CHAPTER 15

417 51 3
                                    

MEI'S POV

"T-Tulungan niyo ako..." Nakikiusap kong sambit sa kanila. "W-Wendy.." Hirap man pilit ko siyang tiningala. "Pakiusap... W-Wendy... tulong!"

Iniangat ko ang aking napakaruming braso na tila ba'y hinihintay ang pag-abot niya rito. Ngunit sa halip, hindi ko inaasahang aatras siya at ilang beses na umiling-iling. Rumehistro ang kakaibang sakit sa aking mukha kahit na mahahalata naman iyon sa pagbuhos ng aking luha. Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay pilit ko siyang inaaninag.

"W-Wendy.. t-tulungan mo ako!" Pinilit kong gumapang sa putikan ngunit kitang-kita ko ang pag-atras niya palayo sa akin ng ilang beses. Nanginginig man sa takot ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pagwawalang bahala niya sa nangyayari at sitawasyon ko. Malamig niya pa akong sinulyapan bago tuluyanng nilisan ang lugar! "A-Aah.." Halos humagulgol ako ng iyak!

"M-Mei.."

Napaangat ako ng tingin kay Eunecia. Hindi gaya ni Wendy, siya naman ay humakbang papalapit sa akin na kinabuhay ng loob ko. Nanghihina at nanginginig man ay muli kong nilahad ang aking kamay subalit bago pa siya makalapit ay nauna na si Mal!

Nanlaki ang mga mata ko nang malakas niyang hampasin ng pala sa mukha si Eunecia! Dahilan upang masubsob din siya sa putikan.

"Oh please! Gusto mo rin bang sumama sa libingan?! Be gone Eunecia! Before I kill you too!" Galit na sigaw ni Mal sa kaniya.

Sa huling sandali ay nagtama ang paningin naming dalawa. Kahit na panay ang pagbubos ng aming mga luha ay pinilit kong ipakita sa kaniyang ayos lang akong iwan niya. Labas sa loob ko, ngunit sapat nang makita siyang humakbang at nagtangkang tulungan ako. Hindi siya karapat-dapat na madamay sa pagkakagulong sangkot ako.

"Mei-Mei!"

Nagmulat ako ng mga mata at bumalik sa reyalidad. Mei Mei? Naglinga-linga ako ng paningin sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali...

"MEI-MEI!!!"

Napahinto ako sa paglinga nang masilayan ko si Fenriz mula sa malayo. Hinihingal siyang tumakbo sa patungo sa akin. Nang tuluyang siyang makalapit ay nahinto siya sa harapan ko na kasalukuyang namamahinga sa itaas na sanga ng puno ng Narra sa loob ng gubat. Napakatahimik lamang ng lugar at walang ibang maririnig kundi ang simoy ng hangin na at kaliskisan ng mga puno. Naistorbo lamang iyon dahil sa pagdating ni Fenriz

"Mei-Mei, kanina pa kita hinahanap." Nakangiting aniya habang tinitingala ako sa puno.

Napatitig ako sa kabuuan niya nang ilang segundo. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglunok niya dahil sa titig kong iyon. Pakiramdam ko ay buo ang araw ko sa tuwing makikita ang ganoon niyang itsura. Dahil sa distansya namin ay nagmumukha siyang maliit na nakatingalang sisiw.

Kapansin-pansin ang pagtulo ng pawis mula sa kaniyang noo pababa sa kaniyang maputi at makinis na leeg. Marahil ay dahil sa kahahanap sa akin. Tumaas ang sulok ng labi ko. "Paano mo 'ko nahanap sa lugar na 'to? Fenriz?"

Bumungisngis siya. "Hanga ka na ba sa'kin? Ito yata ang skills ko, Mei!"

Muli akong napatitig sa kaniya. Hindi mapagkakaila na anak-mayaman siya. Bibihira lang ang lalaking may mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin na para bang alagang-alaga iyon. Ganoon na lang din ang kutis ng balat niya at ang paalon na kulay tsokolate niyang buhok, na kahit pagmasdan mo lamang sa malayo ay masasabi mong malambot.

"Mei?" Pukaw niya pa sa akin. Tinitigan ko lamang siya. "Akala ko ba hindi mo ko hahayaang mahawakan ng iba? Eh bakit lagi ka namang wala sa tabi ko?"

"Hmm..."

"Psh!" Pinagkrus niya ang dalawa niyang braso. "Anyways, lunch time na! Sabay-sabay ulit tayong kumain nila Freon."

Nang marinig iyon ay muli kong pinikit ang mga mata ko. "Hindi ako nagugutom."

Sandali siyang natahimik at muling nagsalita. "Dahil ba kina Wendy at Eunecia? Nararamdaman kong masama ang loob mo sa kanila at sinabi rin sa akin 'yon ni Freon kagabi. Sorry, Mei dahil pinilit kita na sumabay sa pagkain kagabi! P-Pero isipin mo na lang... kailangan natin gumawa ng grupo para hindi nila tayo maliitin. Alam kong napapansin mo na rin na niyayabangan ka na ng iilan dahil humuhupa na ang takot nila sa'yo. Kaya kailangan natin ng ibang paraan na pakitaan din sila... hindi ba't magandang plano 'yon?"

Wala sa sarili akong napamulat ng mga mata, hindi inaasahan ang paliwanag niya. Saka ko lang napagtanto na kahit mukha at umaakto siyang inosente, meron siyang sariling pag-iisip.

Ganito na lang ba ang pagnanais niyang makalabas sa lugar na 'to? Napabuntong-hininga ako at akma na sanang bababa nang marinig ang panunukso niyang tinig."Yiiee! Hindi 'yan tampo!"

Nalukot ang noo ko at tinaliman siya ng tingin. Subalit sa halip na tumigil ay malakas siyang tumawa. "Hahahaha! Mei-Mei baba na diyan!."

Walang emosyon akong bumaba, hindi dahil inutos niya kundi dahil iyon ang gusto kong gawin. Tsk!

Nang makababa ay hindi ko inaasahang guluhin niya ang nananahimik kong buhok. "Mei-Mei, alam mo ba na para kang pusa? Hehe..."

Naitabingi ko ang ulo at kusang napaatras. "Huwag mo akong hahawakan, hindi tayo close."

Napakamot siya sa batok at biglaang lumapit sa akin saka dinikit ang braso niya sa aking braso. Kinailangan ko pa siyang tingalain na may pagtataka.

"A-Ayan," Tumikhim siya. "Close na tayo." Nakagat niya ang ibabang labi na kinangiwi ko naman.

Napapailing akong tumalikod at naglakad papalayo nang dali-dali siyang humabol sa akin.

"Mei-Mei!" Naroon ang kasiyahan sa tinig niya sa tuwing binabanggit ang dumodoble kong panagalan.

Nakarating kami sa canteen ngunit wala na roon ang tatlong tao na inaasahan ni Fenriz na makasabay kumain. Kaunti na lang din ang tao sa loob na para bang kanina pa natapos ang tanghalian.

Napabaling ang paningin ko kay Fenriz na ngayon ay may ngiting nakatingin sa akin mula sa aking harapang upuan. Inusog niya sa lamesa ang karton ng tomato juice patungo sa akin. Doon naman bumaba ang paningin ko.

"Nakalimutan mong kumuha eh..." May ngiti siyang tumuon sa pagkain niya. "Malamang nauna nang kumain sina Freon dahil matagal kitang nahanap."

"Hmm..."

"Ubusin mo ah! Dapat walang isang patak ang matitira!" Tinusok niya ang straw sa butas ng tomato juice.

"Hmm..." Ginawa kong tubig ang inumin na iyon.

"Hehe.." Naramdaman kong pinapanood niya akong sipsipin ang straw kaya't hindi ko maiwasang mapalabi.

Mula sa sulok ng aking mga mata ay nakita kong napakalumbaba siya. "Ang ganda mo talaga, Mei-Mei."

Napatigil ako sa pagsipsip at kaagad na napaangat ng tingin sa kaniya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya at wala sa sariling napahawak sa kaniyang mga labi. "Please tell me I didn't say that out loud!"

Hindi ko kontrolado ang pagtaas ng magkabila kong labi. "Maganda ako? Ulitin mo nga ang sinabi mo."

Nanlaki bigla ang mga mata niya at nalilitong nag-iwas ng tingin. "H-Hindi ah! Psh! Hindi ka maganda! Wala akong sinabing ganon!" Natataranta siyang naghanap ng sasabihin. "Ang panget mo kaya! Dugyot pa at madalas may putik sa mukha! Pwe! Panget ka, Mei Mei! Sino namang nagsabing maganda ka? Huh!"

Nilapit ko ang mukha sa kaniya. "Kakasabi mo lang na maganda ako." Malamig kong sabi.

"What? I didn't! Walang ganon! Pilingera ka! Kung ano ano naririnig mo!"

Naitabingi ko ang ulo. "Pero sinabi mo na maganda ako--"

"Wala nga!" Ngumuso siya at biglaang tumayo. Walang anu-ano'y nilayasan niya ako sa canteen. Nagkibit balikat na lamang ako at inubos nang tuluyan ang tomato juice. Maya-maya lang ay muli siyang bumalik para kumain. Habang pinaulit-ulit ko ang sinabi niya hanggang sa maging kulay tomato ang mukha niya.



Fritzyland | Thank you for reading!

THE DEAD GIRL HAS COME ALIVEWhere stories live. Discover now