso at mabilis niyang pinatama ang kaniyang kamao sa aking panga.

"OWWW!!!" Iisang tinig ng mga nakakita.

Napunta sa gilid ang aking ulo dahil sa lakas ng sapak niya sa aking pisngi. Hinawakan ko ang aking labi nang pumutok ito at dumugo. Kasabay niyon ang tawanan ng lahat. Tumingin ako kay Mal na ngayon ay mukhang nasisiyahan at naginhawaan. Nasapak niya ako at tumawa ang lahat dahil sa ginawa niya. Ganoon lagi ang gusto niyang senaryo. Ang magmukha akong mahina at siya ang malakas. Siya ang masusunod, at ako ang taga sunod. Ganoon ang gusto niya.

Ngumisi ako sa paraang hindi niya gugustuhing makita. Nawala naman ang ngisi niya sa labi nang matitigan ako. "Nice punch, Mal. It almost hurt me." mas lalo pang tumaas ang labi ko. "Almost."

Umamba siyang sasapakin ulit ako nang saluhin ko ang kamao niya nang walang kahirap-hirap. Napasinghap ang lahat sa gulat, maging siya ay nabigla sa ginawa ko. Madiin kong hinawakan ang kamao niya. Binaon ko ang aking mahahabang kuko sa kaniyang mga daliri, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit. Ngunit hindi niya iyon pinahalata. Binitawan ko ang kamao niya at umatras upang talikuran siya. Tuluyan kong pinihit ang door knob ng silid. Bago pumasok ay muli ko siyang nilingon, masama ang tingin niya sa akin ngunit nginitian ko lang siya.

"Bitch!" Pahabol niya pang sigaw bago ako tuluyang pumasok sa silid.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng punishment room. Hindi pa rin nagbabago ang pintura ng mga pader. Naghalong itim at pula ang kabuuan nito. Kulay dilaw ang iilang ilaw sa loob ngunit madilim pa rin ang tingnan. Maraming kagamitan ang nakamamatay dito. Ngunit ang matalim na latigo pa lamang ang naranasan ko noon.

Tandang-tanda ko pa ang unang beses na nakapunta ako rito sa loob. Pinarusahan ako ng walang kasalanan. Pinarusahan ako dahil lamang sa kagustuhan ng lahat. At ang parusang iyon.. ay pang-gagahasa. Isang beses lamang ako nakapunta rito, ngunit walang sawa nila akong binaboy. Paulit-ulit, walang segundo ang pinapalagpas. Sila ay mga hayop na kating-kati sa isang putahe.

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now